★Day 9★

45 4 2
                                    

Day 9

Iniinom ko ang kape ko habang nagbabasa sa library ng bigla kong naramdaman na nagvibrate ang bulsa ko. Kinuha ko naman agad ang cellphone ko at agad na tiningnan kung sino man hapaslupa na nagtext dahil muntik ko ng mabuhos sa sarili ko ang kape.

From: 09**********

Let's meet J

Kumunot namna agad ang nook o dahil sa text na 'yon. Sino naman to? Agad naman ako nagcompose ng reply sa kanya.

To: 09**********

Hu u phoexsz?

Natawa pa ako sa text ko. Kiber mo kong jeje ako magtype? Ikaw na nga lang ito nakikibasa sa text ko eh char lang.

From: 09*********

Oh, sorry wrong number

Maslalo akong natawa sa reply na natanggap ko sa nagtext sakin. Kumunot naman ang noo sakin ng librarian kaya nagpeace sign na lamang ako at binasa uli ang librong hiniram ko.

Nakaramdam ako ng pagkabagot sa loob dahil narin sigur maulan kaya tumayo na ako at nagsimulang maglakad papuntang classroom namin.

"Oh ara bat ka naglalakad ditto?" tanong naman ni Carl kumunot naman ang nook o sa tanong niya.

"Anong gusto mo? Gumapang ako papuntang classroom?" tiningnan niya naman ako ng masama dahil napahiya siya ng onti. Umirap ako sa kanya at naglakad uli.

Malapit na sana ako sa classroom namin ng nakaramdam ako ng tawag ng inang kalikasan kaya agd naman akong tumakbo papuntang CR. Pumasok agad ako isang cubicle habang nilalabas ang aking sama ng loob.

"May tao ba diyan?" narinig kong wika ng isang babae sa katabing cubicle.

"Meron" pumiyok pa ang boses ko dahil na din sa pagiire ko. Di ko nga alam kung narinig niya pa sinabi ko eh.

"Oh my god! Maymulto!" narinig kong tili ng isang babae. Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Putangina neto nakita na niyang nagbabawas ako ng sama ng loob tasbigla siyang mananakot?

"Wag ka ngang maingay! Wag ka din sakim na gaga ka!" sabi ko ng matapos na akong naglabas ng sama ng loob.

Lumabas na ako sa cubicle ng matapos na ang aking paghuhugas sa private ko. Alangan naman sabihin ko pa sainyo kung pano ko hinugasan yun diba? Ang laswa nun. Hinugasan ko ang aking kamay.

"Ang baho naman" narinig kong reklamo ng babae habang palabas siya sa katabing cubicle.

"Wag ka kasing magsalita" pangbabara ko. Maymabango bang tae?! Umirap pa ako sa kanya bago lumabas.

Umupo agad ako sa upuan ko, nagulat pa ako ng nakita kong pumasok sa room si Ezekiel. Nakangiti pa ito at kumaway sakin. Niligpit ko naman ang gamit ko habang nakatingin pa din sa kanya.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya. Minsan talaga feeling ko ang susyal ko pagnagsasalita ako ng English eh.

"I'm just here to fetch you" nakangiti niyang sagot. Nalaglag naman ang panga ko dahil doon. Ano daw? Fetch? Mukha ba akong aso? "I mean I'm her to pick you up"

Tumango naman ako dahil sa sinabi niya pero abat naman niya ako sinusundo? Tiningnan ko siya na halos maypagtataka sa mukha. Mukhang naguluhan na din siya kaya hinila na lamang niya ako alabas ng classroom.

Nakahawak pa din kami ng kamay hanggang sa makapunta kami sa baba.

"Do you have an umbrella?" tanong niya sakin. Kinuha ko naman ang dilaw kong pasyong sa bag ko at nakangiting inabot 'yon sa kanya.

Once Upon a Rainy Day [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon