CHAPTER 19

6.4K 243 21
                                    

AOME'S POV
KINABUKASAN
Linapitan ako ni Abcde para sabihin sa akin na itutuloy namin yung date namin mamaya dahil pupunta sa doctor si Nicoline. Gusto niya daw bumawi. Pero wala naman sa akin kung gusto niyang bantayan si Nicoline, may puso naman ako kahit papaano. Iyon nga lang, malapit nang masira.

"Ang lalim ng iniisip mo?" May isang lalaking lumapit sa akin. Kaklase din ito ni Abcde. Yung itsura niya iyong typical na nerd pero malakas ang dating. Matangkad, maputi, matangos ang ilong at may braces.

Nag aalinlangan akong kumibo dahil una sa lahat hindi ko naman siya kakilala. Oo nakikita ko sya sa classroom ni Abcde pero ni minsan hindi kami nag usap.

"Kung hinahanap mo si Abcde, kasama niya si Nicoline. I think they went to cafeteria." Ngumiti lang ako bilang sagot.

"Im Jk nga pala. Juan Karlo, Jk for short."ngumiti lang ulit ako bilang pag tugon. "Alam mo? Naalala ko sayo yung ex ko na iniwan din ako."

Wala akong balak maging replika ng ex-gf mo kaya tantanan mo ako. "Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat, nagawa pa niyang mag hanap ng iba. Binigay ko lahat ng gusto niya. Material na bagay basta kahit anong pwedeng mag pasaya sa kanya. Pero iniwanan pa rin ako. Sabi nila almost perfect na yung relationship namin, pero ganun yata talaga."

"Gold digger ba yang ex mo?" Diretsong tanong ko. "Hindi naman siya ganun. Binibigay ko lang yung mga bagay na mag papasaya sa kanya."

"Alam mo Jk, hindi nabibili ng pera yung HAPPINESS na sinasabi mo. Dahil kung mahal ka talaga ng babaeng yan? Kahit bente pesos lang pera mo sa bulsa makokontento yan. O baka naman boring ka, gusto ni ex mo yung party party." Ngumiti lang ito..

"Yeah.. ganun nga. Gusto niya lagi sa mga party. Pero lagi ko pinapagalitan. Okay lang sana kung kasama ako pero pag ksi nakikita ko yung mga naka tag sa facebook niya, hindi ko maiwasang masaktan. Maganda kasi yun, kaya lapitin ng mga lalake. Pero okay na rin naman,tanggap ko na."

"Ganun nga dapat Jk, pag alam mong lugi kana. Tumigil kana.. mahirap pag dumating sa point na ubos na ubos kana. Ikaw din ang magiging kawawa sa huli.." bigla akong natigilan sa sinabi ko. Para bang sa akin pa mismo nanggaling yung isang malaking realtalk na kailangan ko. Tama pa ba tong ginagawa ko?

"May coffee shop kami, kung gusto mo.. pwede kang pumunta doon. Tara later? Magaan kasi loob ko sayo. I dont know exactly pero pag alam ko na I'll let you know." Maya-maya pa'y nakita kong papadaan sina Abcde at Nicoline sa kinaroroonan namin.

"Omg! Tignan mo nga naman. Nako, Jk ha? Ingatan mo yang si Aome."

"Nako,hindi.. yinayaya ko lang sanang mag coffee si Aome. Tsaka wala naman akong intensyon na iba. Tho she is cute." Nakita ko yung tingin sa akin ni Abcde, wala naman itong dapat ikagalit.

"Diyan din bagsak niyan. Tell me pag kayo na ha? Double date tayo ng baby ko." Sabay kiss sa cheeks ni Nicoline kay Abcde. Ngumiti lang si Abcde, nang papaalis na sila.. narinig kong may sinabi si Abcde, "Goodmorning, Aome.."

Pasimpli itong ngumiti sa akin. Ngumiti na lang din ako bilang sagot. Ano kayang mang yayari ngayong araw na 'to? Lord, ikaw na ang bahala..

Habang hinihintay ko sina Sarah, Neil at Yahiro sa side ng classroom nila. "Aome, gusto ko lang i clarify na sana huwag mo ng Landiin si Abcde."

Pinag masdan ako ni Nicoline ulo hanggang paa na tila ba diring diri siya sa akin. "Ayoko ng away Nicoline."

"Oh, really?" sabay tulak nito sa akin. "Pwede bang layuan mo rin ang mga kaibigan ko? " naramdaman kong may isa pang babaeng humahatak sa buhok ko.

"Sawang sawa na akong makita yang pag mumukha mo. Subukan mong manlaban at hindi mo alam ang mangyayare kay Abcde." sumama ako ng walang laban sa kanila sa Cr. "Nababaliw kana Nicoline, hindi na tama tong ginagawa mong to. Nakakaawa ka!"

Sinampal ako ng malakas ni Clover, "Shut up, Bitch. Wala kang karapatang mag salita." Linock nila ang pintuan ng powder room at sinabuyan ako ng coke sa mukha. Hindi binitawan ni Clover ang buhok at tuloy pa din ito sa pag sabunot.

"Ito na ang pinaka ganti ko sayong gaga ka! Dahil sayo kung ano-anu ang kumakalat na balita sa akin!! Subukan mong mag sumbong kay Abcde, sasaktan ko ang mga kapatid mo."

"Huwag mong sasaktan ang mga kapatid ko!!"

"Eh kung sunugin ko na lang kaya yung bahay niyo? Hmmm... great idea, right Clover?" nag tawanan ang mga ito. "Gagawin ko na ba?" tanong ni clover.

Unti-unti nitong ginupit ang aking buhok. "Itigil mo na 'to, huwag kang mag alala hindi ko na lalapitan pa si Abcde."

"Good.." nagulat ako ng may biglang lumabas na lalaki sa isang cubicle ng powder room. "A-anong.."

Hinatak ni clover ang uniform ko hanggang sa mapunit na ito. Linagyan din ako ng lipstick ni Nicoline. Habang linalapit nung lalaki yung mukha niya walang tigil sa pag kuha ng litrato si Nicoline sa akin.

"Ipapakita ko ito kay Abcde, malandi ka! Yan ang nararapat sayo!" sinubukan akong halikan nung lalaking kasama nila pero nanlalaban ako hanggang sa sampalin niya ako. "Picture lang naman ang kailangan ko, pero kung gusto mong ituloy yang binabalak mo. Sge lang.."

"Tulong!! Tulungan niyo ako!!!" Nararandaman kong pinupunit ng lalaking ito ang aking uniporme pero nag lalaban ako. Nag simula na akong mag sisigaw dahil natatakot na ako.

Pag bukas ng pintuan bumungad si Jk. "Anong kagaguhan tong ginagawa mo Nicoline? Hindi pa ba sapat na nag kabalikan na kayo ni Abcde?! At ikaw, hanggang kailangan ka magiging ganyan. Gamitin mo yang utak mo dahil nag mumukha kang aso sa pag sunod sa babaeng yan."

"Duh, dont tell me gusto mo yang babaeng yan Jk? Yan na ba ang ipapalit mo sa pokpok mong ex-girlfriend na pinag palit ka sa matand---" hindi na pinatapos ni Jk ang sasabihin ni Nicoline at tinulak niya ito. Dahil sa ingay na nang aggaling sa loob ng pwder room nag sisimula ng dumami ang taong nakikiusyoso.

Maya-maya pa'y dumating si Abcde para itayo si Nicoline na noo'y umiiyak sa sahig.

"Kasalanan 'to ni Aome! Sinabihan lang naman namin siya ni Nicoline na huwag niyang gawin ang ganyang bagay dahil bawal ang ginagawa nila."

"Gago ka na lang Abcde pag pinaniwalaan mo ang babaeng yan." linapitan ako ni Jk, at ipinasuot sa akin ang suot niyang varsity jacket. Hindi ko mapigilan ang mga luhang lumalabas sa aking mga mata. Hiyang hiya ako sa mga taong naka paligid sa akin..

"Sinaktan ako ni Aome, pinag sasampal niya ako kanina.." tinignan ko lang ito sa mata at pag katapos noon ay yumuko na lang ako. Minabuting buhatin ako ni Jk dahil sa nangyari. Wala akong sapat na lakas para tumayo at mag lakad.

Abcde's point of view

"What now Abcde? Hahayaan mo na lang bang gaguhin ng babaeng yan si Aome?!" galit na bulalas sa akin ni Dionne. "Subukan mong umalis! Mag papakamatay ako!!"

"Alam mo Nicoline? Nakaka awa ka." sinundan ni Dionne si Aome na noo'y buhat buhat ni Jk. "Mag papakamatay ako! Subukan mo lang sundan siya."

May hawak itong basag na salamin at itinapat niya ito sa kanyang kamay. Wala na akong magawa kundi yakapin na lang si Nicoline. Hindi ko na naitago ang bigat na nararamdaman ko...

"Hindi kita iiwanan.. kumalma kana." Habang sinasabi ko ang mga katagang yan kay Nicoline, si Aome ang naiisip ko.. Dahil sa akin naging miserable ang buhay niya.



SECTION ABCD [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon