CHAPTER 10:ON RAINY DAYS

16.7K 518 70
                                    

VOTE.COMMENT kayo napo ang bahala. Enjoy reading guys!

CHAPTER 10:ON RAINY DAYS

AOME

Dalawang linggo  akong hindi nakapasok, dahil pinag bawalan muna akong pumasok ni Dionne. Hindi naman natalo yung booth namin. Dahil sa maniwala kayo sa hindi, pinalitan ako ni Abcde.

''Aome, ang dami mong na miss na lessons. Sabi nila hindi ka daw excempted sa mga quizes natin.'' ano pa nga bang bago? Ganto kase sa mga nasa section D, kahit mamatay kana kailangan mo pa ring pumasok.

''Pero matanong nga kita, bakit parang concern sayo yung mga nasa section A? Hindi ba't mga VIP lang kinakaibigan ng mga yun? Tsaka diba puro matatapobre yung mga tao sa section A?'' sabi sa akin ng classmate kong si Miamor.

''Aba malay ko. Pero hindi naman lahat sila matatapobre. Mas marami pang palaka sa section C.'' sabi kase sa akin ni Dionne, nag alala daw si Abcde sa akin nun. Pero ayokong maniwala baka linoliko lang ako ni Dionne e.

''At alam mo bang pinag kakalat ni Clover na umaarte ka lang daw para makaiwas sa trabahong naka assign sayo. Tas sabi niya pa baby ka daw ganun.''

That wicked witch, kamuntik na nga niya akong mapatay tas umaarte pa ako? Bakit ba ang plastic niya? As in sa sobrang ka plastican niya siya na ang pwedeng makasira kay mother earth.

''Sige Aome, pasok na ako sa library. Alam mo na, may trabaho pa ako dun.'' nag nod lang ako, tumayo na rin ako at iniligpit yung mga gamit kong naka lapag sa lamesa, nag re-review kase ako kaya medyo kalat kalat yung mga libro ko.

''Hey Aome, kain tayo ng Spaghetti with prawns..'' liningon ko kung sino ang nag sabi nun. Si Yahiro pala.

''Ayaw mo? Ililbre kita. Masarap yun.''

''Ayoko, ikaw nalang. Baka mamaya matuluyan na ako pag kumain ulit ako ng pagkaing may  hipon.'' napangiti siya sa sinabi ko. 

''Nag bibiro lang ako, hmm so kamusta na si Abcde? Nag uusap naba sila ni Nicoline?'' liningon ko ito, bakit ba ako ang tinatanong niya? Paki ko dun sa dalawang yun.

''Ewan ko?'' alangan na sagot ko.

''So I guess, wala kang idea huh?'' kumunot ang noo ko, Idea? Dalawang linggo akong hindi pumapasok wala pa akong cellphone so paano ko malalaman yung mga bagay bagay na nangyayare sa campus? Well bukod sa break up ni Abcde at Aome, yun lang ang alam ko.

''Ano ba dapat kong malaman?''

May tinignan ito sa cellphone, at nang ipinakita niya sa akin yung nasa front page ng gossip site ng AA. Halos manlaki yung mata ko sa nakita ko.

''Alam ko hindi totoo yang naka post sa site.''

Ako raw yung reason ng break up nina Abcde at Nicoline. Sa pagkaka-alam ko nahuli ni Abcde si Nicoline na nakikipag date at nakikipag halikan kay Qiere. Pero bakit ganun?

SECTION ABCD [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon