CHAPTER 23

5.8K 219 17
                                    

AOME
Ito ang unang araw ng muling pag balik sa buhay ko ni Abcde. Siguro kailangan ko lang tanggapin ang mga bagay na mangyayari. Masaktan na kung masaktan.. ang importante naman doon ay yung alam kong magiging masaya ako.

"Blooming si Girl!!" Pang aasar sa akin ni Brandy. Tulog pa silang lahat maliban na lang sa taong pakanta kanta sa cr. Pag kalabas nito sa cr, nakita ko si Abcde na may ngiti sa mga labi.

"Goodmorning mahaaaaaaal!" Halos mangilabot ako nang tawagin nya akong mahal. Pero ganun pa man.. kinikilig ako.

"Good morning. Ang aga mo yatang nagising?" Lumapit ito sa akin at hinila ako papunta sa kusina. "Kumain ka muna then take a shower.. aalis tayo."

"Kasama sila?" Ngumiti ulit ito bago sumagot, "Naaah, tayong dalawa lang. So kumain kana diyan at marami pa tayong pupuntahan." Ngumiti ako at nag simula ng kumain.

Mukha ngang masayang masaya si Abcde dahil nag kabalikan na kami. Ako rin naman ay masaya..

"Bakit ganyan ka nakatingin?" Tanong ko sa kanya habang kumakain ng sinangag. "Nothing, Im just enjoying the view. Damn, kahit kagigising mo lang ang ganda ganda mo pa rin." Pinigilan kong ngumiti.

"Nako ha, Abcde! Huwag ganyan.. nakaka inggit!!" Sabi ni Brandy.

Nang matapos na akong kumain,ay dumiretso agad ako sa aking kwarto. Nag hahanap ng matinong susuutin.. Pumasok si briana at may binigay na kulay burgandy na dress.

"Im planning to wear this pero here! Ito yung suutin mo. Kasya naman yan sayo dahil payatot ka. I didn't know na ikaw pala yung tinutukoy nila sa akin. You're so lucky Aome."

"Hehehe.." tipid na sagot ko.

Nakaligo na ako, pero ipinilit ni Briana na ayusan ako.

"Don't worry, hindi naman makapal yung gagawin ko. Okay? Basta gusto ko maganda ka.. tho ang ganda mo na. Papagandahin pa kita lalo." Narinig ko itong tumawa..

Nang makapag bihis na ako at naayusan ako ni Briana, "Wear this.." may kinuha ito sa closet nya.

Valentino shoes.. "Nako Briana hindi ko susuutin yan.. maha-"

"Ano ka ba. Wala lang to no! Sa laki ng ginawa mo sa family ko kulang pa tong presyo ng sandals na to."

"Pero.."

"Ughh,dali na. Huwag na maarte." Hindi na ako nakipag talo pa at sinuot ko na iyong sandals na bigay ni Briana.

"Enjoy the rest of the night" sabay tapik nito sa aking kanang braso.. "I will.." tugon ko sa kanya.

Nang lumabas ako sa kwarto, nakita ko si Acde na naka tayo malapit sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit umiiyak ito. Ang sakit ng iyak nya na para bang inaapi ito.

"Huy!!" Lumapit ako sa kanya.. "Bakit ka umiiyak?"

Yinakap niya ako bago tuluyang sumagot, "Im just happy.. I love you so much Aome."

Habang patuloy ito sa pag iyak pati ako naiiyak na rin. Hindi ko alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam.. ang sakit sa pakiramdam na nakikita itong umiiyak.

"Promise me na hindi ka aalis.. Ipangako mo na mag sstay ka lang sa tabi ko." Hinawakan ko ang kamay nito..

"Hindi kita iiwanan.. hindi na." Ngumiti na ito at hinalikan ako sa noo.

Lumipas ang buong araw na mag kasama kami.. Kumain lang kami ng kumain, nag kwentuhan, nag laro sa arcade... at kumain ulit.

Pero bago matapos ang gabi, dinala ako ni Abcde sa isang lugar na napaka ganda. Parang sa pelikula makikita yung mga bagay na ganito.

"Since na.. bumalik na tayo sa dati.." inayos ko yung bag ko..dahil biglang nag iba ang presensya ni Abcde. "Alam mo naman siguro kung gaano ako ka grateful sayo."

Nag sisimula na namang itong maiyak. "Para namang mamatay ka niyan e! Hoy ahh! Tigil tigilan mo ako sa kaka ganyan mo Abcde!!"

Tumawa lang ito ng tumawa, "Wala akong sakit.. at hindi ako mamamatay.. kaya hindi mo kailangang matakot."huminga muna ito ng malalim.

"Actually matagal ko na sanang gustong gawin to.sinasbi ko na pag naging tayo ulit. Hinding hindi na kita papakawalan.. kaya.."

"Ano ito?" Lumuhod si Abcde sa harapan ko.. "This time hindi na kita papakawalan. I've waited for 3 years para lang magawa ko 'to. Hindi ko maipapangako sayo yung forever pero one thing for sure.. Hindi ka na mag iisa sa mundong to. I will be here for you Aome, always and forever."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Parang ang bilis. Totoo ba ito? O baka naman na nanaginip pa rin ako hanggang ngayon.

"Ever since na nag hiwalay tyo, I never felt so miserable. At ayoko ulit maramdaman iyon."

"So miss Aome Nicholas, will you marry me?" Habang naka luhod ito at hawak yung box na may singsing. Iyak ito ng iyak..

"Of course,I will marry you Abcde.." yinskap ako ng mahigpit ni Abcde.. "Pero yung wedding mang yayare pag tapos na tayo mag aral ha? Hangga't buhay ako at humihinga, hindi ka mag iisa. Lagi lang akong nandito para sayo. Hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan.. pero hangga't kaya kong pigilan.. gagawin ko. Basta Aome.."

tumingin ito ng diretso sa aking mga mata, "Huwag mo na ulit ako ipag tabuyan." Tumawa kaming pareho sa sinabi nya..

Kung ito na nga ang sinasabi nilang forever.. edi hindi na ako kokontra.

To be continued...

NANG GABI DING YUN natulog si Abcde sa kwarto ko, yakap yakap nya ako.

"Huwag mo na akong iiwanan ha?"

SECTION ABCD [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon