Chapter 3

33 2 0
                                    

NAPATUNGANGA si Honey kay Nash. Pumunta nga sila sa malapit na fast food at um-order ito ng gusto niyang pagkain. Inayos nito ang mga in-order nito sa mesa at muling umalis. Pagbalik nito ay may dala na itong ilang cups ng ketchap at isang plato ng gravy. Ngayon ay binabalatan nito ang manok na para sa kanya.

Manghang nakatulala siya dito. Sa tuwing kumakain kasi siya ng fried chicken ay nakasanayan na niyang pinaghihiwalay ang balat sa laman. Hindi sa ayaw niyang kainin ang balat mas gusto lang kasi niyang huli itong kainin.

"Here," he said and smile at her.

She takes a deep and big breath. Okay, iisipin na lang niya na tumama na naman ito ng hula sa maraming beses na pagkakataon. Ang hindi lang niya alam kung bakit kailangang ito pa ang gumawa no'n para sa kanya. She also give a smile to him, "Thank you."

"Ang lalim no'n ah,"

"Huh?"

"N'ong bugtong hininga mo,"

"Ah, wala. Napahanga mo na naman kasi ako sa galing mo sa panghuhula. Pero hindi mo naman kailangang gawin iyon para sa 'kin."

"Oh, that," napakamot ito sa ulo, "By the way, I have some business trip this coming week but I promise to call you as long as I can and have dinner with you every time I got home with my trips."

"Huh? Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Kung talagang busy ka this coming week. I understand. You don't need to make time for me. Magkikita pa rin naman tayo pagkatapos mo sa mga trips mo."

"No, I want to do that. Maisip ko nga lang na hindi kita makikita ng isang araw nanghihina na ako, iyon pa kayang ilang araw? Mababaliw ako noon! So, please allow me to call you and see you every time I got home, okay?"

She smiles brightly. Natuwa naman siya sa sinabi nito. He always make her feel special. Naalala niya ang itsura nito kanina.

"She surprised me she sang a song that totally described me and her love for me. She is so cute back then and I love watching her smile,"

Sino kaya ang maswerteng babaeng iyon?, she asked herself. Siguro ay ganito din ang nararamdaman nito noon o higit pa. Sa mga nakita niya sa mga mata nito mukhang sobrang mahal na mahal nito ang babaeng iyon.

"But..."

Ano nga kayang nangyari sa binata at sa girlfriend nito noon? Nasaan na kaya ang babaeng minahal nito noon? Mahal pa kaya ito ni Nash hanggang ngayon? Mahihigitan kaya niya ang pagmamahal nang naunang kasintahan nito? Bakit kaya ganoon ang mga nararamdaman niya? Gusto niyang matuwa ngunit may lungkot pa din sa puso niya.

Yes, she loves this man and she doesn't want someone else take him away from her. Sana kung sino man ang una nitong pag-ibig ay natapos na ang lahat sa mga ito. Because she promise to herself that she will always love him rather than hurt him.

HONEY stretches her arms and feel the morning fresh air of Tagaytay. She's at the balcony of her room and allow the ray of the sunrise to touch her fair, smooth and flawless skin. Morning hobby na niya iyon, ang pagmasdan ang magandang tanawin mula sa balcony ng kanyang kuwarto. Madalas na din niyang pagmasdan ang katapat na bahay, ang bahay ni Nash. She immediately smile whenever he pops on her mind.

Natigil ang pagninilay-nilay niya ng mapansin na nasa garahe pa din ang sasakyan nito. From the past week Nash becomes swamped with his business but as what he promise to her, he always find time for her. Even when he got home from his business trip and the next day is another trip he rather went to her house and eat with her than to rest and stay in Manila.

Dalawang araw palang ang nakakaraan ng matapos ang mga meeting nito sa kung saan-saang lupalop ng mundo. Sa katunauan nga ay nagawa na muli nilang magdate nang buong araw kahapon. Pero ayon sa pagkakaalala niya ay maaga itong pupunta sa opisina nito sa Manila ngayong araw. Kaya ganoon na lang ang pagtataka niya ng makita na naroon pa rin ang sasakyan nito.

Once upon a time in Palace in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon