Chapter 1

66 3 1
                                    

Chapter 1

MALAYANG sumasayaw sa hangin ang mahaba at malambot na buhok ni Honey. She's at the excellent vista point in the Philippines, The Palace in the Sky in Tagaytay City. Sa taas nito ay kitang-kita ang kagandahan ng mundo. It has an excellent vantage for photographers, especially to a nature lover girl like her.

She loves capturing natural wonders of the world and show to everyone how lucky they are to have those. Kung saan-saang lupalop ng mundo na siya nakarating para makuhanan ang ganda ng mundo at gumawa ng article mula sa mga larawan. Inilalathala iyon sa magazines na ipina-publish sa kompanya ng kanyang kapatid.

But at the end of all her tiring travels she always ends up visiting the Palace in the Sky. The air there seems to be cool even during the hot summer months, so it is also a good place for her to relax and cool down. Kaya nga bumili na siya ng bahay at lupa di kalayuan sa lugar na iyon. The best din kasi ang tanawin doon kapagpapasikat na ang araw.

Nabaling ang atensyon niya sa mga batang naglalaro malapit sa may balkonahe nang madapa ang batang babae at natapon ang hawak nitong inumin. Agad na dinaluhan niya ito at tinulungan ang bata na makatayo.

"Are you alright?" alalang tanong niya.

Marahang tumango ang bata at pilit na pinipigil ang mga luha.

"Ako na po ang bahala sa kanya," anang kasama nito saka yumukod sa kanya. "Salamat po sa tulong."

Tumango na lang siya at pinagmasdan ang mga ito habang inaalalayan ng batang lalaki ang batang babae. Naalala tuloy niya ang nakatatandang kapatid. Ganoon din kasi ito kung mag-alaga sa kanya. She smiles with the memories she recalls.

Suddenly, she closes her eyes, raises her arms wider to feel the cold embrace of the air, and she inhales the fresh mint it brings. It felt weird to occasionally get a sniff of a mint from the breeze every time she was there. And even in other places she goes, she can smell that appetizing aroma. Parang pamilyar din iyon sa kanya at nakakapagpagaan din sa kanyang pakiramdam. Sa huli ay hindi na lamang niya pinagkaabalahang alamin ang pinagmumulan ng mabangong amoy na iyon. She permits herself to enjoy the scent because at the end of the day it helps her to feel relaxed like she is in the garden of heaven.

Nang iminulat niya ang mga mata at ilibot ang tingin sa magandang tanawin ay may napansin siyang pamilyar na sasakyan sa ibaba ng mataas na lugar na iyon. Patungo ang sasakyan sa isa sa prestihiyosong village sa Tagaytay. Lumapit siya sa handrail at itinungtong ang mga paa sa maliliit na butas ng handrail. Pinakatitigan niya ang sasakyan gamit ang lens ng kamera niyang nakasabit sa kanyang leeg.

"Is that Kuya Emil?" bulong niya sa sarili.

Tumingkayad siya at lalong nagyumuko sa railing ng balkonahe upang makasigurado. Nang tangkain niyang muli pang yumukod ay nadulas naman ang kanyang mga paa. Saka niya naalala na may kaunting kalumaan na ang lugar at may ilang bahagi na maalikabok at may kaonting lumot. Marahil ay nabasa iyon mula sa natapong inumin ng batang babae kanina. Huli na ang lahat para makapag-ingat pa siya, napasub-sob na siya at kung itatakda ay mahuhulog siya at mamamatay sa pinaka paborito niyang lugar. Oh my God! Katapusan na ata niya hindi pa man nagsisimula ang istorya niya. She prepared herself and closed her eyes for the anticipation.

"Hey! Careful!"

Mula sa kung saan ay may humatak sa kanyang paa pabalik sa loob ng balkonahe. Pumaikot ang matatag na braso nito sa kanyang bewang at hinatak siya papalayo sa railing. When she opens her eyes, she saw a handsome face. Anghel ata ito sa taglay nitong kagwapuhan. Bakas na bakas sa mga mata nito ang pag-aalala. Habang siya naman ay tila lutang sa hangin at nagpapantasya na sana ay ilapit pa nitong lalo ang mukha at halikan siya. She can't help it he's like a real prince!

Once upon a time in Palace in the SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon