WOW dami na pala nagreads! parang kelan lang 100+ ngayun nasa 300+ na!
improving ! haha lolz (eh ngayon ko lang ulit nabuksan coz its SATURDAY means! day-off!) yipeee
SLOW UPDATE Talaga ako.
Sa sobrang busy ko kung ano nalang maisipan. If mayroon may gustong gumawa ng same plot na ganito...okay lang sa akin mas okay pa sa alright baka sakaling kayu makatapos ng kwento kasi sa totoo lang mas gusto ko ang magbasa kesa magsulat eh HAHAHAHHA.
...kaya abisuhan ninyo ako ng ma-add ko sa library ko ahh.. mwah! mwah!
Kaya eto bagong pagtitiyagaan.
At para kay @AnnalizaV. na nagrerequest ng update eto lang po kinaya ko. hahaha- peace!
November 21, 2015 9:05 pm to 2:30 am
88888888888888**********************************************888888888888
Nagmulat na ako ng aking mga mata, umaga na pala kay bilis talaga ng oras luminga-linga ako sa paligid.
Napansin kong parang may kakaiba sa aking kwarto, saka ko lang naalala na wala na ako sa dati kong silid sa San Rafael at hindi panaginip ang lahat ng mga nangyari kahapon.
Totoong nakita at nakausap ko pa ang aking pamilya at dito na pala ako titira simula ngayon.
Ngayon ko lang talaga na appreciate ng mabuti dahil medyo natagalan ang pag-uusap namin pagdating na pagdating ko. At madaling araw ng natapos kung kaya't ng ako ay inihatid sa aking tutulugan ay dirediretso na akong humiga at nakatulog ng mahimbing.
Siguro bumabawi ang katawan niya sa pagod ng biyahe. Naka Tatlong (3) oras din kasi ang biyahe mula San Rafael papuntang Maynila sa NAIA Airport kung saan sila sasakay papuntang Palawan.
Medyo nadelayed pa nga ang mga flight kaya naghintay pa sila... at ng makasakay ay halos dalawang oras (2) naman pagkarating sa Puerto Princessa tapos ay nagtravel pa sila pa EL NIDO na inabot naman ng anim (6) na oras at mga mag aalas-dose (11:55 am) narin silang nakarating sa lugar ng Mystique Pack.
Medyo malayo din kasi iyon sa Central City para mas protektado narin ang nasasakupan ng pamilya niya.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina.
"Gudmorning Baby" sabi niya sa akin sabay lapit sa kamang aking hinihigaan at hinalikan ako sa noo.
"Gudmorning po Ma" balik bati ko sa kanya at kinusot-kusot pa ang kanyang mata.
BINABASA MO ANG
Alpha's Daughter in Disguise
WerewolfWhat if ang simple mong pamumuhay mag-isa ay biglang nag-iba? sa lugar kung saan ang matagal mo ng katanungan sa pagkatao mo ay masasagot na. Nalaman mo pang may pamilya ka papala? At hindi lang iyon. Anak ka pa ng isang ALPHA! Ang mas matinde ay...