CONTINUATION!
**************************************************************************************
Nalaman kong ng magising ang kapatid ko ay iyon ang una niyang tinanong. Nang makabawi sa pagkakabigla ang kanilang magulang ay noong una ay nagdalawang isip pa sila ngunit sa huli ay sinabi din nila ang katotohanan.
Sinabi ni Rozen na simula pagkabata ay may napapanaginipan na siyang batang babae na madalas niyang paulit-ulit na naaalala sa tuwing gigising siya.
Minsan pa nga ay nakikipaglaro ito rito at lagi silang masaya dalawa. Inisip nalang nitong gawa ng imahinasyon na sa kakaisip ay pati sa panaginip ay nakakasama niya hanggang pagtanda.
Kaya habang lumalaki siya ay pati ang batang babae ay lumalaki din na parang ang panaginip niya ay magkakarugtong ngunit sa isang lugar kung saan hindi pa nito napupuntahan.
Wala si Rozen na pinagsabihan maski sa mga magulang at hindi rin naman ito natatakot. Masaya pa nga ito kaya binalak pa naman niyang hanapin ang batang babae ngunit tuwing tinatanong niya kung saan ito naroroon at napuputol ang panaginip niya.
Ngunit ng mag 14 year old na siya ay kusang nawala ang panaginip at hindi na muling nahimlay sa kanyang diwa. Nalungkot ito ngunit sa kalaunan ay natanggap din na sa panaginip lang lahat.
Ngunit hindi nito inakala na sa ika-16 na kaarawan nito ay muli silang magkikita kasabay ng panandaliang pagbabaliktanaw sa nangyari sa nakaraan ng silang dalawa ay naisilang.
**********************************************************************************
Kasalukuyan:
Parehas na tumayo ang kanyang magulang at sabay na niyakap siya ng lumapit sa kanyang kinauupuan.
" Dont worry baby, stable na lagay ng Kuya Rozen mo sabi ng Pack Doctor anytime soon ay magigising siya."
"Oo nga Princess, sigurado akong kapag nagising na ang kakambal mo tiyak masusurpresa siya dahil kay tagal narin niyang inaasam na makita at makasama ka na namin. Kung hindi nga lang talaga nangyari iyon ay sabay sabay ka namin pupuntahan kasama ni Cecille. "
" Kaya nga po sana magising na talaga si kuya. Para maging masaya na tayo". sabi niya habang yakap parin ng ama at ina niya. Nalulungkot parin siya ngunit kahit papaano ay naiibsan ang pangungulila na kanyang nadarama para sa walang malay paring kapatid.
"Hala! tama na nga muna ang drama at ipagpatuloy na natin ang umagahan" sabi ni Ysebelle.
BINABASA MO ANG
Alpha's Daughter in Disguise
مستذئبWhat if ang simple mong pamumuhay mag-isa ay biglang nag-iba? sa lugar kung saan ang matagal mo ng katanungan sa pagkatao mo ay masasagot na. Nalaman mo pang may pamilya ka papala? At hindi lang iyon. Anak ka pa ng isang ALPHA! Ang mas matinde ay...