I think we we're better this way

2 1 1
                                    

Kylie's P.o.v

May crush ako sa isang campus crush sa school namin.

Lahat na siguro ng hinahanap ko sa lalaki nasakanya na.

Gwapo.

Matalino.

Spiker sa volleyball team ng school namin.

Moreno.

Nasakanya na ang lahat ng katangian na gusto ko sa lalaki pwera nalang ang pagiging kpoper.

His name is....Reymund Lim

Mas matanda ako sakanya ng 2 taon. Junior ako. Siya Freshman.

Mama niya 'yung adviser namin. At alam niya din na crush ko siya. In fact, alam ng buong campus na crush ko siya!

Hindi man ako kagandahan. Kilala din naman ako kahit papaano sa campus dahil binansagan akong sa campus pero kahit na maldita ako nasa top 5 ako ng honor rolls sa batch namin.

"Omo! Sad, si Lim. Grabe ang gwapo niya talaga" - pagtitili ko sabay hampas sa braso ng bitch friend kong si Joy.

Bitch friend. Siya nag suggest niyan dahil pareho daw kaming bitch.

"Sus! Makapagtili ka naman diyan. Ateng papaalala ko lang sayo iisa lang kayo ng school syempre magkikita talaga kayo para namang ang laki nitong EA para hindi kayo magkita" - naiinis na sagot ni Lorreen.

haha. Naiinis na siguro siya sakin kasi halos araw-araw puro Reymund Lim lang ang nasasabi ko. Pero kahit ganyan yan si Joy siya parin ang lagi kong sinasabihan ng pagpantasya ko kay Reymund.

-----

(Birth ni Ma'am Lim)

"AHHHHhh! Late na'ko!"
Dali-dali akong naligo at nag bihis. Kaarawan ngayon ni ma'am Marichu, mama ni Reymund.

"Kasi naman Lim! Hindi ako nakatulog kagabi dahil sayo. Wag mo 'kong isipin na isipin 'yan tuloy late na ako sa birthday surprise namin para sa mama mo" inimagine kong kausap ko si Lim habang tumatakbo ng mabilis.

*Pagdating ko sa room*

"Hay! Salamuch at hindi pa'ko late" - paghahabol ko ng hiningang sabi

Nasa may pintuan ako nung napalingo ako sa kaliwa.

Omoooooo!!!! Andito siya!

Nandito si Lim. Nag smile siya na parang nahihiya sakin. Nagulat lang ako at nag diretso papasok sa loob.

"Oooyy! Ky tumingin ka sa likod mo" kilig na kilig na sabi ni Jenny, ang first honor namin at class president. Siya 'daw' ang #1 shipper ng ReyLie, love team daw namin ni Reymund.

Limingon ako at nakita ko siyang nakatingin din sa direksyon namin.

"Ah, si Lim lang pala. So?" Pa-as-if-na-hindi-kinilikilig-pero-deep-inside-kinikilig-ako kong sabi.

"Ayie~ wag ka ng pabebe Ky, alam ko deep inside sabog na ovaries mo sa sobrang kilig"

"Aish! Hinaan mo boses mo maririnig ka niya!"

Bakit andito ba siya ha?

Ay malamang birthday ng mama niya e!

Ay oo nga pala! Hehe sarreh naman!!!!

Ayos na ang lahat natapos nakami sa pag de-decorate hinihintay nalang namin si Mama Marichu, este si Ma'am Marichu pala!

Napasulyap ulit ako sakanya, nagulat ako nung andito na pala sa room si Joy at umupo sa tabi ni Reymund. Nag uusap sila at kung hindi ko lang crush si Reymund masasabi kong bagay sila!

I think we're better this way (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon