CHAPTER 2: "YOU SMELL NICE)

280 10 3
                                    

CHAPTER 2

Nababagot na siya. Sumasakit na rin ang ulo niya. Hindi na pumapasok ang pinag aaralan nila sa utak niya. Nag-hintay siya sa library ng buong free time niya pero hindi niya nakita ang babae na hinihintay niya. Nakatingin siya sa libro niya pero hindi rin naman niya binabasa. Ganoon ang itsura niya hanggang matapos ang klase nilang lima sa private classroom nila.

“What’s wrong, Theo?” tanong sa kanya ni Sandy.

Nilingon niya ito, nagbabasa ito ng libro, habang hinihintay ang sagot niya.

“I’m bored. Siya nga pala kailangan ba talagang kasama ako sa concert mamya? I’m tired? Can I pass muna this time?” tanong niya habang nakapangalumbaba.

“Hindi ako ang kailangan mung kausapin tungkol dyan. Si Josh at si Mateo ang kausapin mo.” Sabi nito.

Wae? (Why?)” natanong na lang niya sa Koreanong lenggwahe na ikinangiti ni Sandy.”

“Kasi sila ang bumili ng lahat ng golden ticket para lang sa’yo”

Sinarado nito ang librong binabasa at tinanggal ang reading glasses nito na sinakop na ata ang buong mata at kilay nito.

“And besides, Mateo said that he will have a ‘seonmul’(gift) for you.” Sabi nito saka tumayo sa kinauupuan at lumabas ng classroom.

Seonmul?’  Ano yun?” the red-head is really twisting his mind with words that he didn’t even know.

Nagpreprepare na si Mateo para sa pupuntahan nila, pero siya nakahilata pa rin sa kama. Mga ilang sandali lang ay pumasok sa kwarto niya si Mateo.

“Bakit hindi ka pa nagbibihis?” tanong agad nito.

“I don’t wanna go. Just attend the concert without me.” Saka siya nagtalukbong ng kumot.

“Mag-bihis ka na!” sabi nito sabay hila ng paa niya.

Hindi talaga siya titgilan ng kambal niya pag hindi siya sumama. “OK, OK!” napatayo na lang siya at nagkamot ng ulo. “Basta ikaw na lang ang mag-drive. Makikisakay ako sa kotse mo, at ayokong mag-drive. “

Napangiti na lang ito “OK.” Saka siya iniwan.

Naghihintay na ang iba pa nilang kasama sa bar na venue ng concert. On the way na sila ni Mateo ng matanong niya. “Bakit ata hindi ‘yung sports car mo ang gamit mo?” Honda Civic lang kasi ang nilabas nito.

“I don’t want to catch so much attention. Iyon ang usapan namin.”

Pagdating nila sa bar ay naghihintay na sa labas sila Inaki, Josh at Sandy. Marami na ring nakapalibot na babae sa mga kaibigan nila, but just like the thing they always do. they appear cold and snob in front of the girls.

Sinalubong sila agad ng mga ito pagkababa ng sasakyan.

“What took you so long?” tanong agad ni Inaki.

“Ang tagal kasi mag bihis ni Theo.” Reklamo naman ng kakambal niya.

Tiningnan na lang niya ng masama si Mateo.

“Halina kayo, this place is so crowded.” Reklamo naman ni Sandy, dahil sa mga babaeng nakapalibot sa kanila.

“Hindi ka pa ba sanay Sandy?” tanong ni Josh sabay tawa.

Pumasok na sila sa bar at dumeretso sa Second floor na inayos para lang sa kanila. May sari-sarili din silang upuan at talagang para lang sa kanila ang second floor na iyon.

Kitang-kita niya ang ground floor na ngayon ay punong puno ng tao, at ang stage na ngayon ay naka ayos na para sa mga magpeperform. He is really bored to death habang hinihintay na magsimula ang concert.

VOGUE INCORPORATED SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon