CHAPTER 9: SING FOR ME AGAIN

211 11 2
                                    

CHAPTER 9

PROM NIGHT

Nagmamadali na siya at tinutotoo ni Mateo ang sinabi nito sa kanya. He is two hours early. Damn with his punctuality. Ngayon ay nakikipag kwentuhan ito sa nanay niya, at siya ngayon ay nagmamadali na sa pag-aayus ng sarili.

Pamaya-maya pa ay tumatakbo na siya sa harap ng mga ito, kasi di niya mahanap kung saan niya nailagay ‘yung pang-ipit niya.

“Oh? Anong nangyayari sa iyo, anak?”

“Yung ipit ko nay, hindi ko mahanap. Nasaan ba iyon.”

“Ipit? Seze, bakit mo hinahanap dyan sa may lalagyanan ng kutsara yung ipit mo?” nagtatakang tanong ni Mateo sa kanya.

And yeah, ngayon niya lang na realize na nagkakalkal nga siya sa lalagyan ng kutsara. Napakamot na lang siya sa ulo, saka siya bumalik ulit sa kwarto.

“Anak, mag 3 hours ka ng nagbibihis. Hindi ka pa tapos? Naghihintay si Mateo.”

“Pabayaan niyo siyang maghintay, nay.”

“Ouch, so you are really planning to make me wait that long, Seze. Hay sobrang aga ko pa manding dumating.

 Sumilip siya sa may labas ng pintuan niya saka niya tinignan ito ng masama.

“NOW, you’re complaining. Damn with your punctuality, Mateo. Ikaw ang nagprisinta na sunduin ako ng sobrang aga.”

“Akala ko naman kasi pag-nandito ako ay mahihiya kang pag-hintayin ako. Tsk, hindi pala.” Saka ito tumawa kasabay ng nanay niya.

“Mukha mo. Bahala kang mag-hintay diyan.”

Naghintay pa ito ng mga 30 minutes bago pa sila naka-byahe papuntang prom.

“Gosh, I will not again try to promise you anything regarding time.” Saka ito tumawa ng malakas. Binatukan niya pa ito. “Hindi na tuloy ako mukhang fresh.” Dagdag pa nito.

“Bahala ka dyan, buti nga sa’yo.” She pouted her lips and look at her date. Saka siya napa-buntong-hininga, sana hindi na lang naging identical twins sina Mateo at Timotheo.

“Napapabuntong-hininga ka dahil sa sobrang gwapo ko no?”

“Asa ka pa, Mr. Feeling gwapo.”

And yes, he looked ruggedly gorgeous with his t-shirt topped by a gray suit and white shoes.  Now she wondered how Theo will dress in an occasion like this.

Well as expected, the girls have this very sharp look at her at alam na niya kung bakit, it’s because she is with Mateo.

“Don’t let them get to you. You look more gorgeous than them.” Saka siya nginitian ni Mateo.

Umakyat sila sa special place for the VIP’S and there handa na ang uupuan nila. Sumunod na dumating ay si Sandy na kasama si Nicolai. And yes, as expected from a fashion model, he is really a head turner, kahit simple lang ang damit na suot nito. He is wearing all white na nagpamukha pa ditong anghel with a fedora.

Sumunod ay si Jay-Z, with someone who she is unfamiliar with, pero likewise, they both look gorgeous.

“She is Margarette. Well, she is a daughter of Villa Landres mansion caretakers.” Bulong sa kanya ni Mateo. She smiled, because unlike her, Margarette’s fairytale is now on play.

“So he managed to get the woman. Akala ko pa mandin ay mahihirapan si CK.” Sabi ni Sandy na ngayon ay papalapit na sa kinaroroonan nila. Kumaway pa sa kanya si Nicolai.

“Huh? Bakit?”

Saka tinuro ni Mateo ang tinutukoy ni Sandy. Pagkatingin niya ay kasama ni CK and isang napakagandang babae wearing a yellow long dress and she really is gorgeous.

VOGUE INCORPORATED SERIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon