Author's Note
This UD was supposed to be published two days ago. Pero dahil nagtantrums si internet, ngayon ko lang tuloy na-publish. Anyways, may kasunod na to agad :) Post ko anytime ang next chapter.. ^__^ Happy reading! VOTE AND COMMENT!
Abby’s POV
“Let me tell you something. For us women, love can be easily read on our faces, our smiles and laughter, although it really comes from our hearts. Hindi mo naman maitatago yan e. Kung pipigilan at itatago mo naman, ikaw lang din ang mahihirapan.”, seryosong paliwanag ni Claire habang kumakain kami ng breakfast.
Ngumiti lang ako dito bilang tugon. Naikwento ko kasi sa kanya ang nangyari kagabi. Mula nang hinayaan niya akong sumama kay Drew, hanggang sa sinehan na ni-rent niya at syempre, ang unexpected first kiss.
Nahihirapan akong tanggapin lahat kaya puro reklamo ang nasabi ko mula nang dumating siya kaninang umaga. Oo, wala siya kagabi nang bumalik ako dito sa hospital, may inasikaso daw kasi siya at ayaw niyang sabihin kung ano yun. Nagulat siya dahil nadatnan niya akong gising kanina nang dumating siya around 5:30 am. Usually kasi, nagigising lang ako pag nai-ready na niya ang breakfast. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos.
Until now, I can still feel Drew’s perfect lips into mine. At sa tuwing naalala ko ito, automatic na may dadaloy na kuryente sa katawan ko. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot o manghihinayang. OA na kung OA pero lahat naman ng mga babae, tinuturing na big deal ang first kiss di ba? May point naman ako di ba?
“Pero Claire, natatakot ako. Alam mo namang hindi ako pwedeng pumasok sa ganitong situation.”, mahahalatang seryoso ang pag-uusap namin kung tinatawag namin ang pangalan ng isa’t isa.
“Abby, I see nothing wrong in doing whatever makes you happy. You gotta live your life like normal people do. And frankly, I’m so happy for you.”, nakangiting sabi niya habang humahawak sa kamay ko na nakapatong sa lamesa.
“Thank you bestie. I love you.”, tanging sagot ko tapos tumayo ako at niyakap ko siya.
“I love you too bestie!”, tugon niya.
“Eh teka, matanong nga kita, anong status niyo ni Alex?”, bigla niya akong itinulak, tapos parang di siya mapakali. Nakakatuwa tong bestie ko, siya tong payo nang payo tapos mas kinakabahan pa siya kesa saken.
BINABASA MO ANG
Back off.. Mr. Playboy
RomanceFirst story ko to so aminado naman ako na PANGET PO ITO! Wag na basahin! Hahaha! Formerly entitled "The Casanova Meets the Hospital Princess" Happy Reading! :)