Chapter 31 - "Good Riddance"

5K 90 1
                                    

 

 

Abby’s POV

 

 

“GOOD MORNING BADIIIIIIIIIIING!”, enebeyen! Pagdilat ko palang ng mata ko, itong lukaret kong mahal na agad ang bumungad sa akin.

“Ang ingay mo naman bestie! Excited much? Hahaha! Tara nga dito bilis!”, at ayun nga, parang bata siyang tumakbo ng patalon-talon papunta sa kama ko tapos niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit, sabay gulo ng buhok.

“YAAAAAAH! Bading naman eeeeh! Kakasuklay ko lang kaya! WAAAAH! WAG KA NGUMANGA! Bayu hininga mo bading!”, aba! Nang-aasar pa to, nagtakip pa ng ilong ang bruha.

“OY HHHHHHINDI MABAHHHHHHHO ANG HHHHHHININGA KO NOHHHH!”, wahaha! Puro hangin ang lumabas sa bibig ko habang ipit ng braso ko yung leeg niya. Tong lukaret na to, di naman ako bad breath ah!

“WAAAAHHH! Yuckie ka bestie! Bumangon ka na jan bilis! At uuwi na tayo yeeeeeeey! :)”, at parang sea lion nanaman siyang pumalakpak. Abnormal talaga, hahaha!

Nagtataka ba kayo kung bakit magaan ang pakiramdam ko ngayon? Well, naubos na ang luha ko kagabi. Actually, para kaming bida sa teleserye ni Clairetot kagabi kaya parang kinagat ng isang batalyon ng bubuyog yung mata namin.

Haaaay, ayoko pa yatang magkwento. Pero sige na nga, pero konti lang ha? Kasi nga, sinabi sa akin ni Dr. Vasquez na ininform na niya si Drew about sa sakit ko. Kung kayo ba nasa posisyon ko, matitiis mo ba na saktan yung taong mahal mo at nagmamahal sayo? Ayoko lang naman magpakaselfish eh. Alam kong ang harsh ng ginawa ko sa kanya kagabi, pero yun ang alam kong tama. Pareho lang kaming magkakasakitan sa gagawin namin. Gusto kong mabuhay kami pareho ng normal, habang may natitira pa kaming oras.

Pagkabalik ko dito sa room, sinalubong agad ako ni bestie at nag-usap na din kami. Sa totoo lang, kahit siya, gusto ko nang lumayo sa akin, pero pareho lang kaming malulungkot pag kaming dalawa ang nagkahiwalay.

“YAAAAH! ARAY KO NAMAN!”, batuhin daw ba ako ng unan! Hinimas ko tuloy yung pisngi ko. Oh, sisihin niyo tong lukaret na to kung bakit naputol ang kwento ko ha. Hehehe.

“Eh pano bad breath ka na nga, tulo laway ka pa jan! Wag ka nga tulala bading! Ligo na bilis!”, sabi ni bruhilda habang nagtitiklop ng mga kumot.

“CHE! Mabango ka? Bantot mo din kaya! Hahaha! Oo na sige na, maliligo na. Nakakahiya naman kasi sa bango mo!”, at ayun na nga, bumangon na ko. Kinuha ko na yung towel ko tsaka yung pamalit kong damit habang si Clairetot ay patuloy ang pag-iimpake ng mga natirang gamit. Kukwento ko pa ba step by step kung paano ako maligo? Hahaha. Basta alam niyo naman kung ano ginagawa ng naliligo di ba? Unless di ka naliligo. Hohoho. Okay, corny na ko.

Back off.. Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon