CHAPTER 16

10.9K 254 3
                                    

Drew

Naglalagay ako ng libro ko nang mahagip ng mata ko si Bree pero hindi ko nalang pinansin at tinuloy lang ang pag-aayos ng gamit ko.

Nang maayos ko na ay ready na akong isara pero nahagip ko naman ang isang pangyayari na halos lumukot sa puso ko, para akong sinaksak ng paulit ulit. Naisip ko tuloy kung pang-ilan ako sa mga taong nakakahalikan ni Bree, pang-ilan ako sa mga humahaplos sa kanya.

Sinara ko ng pagkalakas-lakas ang pinto ng locker ko at lumakad na palayo, wala akong pakialam kung matigil sila sa kinabibusyhan nila. Edi maganda yun diba?

Hindi na muna ako umuwi, dumiretso nalang ako sa bar ni Candice. Gusto ko magrelax at magsenti.

"Hi Drew, anong sayo?" Anghangsayo.... loko ko sarili ko at napangiti sa naisip ko. Corny kasi ng commercial na yun.

"Any" tugon ko at nakita ko naman na binigyan niya ako ng mamahaling alak, wais din tong si Candice eh.

"Here... 50% off na para sayo, mukhang malalim yang dinadala mo eh" sabi niya pa, gusto kong tumanggi pero ayaw niya kong pagbigyan.

Hindi naman ako iniwan ni Candice dito sa counter sa halip nakipagkwentuhan siya, may magmamanage naman daw eh.

Minsan nagtatawanan kami kasi ang corny niya at nauuna pa siyang tumawa sa joke niya. Ako naman nadadala sa tawa niya at inaasar siya, natutuwa naman ako kapag nakita kong pikon na pikon na siya.

Nakakagaan talaga ng pakiramdam tong babaeng to, nakalimutan ko tuloy pansamantala yung pinunta ko rito.

"Hmm, Candice mauna na'ko" paalam ko sa kanya

"Sige baka hindi ka na makapag-drive" at humalik naman siya sa pisngi ko nang makatayo kami.

Nasa gitna na ako ng byahe ko pauwi pero naalala ko nanaman yung nakita ko kanina, all of a sudden naisip kong wala talaga siyang pake.

Binuksan ko nalang yung redhorse in can ko dito sa kotse, halos apat yung naubos ko kaya pagewang gewang na ako sa parking lot.

---

Naggising ako na masakit ang ulo ko, uminom kasi ako kagabi matapos kong makita na nakikipaghalikan si Bree kay Jerome.

Tsk! Mga bwisit sa buhay.

Teka pano naman ako napunta dito sa kama ko?, nahubad ko pa yung pantalon, t-shirt at sapatos ko.

Tumingin naman ako sa tabi ko kung may naikama ba ako kagabi. Wala naman eh. Magic? Ang alam ko lang kasi ay hindi ko mabuksan-buksan ang condo ko tapos yun wala na.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ang sexy na babae, nakapusod ang buhok niya kaya kita ko ang makinis niyang leeg. Well shaped butt, perfect hips... then humarap pa siya, her boobs, toned tummy.. fitted shirt kasi yung suot niya.

"Done checking me up?"

Tumingin naman ako sa mukha niya, Bree?

After niya sabihin yun ay kumagat naman siya ng bacon na nasa tinidor niya at para naman akong nauhaw sa ginawa niya. She look so fresh at wala siyang make up kaya litaw na litaw ang ganda niya pero di dapat ako magpaapekto sa kanya kung gusto ko talagang makalimutan siya.

"What ar--"

"Your head hurts?" Putol niya sakin at tumango lang ako at umupo.

"Here.." abot niya ng gamot at tubig na inabot ko naman at ininom.

"So what are y--"

"Don't ask me hindi ko rin alam" putol niya uli sa sasabihin ko. Di niya alam?, ang sakit naman nun. Dapat hindi nalang siya pumunta dito. Okay na eh, sweet na sana tas biglang ganun. Nakakgago naman...

Still - (GxG) <COMPLETED>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon