CHAPTER 27

12.8K 244 7
                                    

Drew

One week na simula nang magsimula ang pasukan at malapit ko na daw mameet yung dad ni ony sabi.

Masaya rin ako ngayon dahil tinawagan ako ng papa ni Bree, lagi ko daw imotivate si Bree sa grades at bilang pagiging athlete. Wag ko daw sasaktan dahil hahabulin niya daw ako ng shotgun. Kahit bading papa ni ony humahawak din ng baril?

Papasok na ako ng school, nauna na si ony pumasok pagkatapos namin maglunch dahil magkikita kami ni Shane, ewan pero parang nagtampo siya nung pinaalam ko sa kanya na magkikita kami ng ex ko.

Good thing na dala ko yung flashdrive ni Shane, ibabalik ko na kasi dahil nandun yung mahahalagang files niya. Nag-usap lang kami saglit tapos umalis na siya. Ako naman tumambay muna sa café na pinagkitaan naming dalawa.

Nagdirediretso na ako sa tabi ni ony pagkapasok ko. Agad akong humalik sa pisngi niya pero patuloy lang siya sa paga-IG niya. Wala man lang ngiti o di kaya hi kid.

"Ony..." tawag pansin ko sa kanya.

"..." haaaaist, ano nanaman bang nagawa ko?

Natapos ang lahat ng klase namin ng hindi niya ako pinapansin, pati ako nilalamig sa pakikitungo niya. Naman oh! Ke bago bago namin tapos ganito!.
Nauuna siyang lumakad habang palabas kami ng school.

"Ony, may problema ba?" Tanong ko. Hindi ko malaman kung anong pinuputok ng butsi niya, nagseselos ba siya kay Shane?

"Wala Drew"

"Ony alam kong meron, sabihin mo na"

"Wala nga sabi" tanggi niya pa rin.

"Ony nagseselos ka ba kay Shane?" tanong ko, nasa hallway kami ngayon at walang masyadong tao dito sa pwesto namin dahil maaga kaming pinauwi kaya walang makakarinig kung magdadrama siya.

She bit her lower lip at parang bata na hinawakan yung hem ng uniform ko.

"Ba't ang tagal mo kanina" usisa niya sakin pero hindi siya nakatingin sa mga mata ko, nakayuko lang siya.

"Tumambay ako sa café pagkatapos namin mag-usap ni Shane"

"...." wala siyang imik

"Ony nagseselos ka ba?" tumango naman siya habang nakayuko, ang cute niya!

"Wala ka naman dapat ipagselos eh" at inangat ko yung mukha niya.

"Pero girlfriend mo pa rin siya diba?" And then she look away. Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sa kanya.

"We broke up, uhmm... months ago" I said and then she look at me in the eye.

"Eh bakit kayo nagkita?" ba't ba ang cute ng babae na'to.

"Nasa akin pa kasi yung flashdrive niya, nakalimutan kong ibalik. Dapat kasi sumama ka na sakin eh"

"Sorry, di ko lang napigilang mag-over think. Mamaya kasi naglalampungan kayo" napangiti naman ako sa reaksyon niya.

"Haha, sabi ko nga diba ikaw lang ang babaeng ikakama ko?" Tanong ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Bastos mo! Kung sinabi mo sana na break na kayo edi hindi ko iniisip na kabit lang ako" at niyakap naman niya ako ng mas mahigpit, ramdam kong umuuga yung balikat niya. Umiiyak ang ony ko.

"Shh... Ony sorry na nga eh" pagsuyo ko sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko, kasi kakasabi ko lang sa papa niya na hindi ko siya madalas paiiyakin sa sakit. Pero nagawa ko.

Nang tumigil siya sa kaiiyak ay lumakad na kami papuntang parking lot. Hinawakan ko rin yung kamay niya habang naglalakad. I felt guilty, dapat hindi ko nakalimutang sabihin sa kanya ang bagay na yun.

Still - (GxG) <COMPLETED>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon