EPILOGUE

18.9K 360 30
                                    

Brianna

Isang buwan na rin ang nakalipas, as usual ganun parin ako. Maraming pinagkakabusyhan, basta hindi ko lang siya maisip.

Hanggang ngayon nandirito pa rin ang sakit.

Halos hindi na rin ako makausap ng mga kaibigan ko.

Tumatanggap na rin ako ng manliligaw pero, wala pa rin. Kaya nirereject ko nalang.

Walang araw na hindi ako napapaluha sa sakit. Thinking na sana hindi ko nalang siya sinagot noon.

Edi sana hindi ko nararanasan to.

Bukas pupunta na ako sa unit ko para kunin na ang mga gamit ko, balak ko narin kasi itong ibenta para makalimutan ko na siya.

"Gabi na Bree uwi na tayo" sabi ni Lian pagkapasok ng office ko. Ako naman ay agad na niligpit ang gamit ko. Ihahatid kasi ako ni Lian dahil hindi ko na ginagamit ang kotse ni Drew.

Naaalala ko lang kasi yung mga masasaya naming moments. Yung kulitan namin dun at ang mga matatamis niyang halik.

Bumaba na kami ng building at pumuntang parking lot.

Nagdrive na si Lian.

Sa kalagitnaan ng byahe ay parang nakita ko naman si Drew, ewan kasing tangkad niya ito at gayang gaya rin ang tindig. Pero hindi ko naman maaninag ang mukha.

Ipinagwalang bahala ko nalang ang nakita ko.

Naihatid na ako ni Lian sa bahay at bumeso naman ako bago bumaba.

Siguro kailangan ko ng ipalagay sa basement ang kotse niya, hindi ko kasi maiwasang malungkot kapag nakikita ko to eh. Madalas ding naiimagine ko ang imahe ni Drew na nakatayo sa gilid nito at nakangiti.

Agad na akong dumiretso sa kwarto ko. Madalas ay hindi ako nakakatulog sa gabi kakaisip sa kanya kaya umiinom ako ng sleeping peels.

Pagkatapos kong maligo at magpatuyo ng buhok ay humiga na ako sa kama.

Uminom na ako ng gamot at maya maya ay nakatulog na.

---

Tangahali na ng magising ako.

Agad akong nag-ayos ng sarili ko para kumain at pumuntang unit ko.

"Anak ngayon diba kayo mag-aayos ng gamit ninyo?" Tanong sakin ni yaya Mel. Isa siya sa pinagkakatiwalaan dito sa bahay dahil sa tagal niya na ring nagtatrabaho rito.

"Yes nay, nakahanda na po ba yung sasakyan?"

"Oo nak. Tawagan mo lang ako kung magpapatulong ka ha?"

"Sige po"

Natapos na akong kumain at umakyat na ako sa kwarto ko para magtoothbrush at kunin ang pouch ko.

---

Naglalakad na ako papuntang unit ko, nakita ko na naman ang unit niya at hindi ko maiwasang malungkot.

Tuluyan na akong nakapasok sa unit ko at nilagay ko muna ang pouch sa table. Nagtungo naman ako sa banyo para magpalit ng pambahay na suot.

May mga pinahatid na akong box rito sa unit ko kaya may paglalagyan na rin.

Sinimulan ko sa kwarto ko ang paglilinis, lahat ng picture frame namin ay pinagtatanggal ko sa dingding. Hindi ko maiwasang mapaluha habang nilalagay ko ang mga nakangiting larawan namin sa box.

Sinunod kong tanggalin ang mga damit ko sa cabinet. May mga damit rin pala siya rito. Tangina hindi ko to kinakaya, kahit saang sulok meron siyang alaala.

Still - (GxG) <COMPLETED>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon