CHAPTER 1

343 8 3
                                    

"Pa! Ang ganda o tingnan mo!" Sigaw ko kay papa habang nasa pajero kami, tinuturo ko sa kanya ang dagat na tanaw mula dito.

Ngumiti si papa sa akin.

"Reese kaya mo ba talagang mag-isa, wala kami ng mamang mo sa tutuluyan mo." Sabi sa akin ni papang habang hinahaplos ang buhok ko. Papunta kami sa bayan ng San Vicente kung saan ay titira ako sa bahay ng kaibigan ni papang na si Don. Simon Leandro Winchester. Sa dahilang hindi na ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko sa high school, hirap na kasi si mamang magtrabaho dahil may iniinda itong sakit,kaya si papang na lang ang nagtataguyod sa pang-araw araw namin na gastusin. Hindi sapat ang kinikita niya sa paglalako ng gulay na tanim namin at dahil doon, kailangan Kong magtigil, nalungkot ako pero hindi ko sila masisisi dahil sa hirap ng buhay ngayon mas kailangan mo ng makakain upang malamnan ang kumukulong sikmura kaysa ang gumastos sa pag-aaral.

"Papang 12 years old na po ako... Malaki na ako kaya ko nang mag-isa huwag na po kayong mag-alala, si Dadang at si Kikay na lang po ang isipin niyo." Banggit ko sa pangalan ng mga kapatid ko. Nakita ko ang lungkot sa mukha nito. Hinawakan ko ang kulubot at magaspang niyang kamay na puno ng kalyo dahil sa lagpas oras na pagtatrabaho. Tiningnan ko siya.

"Papang huwag kayong mag-alala kailangan lang natin magtiis at pag nakatapos ako at naging guro. Matutulungan ko na po kayo. Si Dadang at si Kikay pag-aaralin ko naman sila. At yung kubo nating bahay magiging sementado. Tapos yung lupang sinasaka natin na nakasanla pwede na natin mabawi!" Masigla kong sabi pilit itong ngumiti.

"Anak... Ganto lang siguro ang papang nagiging madrama dahil ngayon lang may mahihiwalay sa pamilya natin.." Sabi nito habang namamasa ang ilalim ng mga mata. Niyakap ko si papang.

"Huwag po kayong mag-alala tuwing bakasyon uuwi naman po ako." Sabi ko. Tumango na lamang ito.

Nang sa wakas nakarating din kami sa aming pakay. Tumigil kami sa isang napakalaking gate na gawa sa kahoy.

"Pareng Nestor nandito na tayo." Sabi ng may-ari ng pajero na si mang Simo.

"Salamat Simo." Binaba namin ang mga gamit ko.

"Daanan na lamang kita dito pagpunta ko sa bayan." Sabi ni Mang Simo at umalis na ito. Kumatok si Papang sa napakalaking gate at kinausap ang mga guard. Ilang sandali lang ay pinapasok na kami nito. Mayroon din doon na maliit na jeep na sinakyan namin papunta sa bahay ni Don Leandro dahil malayo pa pala ito.

Habang tinatahak namin ang daan namamangha ako sa dami ng puno. At lawak ng lupain nila. Nakikita namin ang mga nagsasaka at ang ibang nag-aangkat ng mga inaning prutas. Napakaganda makikita na napakayaman ni Don Leandro.

"Pa, ang lawak pala ng hacienda ng senyor" sabi ko. Napangiti si papang.

"Hindi lamang iyan ang kanyang ari-arian anak, may negosyo rin siya sa Maynila." Napatango-tango ako.

Nang sa wakas ay marating din namin ang mansyon mas maganda pala ito kesa sa mga nadaanan namin. Napakalaki nito. Nang pinapasok kami ng katulong, makikita ang mga magagandang muebles na tingin ko hindi basta basta ang halaga. Lumilibot ang paningin ko sa paligid ng may marinig akong isang boses.

"Pareng Nestor!" Napatingin ako sa lalaking, matikas at napakagwapo. Ito ba si Don Leandro! Para lang akong nanonood ng mexican nobela! Ang gwapo! Isa pala itong mestisong kastila! Pakiramdam ko tuloy nasa isa akong palabas ng isang spanish nobel. Sabi ni tatay ay kalahating kastila ito at amerikano pero mukhang mas nanaig ang pigura ng isang kastila dito!

Nakipagkamay ito kay papang at nagkwentuhan sila. Nakakagulat isipin na matalik na magkaibigan ang dalawa kahit ang aking ama ay isang hamak na magsasaka at ang matalik niyang kaibigan ay bahagi ng isang alta sosyedad!

Liro and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon