CHAPTER 2

78 3 0
                                    

Masigla akong bumangon sa pagkakahiga ko at nag-inat, nilibot ko ang paningin ko sa buong silid napaka-lawak ng kwarto ko, malaki pa nga ito sa kubo namin sa probinsya. Sinapo ko ang kama at nahiga ulit..

Ngayon lang ako nakaranas matulog sa gantong kalambot na higaan. Sa isang sulok ng kwarto meron pang lagayan ng mga damit na kasyang kasya ako sa loob dahil sa laki pwede pa nga akong matulog. Nung nilibot ako ni Don Leandro narinig ko ang tawag nya dito ay walk in closet. Tumayo ako at binuksan ang bintana, lumanghap ako ng sariwang hangin. Napakasarap sa pakiramdam.

Napapikit ako parang panaginip lang ang lahat hindi ko akalain na titira ako sa gantong kalaking mansion na pag-aari ng Winchester's Tanaw na tanaw dito ang lupain ng Don abala ang mga tao sa kanya kanyang gawain sa lawak ng lupain halos hindi ko na matanaw ang pinakadulo nito. Yumuko ako at nahagip ng mata ko si Liro.

Nakaramdam muli ako ng kilig ng makita ko siya sobrang gwapo nya! Kahapon matapos ang aksidente ay hindi na ito lumabas alam kong galit parin ito sakin pero kahit galit ito ay napakagwapo parin! Mas nananaig ang paghanga ko kaysa sa takot ngayon lang ako nakakita ng tulad niya. Hindi ko sinasabing pangit ang mga nasa baryo namin marami ring gwapong binata pero si Liro talaga ang pinakagwapo sa lahat ng nakita ko.

Mukha siyang prinsipe na lumabas sa isang fairytaile book para tuparin ang fairytaile love story ng tulad ko. Napatakip ako ng bibig at parang kiti kiti na kinikilig habang pinagmamasdan ito na magbasketball sa bakuran nila. Sinusundan ko ang pag-flex ng muscle nito sa bawat pagtakbo at galaw nito. Dose palang ako pero landi ko na! Siguro kung nandito si mamang malamang nasabunutan ako noon may kurot pa ako sa singit! Ang kulay ginto na buhok nito at ang pawis na naglalandas sa katawan nito ay kumikislap sa sinag ng araw.

Nangalumbaba ako napakaperpekto niya may pag-asa kaya magustuhan nya ako? Nagtanggal ito ng shirt. Napanganga ako sa ilang bukol sa tyan nito.

My God! Abs! Inabot nito mula sa katulong ang twalya at nagpunas ng pawis. Ngayon ko lang naramdaman na gusto kong humiling na sana maging twalya na lang ako ni Liro!

"Hija."

"Ay! Twalyang may abs!" gulat na sambit ko nang magsalita mula sa pinto si Don Leandro.

"Ano kamo iha?" nakakunot noo na tanong ng Don. Napalunok ako at tumawa para pagtakpan ang pagkagulat ko.

"Wala po, sabi ko po ang laki nung baka dito." Palusot ko. Sinabi ko na lang na malaki yung mga baka nila nakakahiya pag nalaman nitong binobosohan ko ang anak nito. Tumawa ang Don.

"Kung gusto mo maari kang mamasyal sa lupain huwag kang mahihiya iha, umakyat ako dito sa kwarto mo para sana makasabay ka namin sa umagahan ni Liro." Naging active bigla ang tenga ko pagkarinig ko sa pangalan ni Liro.

"Pero kung gusto mo pa magpahinga pwedeng padalhan na lang kita ng pagkain ito." dagdag pa nito.

"Hindi po! sasabay po ako sa inyo, hindi na po ako inaantok, gising na gising na po ang diwa ko!" excited kong sagot. Nakita ko ang pagrehistro ng pagtataka sa mukha ng Don.

"Sige iha hintayin ka na lang namin sa dining area." paalam nito at lumabas na.

Naghanap ako ng magandang damit sa tampipi ko na hindi ko na naiayos ang mga laman dahil nakatulog na ako. Kailangan kong maging maganda sa harap ni Liro. Pero kahit anong hanap ko wala naman akong matinong damit na maisuot. Napabuntong hininga na lang ako. Nagsuot ako ng white T-shirt at kupas na maong. May butas pa ito sa hita ko. Hindi ito ripped jeans na pang porma. Kundi na ripped na talaga sa tagal ng panahon.

Nagsuklay ako at nagpulbo at ng makita kong papasa na ang itsura ko ay lumabas na ako ng silid. Nakita ko si Don Leandro Na nakaupo sa mahabang lamesa ng sinasabi nyang dining area. Bakit ang haba ng lamesa nila? Eh dalawa lang naman sila ni Liro sa bahay. Nagkakarinigan pa ba sila kapag kumakain? tanong ko sa sarili ko.

Liro and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon