CHAPTER 3

89 3 4
                                    

Pumunta kami sa ilalim ng isang malaking puno ng narra may lamesa at mga upuan duon tingin ko dito namamahinga ang mga manggagawa.

Lahat sila duon ay binati kami. May nakahain na inihaw na isdang dalag at mga prutas tulad ng saging, papaya at pakwan may paksiw na isda at tinola.

"Halina kayong dalawa kumain na tayo." alok samin ng isang matandang babae. Lumapit dito si Mang Nestor.

"Hija ito nga pala ang aking may bahay si Corazon." pakilala ni Mang Nestor dito.

"Magandang umaga po Aling Corazon." bati ko nginitian naman ito ni Liro dahil kilala na naman niya ito. Binigyan nila kami ng dahon ng saging na may kanin na at ulam.

"Kumain na kayo senyorito." sabi ng isang tauhan. Sinimulan ko na ring kumain ang sarap ng inihaw na isda at halatang ito'y sariwa.

Habang kumakain kami ng mga nakakamay, iniisip ko na hindi marunong magkamay si Liro dahil may pagkamatapobre ito at maarte. Lumingon ako sa kanya at namangha nagkamali ako ng aking iniisip dahil magana itong kumakain na para bang matagal na niya itong ginagawa.

Nakikipagbiruan din ito sa mga manggagawa. Ang sarap pakinggan ng tawa nito. Lalaking lalaki at parang musika sa aking pandinig

Biglang lumingon ito sakin at tinaasan ako ng isang kilay.

"May nakikita ka ba na hindi ko nakikita? Dalawa na ba ulo ko ng hindi ko alam?" pagsusungit na sabi nito pero hindi ko ito pinansin.

"Marunong ka palang kumain ng nakakamay."

"Oo malamang kamay naman talaga ang ginagamit sa pagkain, magtaka ka kung paa ang ginamit ko." pamimilosopo nito.

Napasimangot ako. Loko talaga to!

"Ibig kong sabihin may pagkamaarte ka eh, sosyalero ka tapos marunong ka palang sumabay sa mga simpleng manggagawa."

"I know I am not a saint but I am not that bad na hindi marunong makisama." sagot nito at nagpatuloy sa pagkain.

Napangiti naman ako, may magandang side naman pala ang lalaking ito akala ko puro kayabangan lang ang alam.

Mas nakakainlove tuloy sya ngayon!

Sinimulan ko na muling kumain habang pasulyap sulyap sa kanya. Ang bawat kilos nito at kung paano ito makitungo sa mga tauhan nito ay nagpapasaya sa aking puso. Ang abo na mata nito na ang sarap pagmasdan na para bang ang daming lihim na itinatago...

Tapos na kami kumain at nagpaalam na kami sa kanila.

"Salamat Mang Nestor at sa inyo sa masarap na tanghalian." pagpapasalamat ni Liro.

"Naku senyorito kami ang dapat magpasalamat at pinaunlakan nyo kami kahit kami ay manggagawa lamang. Kasing buti nyo ang magulang nyo lalo na si Donya Helga." sabi ni Aling Corazon nakita ko ang pagkislap ng lungkot sa mata nito at ngumiti.

"Salamat, mauuna na kami." paalam ni Liro

"Salamat po sa inyo." paalam ko. Nagsimula na kaming muli maglakad ni Liro.

"Miss mo na ang iyong ina noh?" tanong ko sa kanya. Hindi ito nagsalita at nanatiling tahimik.

"Malamang napakaganda ng iyong ina kase nagkaroon siya ng gwapong anak." tumigil ito bigla sa paglalakad at tiningnan ako.

"Ang daldal mo alam mo ba yon?" masungit na sabi nito.

"Atleast hindi tayo parehas mapapanisan ng laway kase hindi ka man lang nagsasalita."

"Is it my obligation to talk to you?"

"Hindi naman gusto ko lang makausap ka at maging kaibigan ka." masigla kong sabi habang nakangiti kahit sinusungitan nya ako.

Liro and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon