Chapter 18: Realize

350K 4.4K 370
                                    

Here's the next chapter

please vote and comment. PLEASE

THANK U SO SO MUCH

 

................................................................................

 

Xander’s POV

 

 

“Pare tama na sa pag-inom” Saway ni Ken.

Nandito ako sa bar kasama si Ken, si Matt kasi busy daw. Gusto ko makalimutan ang lahat, ang mga larawan na nakita ko. Gusto ko mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

JC, bakit ka pa bumalik? Galit na nagtatanong ang isip ko.

“Dude ano ba ang problema?” Tanong ni Ken.

Tumawa ako, yung tawa na may halong lungkot “Ito…ito yung problema” Turo ko sa aking dibdib “Hindi ko alam na ganito pala ka sakit”

“Gusto mo i-kwento mo nalang sa akin?” Sabi ni Ken sabay tapik sa aking braso.

Napapikit ako at nagsimulang mag-kwento. Nakapikit habang sinasabi kay Ken ang lahat, nakapikit ako para hindi ako maiyak.

Oo maliit na bagay lang yun kung titingnan mo. Pero para sa akin hindi, bakit? Kasi mahal ko Amber at alam kong mas malamang sa akin si JC in terms of being ‘the good boy thing’.

Natatakot ako na baka magka-gusto sa kanya si Amber.

Kitang-kitang sa larawan kung paano napangiti ni JC si Amber. And that’s damn hurt!

Pero alam niyo kung ano ang mas masakit? Hindi dahil sa mga larawan na nakita ko, kasi ang dahilan kung bakit ako galit na galit ngayon…ay kung paano tingnan ni JC si Amber. He looked at her the way a man looked at his woman. He looked at her like more than just a friend.

At dahil doon nagalit ako, nagalit ako kasi alam kung may dahilan si JC kung bakit kaya niyang pasayahin si Amber at yun ay dahil ‘gusto din niya si Amber.’

“Dude…asawa mo na si Amber” Nagising ako sa sinabi ni Ken “And your brother can’t do nothing about it”

“Gusto niya si Amber”

Tumawa si Ken “And now the history repeats itself”

“May pagkakaiba na ngayon” I stated while drinking my bear “Dahil noon hindi ko mahal si Lysa at hindi rin siya mahal ni kuya, nagkataon lang na napa-ikot niya kaming dalawa ng kuya ko.”

“At ngayon, mahal mo na si Amber pero gusto din siya ng kuya mo” Ken said while looking directly at my eyes “How ironic”

Wala na akong ma-isagot kay Ken, kaya tumahimik nalang ako.

“Nang dahil kay Lysa kaya kayo nagkagulo ni JC” Ken suddenly said.

Damn, ayaw ko nang isipin pa yun.

“No….” I sarcastically said “Handa akong humingi ng tawad kay JC noon, pero nadamay si Elena sa gulo at dahil doon, dahil kay JC nawala si Elena…kasabay ng pagkawala ng ngiti sa mukha ni mama”

Ken looked down when he said this words “What if hindi si JC ang nasa larawan? Maybe hindi ka gaano kagalit ngayon”

Natigilan ako.

We meet again, WIFE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon