Chapter 1

494 10 0
                                    

"Kung nakakatunaw lang ang tingin, sus kanina ka pa natunaw!"

Sabi ko kay Ate habang iniinom ang binili naming bottled water.

Nagpahinga kasi muna kami, nakakapagod kaya magjogging!

"Hayaan mo nalang yan, stalker ko yan. Haba ng hair ko hahaha"

N

atawa nalang ako sakanya.

Tumayo na kami tsaka nagsimula nanaman kaming magjog.

Every Sunday morning, ito na ang naging hobby namin ni Ate. Ang magising sa alas kwatro ng madaling araw at magjogging hanggang sumikat ang araw.

Kaya lang, pansin ko, kanina pa talaga 'tong gwapong kumag na 'to kakasunod samin! Ano bang problema nito? (Iba lang yung nakatingin kay ate ah? Aba syempre, kung kay ate hanggang lang. Yung saken naman ay bongga! Patagong sinusundan ako.)

Di ko na napigilan ang nararamdaman ko (chos) kaya't tumigil muna ako tsaka hinintay ko yung gwapong lalake na kanina pa kami sinusundan.

Iniwan ako ni ate at deretso lang siya sa pagjog.

Napatigil din yung stranger at binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. Yung ngiting anytime ay magiging hugis puso ang mga mata ng lalake.

Bago pa siya makapagsalita ay may kinuha na 'ko sa bulsa ng shorts ko,

"Oh ayan piso. Obvious kasing namamalimos ka eh,"

Tatalikod na sana ako ng may pumigil sa braso ko,

"Hindi piso ang nililimos ko sayo, Katy. Kundi ang pagmamahal mo," sabi niya sabay ngumiti ng nakakaloko na anytime ay may malalaglag na panty.

Iniwan niya akong naka-nganga. Wow. For the first in forever. May nahuhumaling na sa beauty ko mwahahaha.

Pero teka, alam niya pangalan ko?

"Ikaw ha! Anong ngiti yan!" sabi ni ate habang sinusundot ang tagiliran ko.

Mukhang napansin yata ni ate na wala na 'ko sa tabi niya. Haha sorry ate, may inasikaso lang.

"W-wala no! Tara na't umuwi na tayo! Baka gising na ngayon si daddy at nagluto na ng almusal, pinagpapawisan narin kasi ako tsaka gahd 6:45AM na! Iitim na tayo sa sikat ng araw, ugh! C'mon Ate!"

"Okay. No choice. Pero ehem, pag may umaakyat na ng ligaw sayo, sabihin mo agad sa akin ha? Dadaan muna siya sa mga pagsubok ko mwahahaha"

Natawa nalang ako. Hay. Ang swerte ko talaga at may ganito akong kapatid.



~*~*~



"Goodmorning dad!"

Bati naming dalawa ni Ate habang papunta kami sa dining table.

Nakita kasi namin si daddy na naghahain na ng almusal namin.

"Nakatiming ako ah! Goodmorning din, tara kainan naaa!" masiglang sagot samin ni daddy.

Seducing My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon