Dalawang ring palang ay sinagot na niya agad ito,
"Hello baby Katy my loves!" masiglang bati nito.
Teka? Pano niya nalaman na ako 'to? May number ba siya sakin?
Di ka na nagtaka, Katy. Stalker nga diba!
"Anong baby? Ha?! Hoy! Tigil-tigilan mo na ang pagsstalk sa anak ko ah! Ipapakulong talaga kitang kumag ka!" iniba ko yung boses ko. Yung pang lalake. Para, sabihin nitong ako ang daddy ni Katy mwahahaha.
Na-iimagine ko ang magiging reaction niya!
Imagination...
"Anong baby? Ha?! Hoy! Tigil-tigilan mo na ang pagsstalk sa anak ko ah! Ipapakulong talaga kitang kumag ka!"
"Ah... E-eh hehehe sorry po. Ay! Fatherlalu, bakla po talaga aketch! Hahaha! Kaibigan aketch lang talaga ni Katy hahaha and 'baby' is just you know! Our CS!"
"CS?"
"CALLSIGN! hahaha u-uhm, bye fatherlalu ni katylalu! *tototot*"
End of imagination
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Hahahahaha. Nakakaloka! Naalala ko tuloy si Christian.
"Daddy pala ah?"
What. The. Hell.
Ramdam ko ang malawak na ngiti ngayon nitong lalakeng 'to. Pisti! Epic ang plano ko! Ugh!
"Heh! Bye!"
I ended the call.
Nakakainis talaga! Nakakainis!
Inilabas ko nalang ang lasagna ko at kumain.
Ang tagal naman ni Ate. Magbabayad lang ang tagal tagal. Hay.
"So, ipapakilala mo na ako sa dad mo?"
Halos matumba ako sa kinauupan ko dahil sa gulat.
Si Jackson.
I saw his playful smile on his mouth.
Ano bang trip nito?
"Kailan mo ba ako lulubayan ha?!"
"Kung sagutin mo na ako,"
"Ano ba kasing tanong mo?! Bilis! nang maging free na ko sayo!"
Mas lalong lumawak ang ngiti niya.
"Can you be my---"
"KAPATIIIIIIIIIIIID--"
Eh? Ano raw? Can you be my kapatid?
Sasagot na sana ako ng nakita kong si Ate na napahinto.Nagkatinginan sila Ate at Jackson. Para silang nakakita ng multo.
Kung sa hayop naman, si Ate ay pusa tsaka si Jackson ay asong kalye.
Eh? Magkakilala pala sila?
"N-Neil/Keziah" sabay nilang sabi.
"W-wait, ang gulo! magkakilala kayo?" sabi ko habang paupo si Ate sa tabi ko. Kaharap namin ngayon si Jackson.
"A-ah, Katy. Pwede tapusin mo na yang kinakain mo at umuwi na tayo?"
"Uwi agad? Hindi ako makakapayag hanggat di niyo sinasabi sakin!"
"I got to go," nagmamadaling sabi ni Jackson habang hindi parin tinitingnan si Ate ng deretso.
Pagkaalis ni Jackson ay agad namang tumayo si Ate at umupo dun sa kinauupuan kanina ni Jackson. Sa harap ko.