"5, 6, 7, 8! ...
1, 2, travel ... 3 and 4 ... 5, 6, turn, and 7 and 8! ..."
Nagre-rehearse kami ngayon ng FAPELO kasi may contest nanaman kaming sasalihan bukas.
"Sige, break muna!" sigaw ni Cloud.
"Haay!" I let out a sigh then umupo sa tabi ni Law. Oh yeah, meet the FAPELO crew ... open parenthesis ... 'BarKo' ... close parenthesis:
Itong katabi ko ay si Lawrence ... aka Law. Siya yung pinakamagaling gumawa ng istorya at palusot, kaya kahit obvious na ang pangalan niya, he could still escape suspicions through his lies.
Si Chad, aka Echo ... siya yung magaling pagdating sa music and technology, kaya siya yung nagre-remix ng mga kanta namin.
Si Can, aka Ryu ... siya yung lookout namin kung merong contest na magaganap sa lugar na ito. Marami siyang sources eh, kaya palagi siyang updated sa mga magaganap na dance contests.
Si Charles, aka Goku ... he's the one who comes up with ideas to remain the secrecy of the group. Naalala niyo nung na-mention ko siya nung first day of school? Pero di lang 'yan ... pati mga kalokohan sa grupo, siya yung pasimuno.
Tapos si Matt, aka Cloud ... siya yung leader slash uncle ko. Nakwento ko na siya sa inyo dati.
At syempre, kilala niyo naman si Justin, aka Jet ... siya yung brother ko from another mother. :D
Lahat sila nasa college level na, pwera nalang sa amin ni Jet.
"Sige, formation na!" Cloud announced.
"Eh? Ang bilis naman ata?" less than 5 minutes pa nga ang nakalipas eh. -.-"
"Ano ka ba, D? May klase pa kaya tayo bukas" Law said, standing up.
Oo nga pala, after school, dumiretso na kami agad sa studio namin para mag-rehearse. Tama ... studio 'namin' na inabot pa ng more than 2 years bago namin nabili. Grade 6 pa kasi ako nun nang mabuo ang FAPELO. Laking tuwa ko naman na hanggang ngayon, buo pa rin ang grupo namin. Ito na kasi ang pangalawa kong pamilya eh.
"Guys, ano ba kayo? Bukas na 'to kaya sana bawas-bawasan niyo ang pagkakamali d'yan" sabi ni Cloud. Pa'no naman kasi, nagloloko 'tong sina Ryu at Echo habang nagre-rehearse kami. Nadamay tuloy ang buong grupo. =.=
"Okay, mukhang kailangan na nating e-switch on yung punishment mode ... From the start tayo!" sabi ni Cloud habang sine-set yung DVD player. Pagkasabi niya nu'n, automatic na nagtinginan kami ng mga kagrupo ko. Dapat kasi alert na kami ngayon para makita kung sino ang magkakamali.
(Now playing "I'm in the house" by Steve Aoki)
*I'm in the house ...
house ...
house ...
house ...*
Lahat kami sumayaw to the beat of the music. Ano ba naman 'yan ... walang nagkakamali. Gusto ko kasing may magkamali para may mabigyan ng punishment sa gabing ito. >:D
(Now playing "Titanium" by David Guetta)
*I'm bulletproof
Nothing to lose.
Fire away, fire away*
Ene be yen?? Hanggang ngayon wala pa ring nagkakamali. Bigay-todo pa silang sumayaw. Please naman ... pagbigyan niyo na ako ... magkamali naman kayo d'yan oh? XD
At dahil obsessed ako sa pagdadasal na sana may magkamali sa kanila, nakalimutan kong yumuko sa part ko.
"DARRELL!!" sabay-sabay nilang sabi at sumugod sila sa'kin. Naging sinlaki ng gulong ng monster truck ang mga mata ko, pero syempre too late na kung tatakbo pa ako. They all tackled me to the ground then sinimulang kilitiin ako non-stop.
BINABASA MO ANG
I'm not like them
Novela JuvenilA-than, the ever-babaerong boy fell in love with this secretly broken-hearted girl named Enalie. Time passed by and they find themselves slowly getting attached to each other. They even found out some facts about each other that others don't know ab...