<< A-than's POV >>
Nagco-concert ako sa rooftop ng mapansin kong may isang fan ... ah este ... estudyante pala na nakatingin sa'kin. Si Enalie? Ba't naman kaya siya nandito? Nakita slash narinig ba niya ako? Tae! Anong klaseng tanong ba 'yan? Halata naman na gulat na gulat siya eh. Anak ng Parokya ni Edgar 'yan oh! Feel na feel ko pa naman ang pagkanta. May pa-close eyes effect pa! Tae lang. >___<"
"Ano'ng ginagawa mo dito?" nagawa ko ring tanungin ang naka-ngangang En-en sa wakas.
"Kumakanta ka?" Ene be yen?? Di man lang ako sinagot. =.=
"Hindi, tumutula" ... Di pa pala halata yung ginawa ko?
"Ah ... akala ko tumataol ka" ... Tae! Nagawa pa akong sabayan ha?
Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin then umupo sa tabi ko, still having this 'unbelievable' look on her face. Watata!! Himala 'to ah? Siya na mismo ang lumapit sa akin! Siguro naakit na rin siya ng kagwapuhan ko. Wahahaha!! >:D
"Kumanta ka nga ulit" request niya.
"Ba't naman ako kakanta ulit?"
"Eh ba't ka kumanta kanina?"
"Wala lang ... eh ba't mo 'ko pinapakanta?"
"Wala lang din" ... Tsss ... Ang dali lang talaga naming mag-away. Palaban siya eh. Alangan namang magpatalo ako.
Nagkaroon kami ng 'awkard' silence. At dahil dun, I was lost in my thoughts. Pa'no naman kasi, si En-en lang naman ang kauna-unahang estudyanteng nakakita slash nakarinig sa'kin na kumanta. Well ... aside from my best dude, RJ. Palihim lang kasi akong kumanta. Hindi ko kasi alam ang mga magiging reaction ng mga tao sa paligid, lalo na sa school na 'to, at ayoko talagang makarinig ng negative comments slash criticisms. Nakakasira sa gwapo kong image.
Pero ... come to think of it ... ano kayang masasabi ni Enalie tungkol s pagkanta ko? Hmm ... tanungin ko kaya siya. Sana di negative ang comment na ibibigay niya sa'kin.
After a while, kumuha ng bottled water si Enalie mula sa bag niya then nagsimula na namang magtanong.
"Ba't ka nandito?"
"Eh ikaw, ba't ka nandito?"
"Letch. Una akong nagtanong ha? Kaya sagutin mo muna ako" pambihira ang babaeng 'to oh. Bilis magalit. -.-
"Dito ako nagtatambay pag lunch time. Tahimik eh" straight to th point kong sagot sa kanya.
"Ahh ..." tipid niyang sagot.
"Tanong ko naman sagutin mo"
"Well ... sabihin nalang nating type ko ang lugar na'to. Tahimik eh" sagot niya.
"Alam mo? Mas tahimik pa 'to nung wala ka" pang-aasar ko.
"Ah, ganun? Bakit? Sa tingin mo tahimik ka pag kumakanta ka?"
Tae. Ayaw talagang magpatalo oh.
Hindi nalang ako umimik pa ulit. Nakakapagod kasing makipagtalo sa kanya na ayaw magpatalo.
Binuksan na niya yung bottled water na hawak-hawak niya. Pero bago niya yun inumin, may tinanong ulit siya.
"Nga pala, napansin kong wala ka yatang nilalanding babae ngayon" nakangiti niyang sabi. Tae! Kung makapagsabi ng 'landi' ha? Hmm ... sasabihin ko ba sa kanya? Well, hindi naman madaldal 'tong si Enalie at no big deal rin naman kong sasabihin ko sa kanya.
"Well ... sabihin nalang nating may isang babae muna akong gustong makilala"
"Tss ... may isang babae ka munang gustong makilala tapos manlalandi ka na naman ng iba pagkatapos? Eh sino naman 'yan?" then sinimulan na niya ang pag-inom ng tubig niya.
"Si Darrell sa FAPELO crew. Kilala mo siya?" direkta kong sagot. Ngunit nabigla nalang ako nang hindi kumibo si Enalie. Nakatitig lang siya sa'kin habang hawak pa rin ang bottled water sa bibig niya.
"Uy, ayos ka lang?" ano kaya'ng nangyari dito?
"PFFFFFTTTT!!! Ahahahahahahahaha!! XD"
huwaat da ... O______O
"Ugh! Kadiri ka! Ba't mo niluwa sa'kin ang ininom mo?!" reklamo ko habang pinupunasan ang mulha ko gamit ang polo ko. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa paghalakhak habang nakayuko at hawak ang tiyan niya. Anak ng nakabotelyang tubig 'yan oh. Ano ba'ng nangyari dito? Parang pinagsisisihan ko na tuloy ang pagsabi ko nu'n sa kanya.
Nang matapos na siya kakatawa, saka lang siya sumagot.
"Alam mo? ... Himala nalang siguro ... kung papatulan ka nu'n" hinihingal niyang sabi.
"Bakit naman? Kilala mo ba siya?" naaasar kong tanong sa kanya. Pa'no naman kasi ... sa kagwapuhan kong 'to, di ako papatulan? XD
"Oo naman! Close kaya kami nu'n" ... Ha? Ano daw? Close sila ni Darrell?
O.o
"Wehh? Di nga? Niloloko mo lang ako eh"
"Hindi nga. Close talaga kami nu'n. Alam mo--- Ay, palakang tumambling!!" ... Eh? Ano ba naman 'yan? Kung anu-ano nalang ang nangyayari sa babaeng 'to. =.=
Kinuha niya yung cellphone niya mula sa bulsa niya. Yun siguro ang dahilan kung ba't napatalon siya.
"Teka lang, sagutin ko muna 'to" then tumakbo na siya sa malayo para sagutin kung sino man yung tumatawag sa kanya. Hmm ... naiwan niya bag niya dito.
Makasilip nga. >:D
"Libro ... notebooks ... lunchbox ..." sabi ko sa sarili ko habang hinahalughog ang mga laman ng bag niya. Hindi naman talaga ako yung tipo ng tao na nangingi-alam sa gamit ng iba. Alam ko po yung salitang 'privacy'. Pero nagbabakasakali kasi ako na may mahahanap akong ebidensya kung totoo ba o hindi yung sinabi ni Enalie kanina. Ayoko kasing inuuto ako.
"Teka ... ano 'to?" napapigil ako saglit ng may mahawakan akong isang di ko malamang bagay.
"Isang maskara?" sabi ko pagkatapos kong mailabas ang bagay na nahawakan ko. Ba't naman kaya siya magdadala ng maskara?
Teka lang ... pamilyar 'tong maskara na 'to ah? Nakita ko na 'to dati ...
Tama! Dun sa mall kung sa'n una kong nakita ang FAPELO at yung babaeng nakabangga sa'kin. Eto yun ... sigurado ako.
Hindi kaya totoo yung sinabi ni Enalie na magkakilala talaga sila ni Darrell?
O baka naman siya talaga si .......................
O___________O
°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°
cliffhanger !!
:DD
pasensiya na po ..
sinadya lang ..
;P
anywayz ,
di po ako sigurado kung kailan matatapos ang part2 ng chapter na 'to ..
depende na po 'yan sa suporta niyo ..
God Bless !
:*
BINABASA MO ANG
I'm not like them
Fiksi RemajaA-than, the ever-babaerong boy fell in love with this secretly broken-hearted girl named Enalie. Time passed by and they find themselves slowly getting attached to each other. They even found out some facts about each other that others don't know ab...