√ TGA Twins

2.7K 57 2
                                    

Shiro

It's Monday morning as I wing myself to school, thinking about our field trip last Friday. At habang nagmumuni-muni ako, may lumapit sa aking dalawang lalaki. Magkamukha sila. Naka-swagger cap na baligtad 'yung isa at 'yung isa naman naka-monster cap. I smiled at them and walked away. Pero sinundan nila ako. Bakit? Anong gusto nila sa akin?

Binilisan ko pa ang paglalakad ko pero nakakahabol sila nang biglang nakita ko si Mykha. I greeted her good morning and she asked me about the two look-a-like kids who are following me. Napakibit-balikat na lang ako sa kaniya.

If you're asking kung bakit mukhang bati na kami ni Mykha, wala na kasi sa'kin 'yung nagawa niya. Siguro, may konting tiwalang nawala, pero okay na. Ayoko nang palakihin pa ang away namin. Besides, she became a good friend to me kaya okay na nagkakatampuhan kami.

Pagpasok naming sa classroom. Ang ingay ng mga classmates ko.

Umupo na ko sa upuan ko. Waaaa! This is bad! This is very bad! Classmates ko 'yung mga sumusunod sa akin kanina. I thought this day would be the best pero hindi! It became the WORST DAY EVER! What the heck?!

At nung pumasok na si Ma'am Gab... Tumayo sila at nagpakilala sa harapan. They are JC and his twin brother CJ, na mukhang babae. New timeslot ng school hours namin, 7:20 AM - 3:30 PM.

Normal school na ito ngayon. Ano na naman kayang nangyari? Bakit nila pinalitan ang oras ng school hours namin? Bahala na si Kuya Gab. Pagtingin ko sa watch ko. 9:30 AM na at biglang nagring na ang bell.

Sabi ni Ma'am Gab, recess na daw. Bumaba na sila at pumunta na sa canteen. Ako hindi dahil pinagbaon ako ni Mommy. Maya-maya lumapit na naman sila. Kailangan kong itanong sa kanila kung ano talaga gusto nila sa akin kahit kinakabahan ako.

Habang papalapit sila sa akin ay nagpalit sila ng cap... switch ba kamo. Sensya na twins pero mukhang kilala ko na kayo. Natatandaan ko, 'yung si CJ mukhang babae pero nakita ko 'yung watch niya. Si JC, lalaking-lalaki pero napansin ko medyo singkit 'yung eyes niya.

Akala niyo, ah. Ang TGA twins, mga pamangkin ni Kuya Gab. Huli kayo. Kung ano man ang trip niyo, bisto ko na kayo!

Paglapit nila,

"Friends?" JC said habang naglalahad ng kamay. 'Sus, 'yun lang ba ang kailangan nila? Kaibigan?

"Ehh, kung ayaw ko?" Pagtanggi ko sa alok niya. Inalis niya ang kamay niya mula sa pagkakakalahad.

"Ikikiss kita." They both replied. Nanlaki ang mata ko.

Tumayo ako sa harapan nila. Gusto ata ng mga ito ng giyera eh!

"Bakit kaya mo ba, JC?" I turned to him, ngumisi ako. Hindi nila ako maiisahan kung iyon ang inaakala nila.

Mukhang nagulat siya d'un.

"Di ba ikaw 'yun?" tanong ko pa.

Bigla silang nagpalit ng cap.

"Paano mo nalaman?" JC asked, para pa siyang nagtataka, 'sus.

"Paano mo na halata?" Si CJ naman ang nagtanong.

"Nakita mo kaming nagpalit ng cap, 'no?" Sabay nilang tanong. Naguguluhan na ako, huh!

"Singkit si JC at may relo si CJ." Tama ba?

"Tss.." Si CJ.

"Basag..." Si JC.

Natawa ako sa kambal na ito. Wait lang! JC at CJ, 'yun lang ang name nila? Matanong nga...

"JC at CJ... gan'un lang ba spelling ng pangalan niyong kambal?"

"Hindi." Sabay pa ulit sila. Nakakaloka ang dalawang ito!

"HUH?" With capital H, U, at H. Hehehe.

"Eto spelling ng name namin. J-A-Y-C-E-E for short JC at C-E-E-J-A-Y or CJ.. gan'un."

"Ahhh...."

"Bakit?" Tanong ni CJ.

"Wala lang." Sagot ko.

"Okay. O, ano, friends?" Tanong ni JC.

"Sige ba!" Sagot ko with matching smile pa iyan, ah.

Maya-maya, nag ring na ang bell. Pumasok na ang Math Teacher namin. FAST FORWARD. 1:30 PM na, yey! Lunch break naaa! Hehehe.

Buti nalang kumain ako ng madami kanina. Lahat ng mga kaklase ko, pumunta na sa canteen at nakita ko 'yung kambal.. ayun may hawak ng guitar 'yung isa tapos 'yung isa naman, violion. Tumugtog sila sa loob ng classroom. Familiar 'yung tugtog na iyon. Canon in D ni Johann Pachelbel. Teka n'ung tinugtog n'ya 'yan... piano at violin ang gamit. Ang galing nila! Tinugtog nila ang Canon in D gamit ang gitara at violin? Wow! Prodigies' siguro ang mga 'to!

Ang galing nila sobra. Sila na! And I found myself staring at them, mukhang crush ko na sila! Oh boy! This is bad! Hindi akong pwedeng mainlove sa kanila!

Papalabas na sana ako sa pinto nang biglang tinawag ni CJ ang pangalan ko at kumanta si JC nang... Kiss in the Rain.

"I often close my eyes

And I can see you smile

You reach out for my hand

And I'm woken from my dream

Although your heart is mine

It's hollow inside

I never had your love

And I never will

And every night

I lie awake

Thinking maybe you love me

Like I've always loved you

But how can you love me

Like I loved you when"

Ano ba itong nararamdaman ko? Am I in love with these twins?! Ba't parang ang bilis naman yata? Hindi pwede! No way!

No, I can't! Lumabas ako ng classroom, sinundan naman ako ni Mykha. At nang huminto ako sa tapat ng classroom ng crush n'ya. Medyo nahiya s'ya nang konti pero nilakasan n'ya ang loob n'ya para i-comfort ako.

Masasabi kong mas naging strong ang friendship namin.

"Okay ka lang?" Tanong niya na may halong pagaalala.

"Ewan. Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko." Pagamin ko sa kaniya.

"Huh?" Nagtatakang tanong niya.

"Sa tingin mo ba, in love na ako?" Mukhang nagulat pa siya sa tanong ko.

"Kanino?" Tanong niya. Nahihiya man akong sabihin pero kailangan.

"D'un sa kambal." Waaaaa! Bakit ang landi ng puso ko?

"Hindi naman, siguro infatuation lang. Hindi naman gan'un kabilis na main-love sa isang tao lalo pa't kakakilala mo lang sa kaniya... ehem, sa kanila." Tumango-tango ako sa sinabi niya. Paghanga lang nga siguro 'to.

The Long Lost QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon