Mykha
Dineclare ni Kuya Gabriel na walang pasok bukas. May meeting daw ang mga teachers. Kaya nandito kaming lahat sa bahay naka-stay. Nabuwisit ako kay Shiro. Feeling niya, close sila ni Kyle! Sa'kin lang si Kyle! Akin lang siya, okay. Walang babaeng pwedeng umagaw sa kanya, kahit pa si Siyenthera, Shiro, whatever. Tumayo ako sa kama at bumaba ako sa sala. Nakita kong andoon si Kyle. Napasuntok ako sa hangin at napabulong sa sarili, 'Yes, jackpot!'. Tumingin-tingin muna ako sa paligid baka nandyan si Shiro at baka makisingit na naman. Pero mabuti na lang at wala siya. Kaya bumaba ako sa hagdan nang may confidence sa sarili.
Bakit ba hindi ko naisip na may iba pang istorbo?
"Kyle!" tawag sa kanya ni Jaycee.
"Why?" sagot ni Kyle. Makikinig muna ako, maghihintay ako hanggang sa mawala ang mga asungot sa paningin ko at masosolo ko na si Kyle ko. Umupo ako sa hagdan at pinagmasdan silang mag-usap.
"Halika dito bilis! May itatanong lang kami sa'yo?" Oops, this is getting personal. Nagtago ako sa pinaka-gilid ng hagdan, nagbabakasakaling dito, hindi nila ako makikita.
"Fine." at umalis na sila.
Haaay, buwisit! Sayang talaga ang tynsang 'yon. Nakakainis.
Kyle
Napansin ko si Mykha na pababa ng hagdan, mukhang ka-kausapin na naman ako ng isa sa mga Golden Minds. Kahit araw-araw niya akong kinakausap, hindi ko siya pinapansin. Mabuti na nga lang at ngayon, tinawag ako ng kambal. Pumunta kami ng bakuran para doon magusap, para walang Mikaela ang makikinig. Tss, I'm not stupid to think that she's not there, dahil lang sa nagtago siya.
"Totoo bang ikaw ang DKA ng Phantom Island?" biglang sabi ni Jaycee. Naguluhan at nabigla ako.
"Paano niyo nalaman?" tanong ko.
"Sobrang bait mo kasi kay Shiro, tapos sa ibang babae ang sungit mo." Ganun lang ang dahilan at nalaman na nila?
"Ganun ba?"
"Pero, bakit nga ba nandito ka?" tanong ni Ceejay.
"Dahil kay Mykha." sagot ko.
"Huh?" gulat na sabi ni Ceejay.
"Si Mykha?" tanong ni Jaycee.
"Bakit?" naguguluhang tanong nilang dalawa sa'kin.
"When I saw her the first time na tumapak ako dito... She reminds me of someone." napayuko ako. Nakakaramdam aki ng kakaiba kapag malapit lang siya, na siya namang kinaiinis ko.
"Sino?" sabay na tanong ng kambal.
I shake my head, "I don't know."
"Ceejay, sa tingin mo, sino ang tinutukoy niya?" baling niya sa kapatid na si Jaycee.
Sumakit ang ulo ko, "I... I should talk to her."
Pag-alis ko doon, takang-taka sila. I need to talk to Mykha right away. Like right now!Pagpunta ko sa sala, nakita ko siyang nakaupo. Lumapit ako agad sa kanya.
"Mykha!" tawag ko.
"Huh? Ay, K-Kyle? Ikaw pala yan... Bakit?" pinamulahan siya sa magkabilang pisngi. Napangisi ako.
"I need to talk to you." I told her.
"Anong problema?" tanong niya.
"Mykha, can you... can you be my girl?" Nakita ko siyang natigilan.
"Ano?!" sigaw niya. What? I thought, this is what she likes me to do? Bakit hindi na lang kasi siya umoo at nang matapos na.
Shiro
Bumababa ako sa kwarto, manonood sana ako ng tv nang marinig kong sumigaw si Mykha. Sumilip ako mula sa hagdan, nandoon silang dalawa ni Kyle. Nakakita ako ng isang symbol sa batok ni Kyle. OMG! It's a symbol of a knight! He's one of the knights of Phantom Island. Pero kanino?
"Because I'm in love with you." In love si Kyle kay Mykha?
"Kyle, anong ginagawa mo?" Napalingon ako sa kambal na kakadating lang.
"Hindi ka pa sigurado kung siya nga si Abrianna!" sabi ni Jaycee. Abrianna?
"Kyle, papatayin ka ni Hermes! Kapag nalaman niya 'to! Ewan ko pa kung ta-tagal ang buhay mo!" sabi ni Ceejay. Ano... ano bang nangyayari? Natulog lang ako saglit sa kwarto ko at ganito na ang nangyari?
"Kyle, makinig ka. Sa tingin mo ba, buhay pa si Abrianna?!" hinawakan ni Jaycee sa balikat si Kyle, na parang wala sa sarili.
"Wala na siya, Kyle! Matagal nang namatay si Abrianna noong naglaho ang isla!" sigaw ni Jaycee, hindi pa rin binibitawan ang balikat ni Kyle.
Nagpumiglas si Kyle sa hawak ni Jaycee.
"Si Abrianna... Si Abrianna... Buhay pa si Abrianna!"
At bigla siyang nag-bago ng anyo. Isang mandirigma na may itim na pakpak. Humaba rin ang buhok niya na kulay itim at... ang mga mata niya ay nag-kulay pula.
"Kyle?" halos mangiyak-ngiyak na tawag ni Mykha sa kanya.
Hinugot niya ang kanyang espada sa kanyang tagiliran. At tinutok sa kambal. Natigilan ang lahat nang biglang bumagsak sa sahig si Mykha.
"Mykha!"
Bumaba ako para alalayan si Mykha.
"Mykha, Mykha! Gumising ka! Mykha, Mykha, please! Gumising ka!" nagalala ko at kumabog nang napakalakas ang puso ko.
"Mykha?" sigaw ni Kyle at lumuhod upang ilagay ang uluhan ni Mykha sa hita niya.
Bumalik si Kyle sa pagiging tao. Binuhat niya si Mykha at dinala sa kwarto niya. Pagbaba niya ay hindi siya makatingin sa aming tatlo, lalo na sa'kin. Umiling ako. Ang tigas ng ulo ng mga ito, ang gu-gulo. Para tuloy akong may apat na anak. Imbis na gumaan ang buhay ko, bumigat lalo.
"Okay ka na?" tanong ni Jaycee kay Kyle na mukhang pagod na pagod.
"Next time 'wag mong ga-gawin ulit yon. Isusumbong kita kay Siyenthera." paalala ni Ceejay.
"Siyenthera? That's impossible. Ni hindi ko pa nga siya nahahanap kahit saang lupalop ako magpunta, kayo pa?" sagot ni Kyle.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng kambal. Nagpatuloy sa pagsasalita si Kyle, "Namatay ang isla kasama si Siyenthera. But she was reborn into a lovely baby girl who had been adopted by an old lady and an old man. Siyenthera grew up and was adopted again by Gabriellea Anne to be part of the Big Four. And when Hermes heard about it, he ordered me to be a guard of the girl. Nalaman kong dito siya nagaaral but I don't know her name. And that's why I'm here, in the first place."
"Anong nangyari sa matandang umampon kay Shiro?" Jaycee asked.
"Someone killed them." Kyle answered.
"Kilala mo ba kung sino?" Ceejay asked, the tension beginning to filled to living room.
"Sabi nila, isang babaeng pula ang buhok na may pulang mata, pangil, at itim na pakpak."
Nabigla ako... Hindi maaaring ako yun. Hindi maaaring pumatay ako?
"Ako si Siyenthera, Kyle."
Ginulo niya ang buhok niya at saka ngumiti, "I know, I know."
Tumango-tango siya. "Nalaman ko ngayon-ngayon lang. You don't have to tell me. I've been a fool for not knowing you for too long. And now, I'm here to guard you, whether you are Shiro or Siyenthera. You deserve to be my queen, Shiro. And it would be my privelege."
Nagulat ako nang yumuko siya. "Forgive me for hurting your friend. Pero sa tingin ko, I reacted that way because she resembles my Abrianna."
Puno ng lungkot niyang pagpapaliwanag. Tumango na lang ako, dahil wala akong alam sabihin. Walang pinaliwanag sa'kin ang mga magulang ako. Wala akong alam. Hindi pa kami nagkakausap simula nang malaman kong hindi ko sila tunay na mga magulang. Si Daddy, I thought he wouldn't lie to me. But it was a mistake. My life was a mistake. And I couldn't afford to be someone's shadow just to be important. I need to be Shiro, and not somebody else. I need to be me.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Queen
FantasíaShiro Zeyniro-a girl who always transfers schools, a girl who never gets herself attached with anybody-has never experienced the feeling of having a confidante, peer, and someone she can call a friend. Until her parents transfer her... again. But th...