√ Field Trip

3.5K 78 6
                                    

Field trip na! Sino kaya kasama namin sa bus? Super excited na ako! Hahahaha! Sana kasama namin sa field trip sina Light, Red Dark, Anna Marie at Andrew. Kanina narinig ko sina Kuya Gabriel na naguusap. Sa hindi naman ako chismosa pero narinig ko na may makakasama kami sa bus. 'Yung mga TPA kaya? Excited ako. Nasa covered court kami naghihintay para sa TGA bus. Pagdating ng bus. May estudyante sa loob. Nagtataka lahat kami kung sino sila. Napansin ko nandoon sina Morpheus, taga-TPA. Tapos sumilip din si Farren. Mukhang sila nga kasama namin! Ang saya naman! Sumakay na kami sa bus katabi ko si Morpheus. Pagandar ng bus, naguusap kami ni Morpheus nang may nambatok sa akin.

"Aray! Sino 'yung nambatok sa akin?"

"Malamang si Farren." Sagot ni Morpheus sa tanong ko. Have you ever wondered kung paano ko sila nakilala? Eh kasi naman, madalas na akong magpunta sa Phantom Island kaya ayan, marami na akong naging close. Ewan ko lang kay Farren, bago lang kasi siya sa Phantom eh.

"Bakit ba ako laging binabatukan ni Farren?" I asked.

"One word. JEALOUSY."

Ano daw? Selos? Nagseselos sa'kin si Farren? Bakit naman? Hindi na ako nagtanong pa kay Morpheus. Tinignan ko si Farren. Mukhang masaya siya, ah. Anong meron? Huminto ang bus para sa stopover. Pinuntahan ko si Farren, tutal hindi naman siya bumaba.

"Farren, bakit mo ba ako laging binabatukan?"

"Move!"

Hinila ko ang buhok niya. Sinampal niya ako... Super sakit! Bakit ba siya ganito sa'kin. Nagtanong lang naman ako, ah!

"Ano, masakit?"

Sasampalin na niya sana ako nang..

"FARREN, STOP HURTING HER!"

Huh, si Kuya Andrew! Natuwa ako dahil mukhang gulat si Farren, nandyan na si Kuya Andrew. Hehehehe. Nandito rin sina Dark, Light, Red at Anna Marie? In SCHOOL UNIFORM?! Ang ganda ni Anna Marie. Nakatingin lahat sa kaniya ang mga TGA boys! Anong meron? Bakit parang nag-transform ata si Anna Marie? Nag-smirk siya. Nagpakilala sila sa harapan habang umaandar ang bus.

"Hi! I'm Charles Leo." that's Light!

"Hi! I'm Hannah Margaritha." Anna Marie.

"Hi! I'm Mark Aries." Dark.

"Hi! I'm Mark Ares, twin brother of Aries." Red.

"Sila ang bago niyong makakasama ngayon TGA and TPA. Sige na umupo na kayo."

Katabi ko si Charles Leo (Light). Nag palit sila ng lugar ni Morpheus. Pag-upo ni Charles. Ayp! Pwe! Light na lang! Hindi ako sanay. Enebeyen?

"Kambal pala sina Dark at Red, nakalimutan ko." Sabi ko.

"Hindi naman kasi halata!" Natawa si Light. Super lakas!

"HAHAHAHAHA! HINDI DAW HALATA! HAHAHAHAHA!" Hindi ba siya titigil kakatawa?

"Bakit, sino bang halata?"

"Kayo!"

"Sabi na nga ba eh!"

Napansin kong parang may problema si Kuya Andrew.

"Ahm... Light?"

"Bakit?"

"Anong meron, parang pasan ata ni Kuya Andrew ang mundo?"

"HALA! KUYA! KUYA ANDREW?! SHIRO ANO NAKAIN MO?! HAHAHAHAHA!"

Langhiya naman itong kausap si Light. Mukhang natawa si Kuya Andrew. Si Anna Marie naman, tumatawa na kasama sina Dark at Red... Naman!

Ano bang masama kung tawagin kong Kuya si Kuya Andrew? At saka, bakit ba ang lakas ng boses ni Light. Gusto ko tuloy siyang suntukin.

The Long Lost QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon