Shiro's POV
"Shiro, gising na."
I felt a light pat on my shoulders, itinalukbong ko sa mukha ko ang makapal na kumot at saka tumagilid. Gusto ko pang matulog. Ang sarap, sarap mahiga sa malambot at mabangong kamang 'to. Pero nang mananaginip na ulit ako ay may yumugyog na naman sa 'kin. Hindi pa nakuntento at inalis pa ang nakatalukbong na kumot sa mukha ko.
"Shiro, wake up please," malambing na bulong ni Mykha sa tainga ko. Ano ba 'yan, kinusot-kusot ko ang mga mata ko bago umupo sa malambot na kamang hinigaan ko.
"Anong oras na?" tanong ko at saka tinakpan ang bibig before I yawned. Syempre, mabaho pa 'yung hininga ko, ano! Haaay, 'yung mga mata ko, ayaw pang bumukas...
"Eight, thirty na," sabi ni Mykha. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Bakit hindi mo ako ginising ng mas maaga?" Agad akong bumangon sabay patakbong tumakbo ng banyo para maligo. Sadly, naka-civilian pa rin ang lola niyo, kasi next week ang uniform ko. Nagsuot lang ako ng simpleng T - shirt na si Winnie the Pooh ang design at pantalon, saka doll shoes. Nagmadali ako dahil baka mahuli pa kami nitong si Mykha sa klase.
"Tara na!" Sabi ko at saka na kami lumabas ng silid namin. Maganda sa loob, ang ibang mga kagamitan ay gawa sa ginto. Sayang nga lang at hindi ko na masiyadong napansin ang itsura't mga disenyo kasi nagmamadali kami. Kagabi naman, natulog ako agad kasi ang bigat ng pakiramdam ko.
Narinig ko ang sigaw ni Mykha na parang gulat na gulat. Paglabas kasi namin ng bahay, bumulaga sa 'ming dalawa ang isang napakalaking lawin. Nakakamangha ang kagandahan niya. Ang mga pakpak niya'y sobrang ganda, at ang buo niyang katawan ay nakakasilaw sa mata dahil sa kulay nitong puti. Hindi ako makapaniwalang may ganyan kalaking ibon na nabubuhay sa mundo. Lumingon ako kay Mykha, nakatanga pa rin siya habang ako, naka-recover na. Slight. He bowed his head the moment he met my eyes.
"Magandang umaga, ako pala si Ferguso," Noong una, Pegasus... lawin naman ngayon? Ano pa kaya sa susunod? Umiling-iling ako, mahuhuli na kami. Kailangan na naming umalis. Wala na kaming oras para makipagkwentuhan, hahatakin ko na sana sa kamay si Mykha para makaalis na kami pero pinigilan kami ni Ferguso.
"Master, sumakay na po kayo ng kaibigan niyo sa likod ko. Ako po ang maghahatid sa inyo sa inyong eskwelahan," pago-offer niya.
"Master?" Lumingon ako kay Mykha at nakitang nakakunot ang noo niya. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng pagtataka. Ni hindi nga ako naguluhan n'ung tinawag niya akong master. Pero paanong nagpunta siya dito para ihatid kami sa academy? Sino kayang may-ari sa kaniya? Malay mo, naligaw lang siya at hindi mahanap ang totoo niyang master.
"Sige," sabi ko bilang pagtanggap. Yumuko si Ferguso para makasakay kaming dalawa sa likod niya. Medyo nakakatakot pero kumapit na lang kaming mabuti sa kanya para hindi kami malaglag. Pagsakay namin, nang tumingin ako sa baba ay nakita ko sila Gina, may mga iba pa siyang kasamang hindi ko kilala. Nakasimangot siya at nakahalukikip, para bang naaasar na makita ako. 'Yung iba namang kasama niya'y gan'un din ang ginawa. Hindi ko maintindihan, ano naman kayang ginawa ko sa kanila para magalit sila ng ganyan?
"Huwag mo na siyang intindihin, inggit lang ang mga 'yan. Nakakapagtaka kasing napaamo mo si Lawin nang wala ka man lang ginagawa. Alam mo kasi, napakasuplado talaga ng mga tulad ni Ferguso bukod sa mga nagma-may-ari sa kanila. They are taught to always be by their master's side that's why they don't know how to interact with others. Pero, hindi naman sila gan'un kasama," sabi ni Mykha nang nakangiti. Muli, sinagot na naman ni Mykha 'yung tanong sa isipan ko.
Pagdating namin sa academy ay agad-agad kaming pumunta sa cafeteria para kumain. Sabay kaming pumunta ni Mykha sa counter, bumili ako ng dalawang sandwich. Pangalawang beses ko nang makapasok ng cafeteria pero hindi pa rin ako masanay-sanay sa ganda nito.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Queen
FantasíaShiro Zeyniro-a girl who always transfers schools, a girl who never gets herself attached with anybody-has never experienced the feeling of having a confidante, peer, and someone she can call a friend. Until her parents transfer her... again. But th...