Isa sa pinakatangang nagawa ko sa buong buhay ko? Ang magtapat lang naman sa lalaking gusto ko na nakasuot ngayon ng earphones.
Pakshet lang. Bakit nga ba hindi ko yun napansin?
Pagkatapos ng klase, dumiretso ako sa garden ng school na kung saan alam ko na yun ang laging tinatambayan ni Drake. Napangiti ako. Ibahin nyo kasi ngayon. Ngayong araw ako magtatapat na gusto ko siya. Oh diba? Ako pa talaga ang gagawa ng first move ano.
Napatingin ako sa strawberry cake na ako pa mismo ang nag bake. Ito daw kasi yung favorite niya.
Actually, hindi naman kami masyadong close ni Drake. Friends lang. Ganun.
First time ko pa naman to gagawin. Haay. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mga nanliligaw sakin.
Pagdating ko, nandun na siya sa madalas niyang pwesto. Sa ilalim yun ng malaking puno. Nagdadalawang isip pa tuloy ako.
Napabuntong hininga muna ako bago ko siya nilapitan. Napahigpit yung hawak ko sa cake box. Kinakabahan talaga ako.
Paglapit ko, nadatnan ko siyang nagbabasa ng libro.
"Uuuh--p-pwede ka bang maistorbo?" Gosh!
Tumango-tango naman siya. Hoo! Buti naman. Bahala na nga! This is now or never! Nakatingin pa rin siya sa libro niya. Okay na rin siguro yun para hindi siya mailang.
Go Sabrina! Kaya mo yan. Mataas naman ang confidence mo eh.
"Uuh--Drake, Uhh--ano hindi nako magpapapaligoy ha? Alam kong hindi tayo close pero Drake, Maraming bagay akong nakita na gustong-gusto ko sayo. Akala ng iba antipatiko ka pero napakagentleman mo naman pala. Ilang beses na kitang nakita na ginawa mo yun. Hindi ko alam pero simpleng pag hanga lang naman to dati. Gusto ko lang sanang malaman mo na I like you Drake. I really do." Namula ako sa sinabi ko. Gosh!
Naglakas loob akong tignan siya at nakayuko pa rin siya habang nakatuon din sa libro niya.
Walang man lang reaksiyon? Hmm, Sabagay. nabigla ko lang siguro.
"Uhh--pwede bang friends pa rin tayo? Pwedeng walang ilangan pagkatapos nito?"
Tumango-tango ulit siya. Haay. Salamat naman.
"S-so uhh, wala ka bang masasabi?"
Tumatango pa rin siya. This time nakapikit na siya. May pagkaweird din to minsan ano.
"Uhh Drake?"
"So twerk it like miley... twerk it like miley.."
"Huh?" Nakuha niya pang kumanta eh halos maihi na nga ako dito oh.
"Drake?" Tinapik ko na yung balikat niya kaya napaangat ang tingin niya sakin. Nakatayo kasi ako habang nakaupo naman siya sa mga damo.
May tinanggal siyang bagay galing sa tenga niya.
"What?" Inosenteng tanong niya.
=________=
Isa sa pinakatangang nagawa ko sa buong buhay ko? Ang magtapat lang naman sa lalaking gusto ko na nakasuot naman pala ng earphones ngayon.
Bwisit. Bwisit. Bwisit. So balewala lang pala lahat ng sinabi ko?
"Wala kang narinig?"
"Huh? Wala naman. Bakit? Kanina ka pa diyan?"
Ang tanga mo talaga Sabrina. Ang tanga-tanga mo. Arrrgh! Naiinis ako sa sarili ko!
Napatingin naman siya sa hawak ko.
"Uhm, strawberry cake ba yan?"
Transparent kasi yung lalagyan kaya napansin niya agad.
"Yes. Why?"
"Uh pwede humingi?"
At ang kapal pa talaga ng mukha hingin to ano. Hindi ko talaga maiwasang maging bitter sa kanya.
"Eto? Nako sorry ha? Hindi to akin eh." Pasimple ko siyang inirapan bago ako nag walkout.
Gago ka kasi! Sayo naman dapat tong cake eh. Nakakainis ka talaga! Arrrrgh!
-----------------
Drake's POV
Lihim akong napailing habang naaalala ko yung sinabi niya. Ilang oras na ang nakakalipas pero tangna, ang lakas parin ng kabog ng dibdib ko. Tsk.
Ang totoo kasi niyan naglalagay lang naman ako ng earphones para walang makaistorbo sakin kapag nagbabasa ako.
Tawagin niyo nakong duwag o torpe sa ginawa ko kanina. Eh nabigla ako eh. Ang bading lang pero sa kanya lang naman ako natotorpe.
Mag-confess ba naman ako sa kanya habang natutulog siya. Oo, matagal ko na siyang gusto. Tsk. Natakot ako kasi baka narinig niya pala lahat at hindi siya natutulog nun.
Tsk. Malala na nga yata ako.
Kaso nawala lahat ng katorpehan ko nung nagtapat siya sa akin kanina. Napangiti ako sa naisip kong plano. Babawi ako Sab. Babawi ako. Sana lang hindi pa huli ang lahat.
------WAKAS------
BINABASA MO ANG
JaDine One Shot Stories
Teen FictionONE SHOT STORIES COMPILATION. It's all about LOVE, and JADINE.