Story 3: I love you

38 0 0
                                    

"Here." Iniabot sakin ni Tristan yung snack na pinabili ko.

"Thanks." Sabi ko tsaka binuksan yung burger. Nandito kami ni Tristan ngayon sa canteen.

"Kanina pa talaga ako nagugutom eh. Hindi ako nakapag breakfast. Baka kasi malate pako."

Hassle talaga. Medyo malayo kasi yung bahay namin sa school na pinapasukan ko.

"You should eat your breakfast kahit na malate ka pa. Baka mapano ka pa."

Masyado talagang caring itong si Tristan ano. Kahit sino sigurong babae magugustuhan siya.

"Uhhhm Abby?"

"Hmm?" Napatingin ako sa kanya habang iniinom yung juice ko.

"Gihigugma tika."

Inilapag ko yung juice na hawak ko. Hindi ko alam pero ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko tuwing sinasabi niya yan.

"Ano ba kasing ibig sabihin niyan?"

Ngumiti lang siya gaya ng inaasahan ko. Palagi nalang niya kong sinasabihan ng "gihigugma tika" eh hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin niyan.

Tuwing tinatanong ko naman siya kung anong ibig niyan, nginingitian niya lang ako tsaka iibahin yung topic.

"May chocolates ako dito para sayo."

Kita niyo na! Iniiba yung topic oh. Ano nga kayang ibig sabihin ng 'gihigugma tika'?

Naku, naku baka mamaya minumura nako nito ng 'di ko alam. Sighed. Baka hindi naman siguro. Nakakastress tuloy mag isip. Buti sana kung mahal kita ang ibig sabihin niyan eh.

-----------

"Uy Abby! Saan na ba napapad yang kaluluwa mo? Anyare sayo?" Biro ng best friend kong si Donna nang mapansing lutang ako. Kararating niya lang dito last week galing sa probinsiya nila. Doon kasi siya nag-aaral.

Iniisip ko parin talaga kung anong ibig sabihin ng gihigugma tika eh.

"Wala. Maliit na bagay lang."

"Ano nga?" Pagpupumilit niya.

"Wala nga." Wala naman talaga kasi yung ka kwenta-kwenta para sa kanya. Ako lang naman itong parang baliw na nilalamon na ng curiousity. I-research ko na nga lang yun sa Google kapag makabakante ako. Sa ngayon kasi masyado pa kong busy eh. Wala din namang pang internet itong cellphone ko.

"Sabihin mo nalang! Ano nga kasi?"

Napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan niya.

"Eeeeh, Iniisip ko kasi kung anong ibig sabihin ng 'gihigugma tika' eh. Nakakacurious lang palagi yang sinasabi sakin ni Tristan."

"Tristan? Boyfriend mo?" Gulat na tanong niya.

"Huh? Nako hindi ah." Bahagya pa akong namula.

Nanlaki ang mga mata niya habang pinagpapalo ako na parang kinikilig. Baliw!

"Oh my gee! Oh my gee!"

"Aray! Huy ano ba!" Pagsangga ko sa bawat palo niya.

"Gihigugma tika means I love you! Oh em gee talaga!" Tumili siya at saka pinaypayan ng dalawa niyang kamay yung sarili niya.

Ilang minutes bago nag sink in sa utak ko yung sinabi niya.

"Huh? I love you?" Natawa lang siya sa reaksiyon ko.

"Yes. I love you. As in mahal kita. Ganun. Bisaya word yun at bisaya ang gamit namin sa probinsiya."

Binatukan ko naman siya.

"Ba't ngayon mo lang sinabi?"

Tinignan niya ako ng masama.

"To naman makabatok oh! Nagtanong ka ba?" Sabagay ngayon ko lang din yun natanong sa kanya.

"Sigurado ka?" Baka naman nagkakamali lang siya eh.

"Oo nga. Siguradong-sigurado ako."

Kung totoo nga, mahal ako ni Tristan? Sorry naman kung hindi ko naintindihan yung gihigugma tika. Laking Maynila ako eh.

"Uhhh Donna, may tanong ako."

--------

Nandito kami ni Tristan ngayon sa canteen. Manlilibre daw kasi siya. At ako namang gutom, pumayag na ring magpalibre. Mas enjoy kaya kainin ang libre.

"Ang sarap-sarap talaga ng cake nato noh. Panalo!" Nako pinatataba yata ako nitong si Tristan.

Ngumiti siya. Ramdam ko ang titig niya sakin.

"Uhh Abby."

"Hmm?" Binalewala ko muna yung pagkalbog ng puso ko. Nilagay ko yung atensiyon ko doon sa cake. Ang sarap-sarap naman kasi. Mahirap siguro to gawin.

"Gihigugma tika." Halos mabilaukan ako sa cake na kinain ko. Hindi ko pa rin talaga maiwasang kabahan kahit alam ko na ang ibig sabihin niyan.

"Ako rin. Gihigugma sad tika." Nanlaki yung mga mata niya sa sinabi ko.

"A---alam mo?" Binatukan ko siya.

"Tsk. Gago ka. Pinakyuryos mo pa ako ng bongga. Eh kung hindi ko pala yan tinanong sa kaibigan ko hindi ko din malalaman."

"Eh sorry na. Naghahanap lang naman ako ng tamang oras eh." Sabi niya habang nakahawak sa batok niya.

"Tamang oras. Kailan yang tamang oras na yan? Nako, nako eh kung hindi pa pala---" Napatigil ako nang idampi niya yung labi niya sa labi ko.

"There. Tumahimik ka rin. Look, I'm really sorry."

Inirapan ko siya para itago yung kilig ko. Ghad Tristan! Pulang-pula na yung mukha ko ngayon!

"Huwag mo kong halikan. Hindi pa tayo. Nako, nako pasalamat ka talaga."

"Na mahal mo ko?"

"Tsk. Oh eh ano naman?"

He smirked. Pero hindi nagtagal sumeryoso yung mukha niya at hinawakan yung kamay ko.

"I love you too. Tayo na ha?"

Napangiti nalang din ako. At sino ba naman ako para tanggihan siya?

---END---

JaDine One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon