Story 4 : Reserved for Someone

251 12 0
                                    

No Boyfriend Since Birth. Never been kiss, Never been touch.

Minsan tuloy pakiramdam ko ang panget-panget ko. Hindi mali, parati pala.

Alam nyo yung feeling na ikaw lang yung walang boyfriend sa barkada mo? =___=Tsk. Sige na, Sila na maganda.
Kadalasan tuloy iniisip ko kung sinumpa ba ko o ano.

Kasi naman, walang nanliligaw o lumalapit man lang na lalaki saken dito. AS IN WALA. Kahit kaibigan na lalaki wala talaga.

Sabi nila mabait naman daw ako, masaya kasama, matalino, DYOSA! Ano pa bang kulang!
Sana pala sa all girls school nalang ako nag aral nang hindi nako naiinggit dito. Buti sana kung marami kaming zero sa lovelife dito eh.

Kaso amputcha lang, Kulang nalang isampal sa pagmumukha ko na ako nalang tong single dito sa pesteng school na to. Ako lang talaga!

Eh kahit tong janitor namin sumasabay rin sa uso eh.
Kahit saan ka tumingin puro landian! Deputcha!!
Pati ang CR ginagawang motel!! Jusko! Ganda ng view dito! Grabe!

Hindi naman sa gusto kong lumandi but hello? Ang weird kaya sa pakiramdam.
Wala naman akong nakakahawang sakit, wala ding putok sa kili-kili tsaka bad breath.

Kung dati, may isang lalaki pa kong nakakasama tsaka nalalapitan, ngayon WALA na talaga! Haaay, Kamusta na kaya yun?! Ayy Ewan! Dapat hindi ko iniisip yung mga taong nangiiwan lang sa ere.

Hindi nyo ko masisisi kasi gragraduate nalang ako ng college, ni hindi ko man lang nararanasan yang mga ganyan.

Yung may mag aalaga sayo, ituturing kang prinsesa, Yung kasama mo sa lahat ng bagay. Yung hindi magsasawang mahalin ka at ituring kang espesyal. Yung mga ganun? Yung feeling na PBB Teens!

Hayy!! Yan kasi napapala ko kakanood ng mga teleserye. Gusto ko na tuloy mag ka boyfriend! >___< Jusko. Sana may mahulog man lang galing sa langit!

Nakakafrustrate lang. Single nalang yata ako neto 'forever.

Kung ano-ano tuloy yung iniisip ko imbis na pagaaral iniisip ko.

SABADO. Gumagawa ako ng carrot cake dito sa kusina nang may nag doorbell sa bahay namin. Sigurado ako na hindi yan isa sa mga barkada ko kasi hindi marunong 'yung mga yun magdoorbell. Diretso kung pumasok 'yung mga yun ng walang paalam. Feel na feel at home. Baka bisita lang ni Mommy about business matters.

Nagulat naman ako nung sinabi ng kasambahay namin na ako daw ang hinahanap at LALAKI daw. Kaedad ko lang daw kaya napakunot agad yung noo ko. Imposibleng pinsan ko yun. Medyo nalalayo kasi sakin yung edad ng mga pinsan ko.

Dali-dali nalang akong lumabas sa kusina at bumungad sa akin ang isang ANGHEEEL

"Hayme?" Naka shades kasi siya kaya hindi pa ako sigurado kung siya na ba talaga yan.

Tinanggal naman niya yung shades niya at ngumiti sakin ng pagkalaki-laki.

Lumaki yung mga mata ko 'at dali-dali siyang nilapitan.

"OMG Ikaw Nga!" sigaw ko sabay yakap sa kanya

Si Hayme ay ang kaisa-isa kong bestfriend na lalaki. Lumipat sila sa Australia at doon na din nag aral nung mag sesecond year kami. Biglaan lang ang lahat kaya nalungkot talaga ako ng sobra nung umalis siya.

Nag kwento lang kami at nagkamustahan mag damag. Aaminin ko, namiss ko talaga tong bestfriend ko. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag tampo sa kanya. Nawalan kasi kami ng komunikasyon sa isa't-isa simula nung nag 4th year ako sa hindi malamang dahilan.

Napansin ko rin yung laki ng pinag bago ng katawan niya. Totoy pa to dati eh. Payatot pa.
Tignan 'mo naman ngayon oh!
Halatang hindi pinapabayaan yung katawan. Araw-araw siguro to nakatambay sa gym 'dun sa Australia.
Jusko ang init dito!!

JaDine One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon