"Oh my gosh friend! Ang hot ni Nikko! Grabe!"
Tinignan ko yung lalaking masyadong gwapong-gwapo sa sarili.
"Tsk. Paano naman naging hot yan eh umiinom lang naman yan ng tubig."
Minsan talaga may pagka-baliw tong kaibigan ko ano.
"Yun na nga eh! Umiinom pa lang yan ng tubig ha napaka hot na. Pano pa kaya kung mag topless yan. Jusko! Baka himatayin ako! Ang Yummmy!"
"Tsk. Ewan ko sayo."
"Nako ikaw ha, napapansin ko,ang bitter mo kay Papa Nikko. May gusto ka sa kanya noh?"
Halos mabilaukan naman ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Tsk. Ayoko kaya ng playboy.
"Gusto? Gustong-gustong patayin pwede pa."
"Ay grabe siya oh. Asus. Halika na nga."
Napatingin sa gawi namin yung Nikko tsaka kumindat. Tsk. Napakalandi talaga.
Eh ano naman kung sikat, mayaman, at gwapo siya? Hindi naman siya marunong maging loyal. Kilalang-kilala siya as playboy sa school.
Hindi ko nga alam kung bakit andaming nagkakagusto sa kanya eh nakakainis naman yung pagmumukha niya.
Okay sige, aaminin ko gwapo nga siya. Pero masyado siyang hambog, antipatiko, mayabang, at mahangin.
Na classmate ko siya nung first year at second year kaya napatunayan ko na yan. Wala naman siyang maiibuga pagdating sa academics eh. Ni wala nga siguro yang talent.
Magaling lang yan sa pambababae. Tsk. Oh well wala naman akong pakialam sa kanya.
------------
Maaga akong dumating sa school ngayon. Nagising kasi ako ng maaga. 7:00 am palang ngayon at 8:15 am pa magsisimula ang klase ko.
Napadaan ako sa music room. Napahinto ako nang makarinig ako ng tunog ng piano. Napatigil ako sa pintuan ng music room. Medyo nakabukas kasi yung pinto. Nakakarelax naman pakinggan.
Maya-maya sinabayan niya ng pagkanta. Sobrang sarap pakinggan ng boses niya. Ang ganda-ganda naman. Shemaaay!
Maingat kong sinilip kung sino yung nasa music room. Nakita ko si Nikko na kumakanta habang pinapatunog yung piano. WOW. Hindi ko ineexpect na ganito kaganda yung boses niya.
Nakapikit siya at damang-dama niya talaga yung pagkanta niya. Para siyang anghel. Napakaamo ng mukha niya. Ang sarap niyang panuorin at pakinggan. Nalulunod ako sa boses niya.
Anong nangyayari sa akin? Bakit hindi ko nakikita yung hambog, antipatiko, mayabang at mahangin na Nikko sa kanya?
---------------
Andito ako sa bahay ampunan ngayon. Pitong taon na rin ang nakakalipas simula nung huli akong dumalaw dito.
Sa bahay nato ako nag-kaisip. Masaya naman ako at mababait yung mga umampon sa akin. Tinuring nila akong totoong anak nila.
"Maam Kikay!"
"Jusko Becca, Ikaw na ba yan? Ang laki-laki mo na!"
Sinalubong niya ko ng yakap. Siya yung pinakahead dito. Napaka kwela parin niya. Siya din ang nagtatag ng ampunan nato kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Nilibot namin ni Maam Kikay ang bahay ampunan. Ang dami na ring nagbago. Mas lumaki na yung ampunan. May ilang nakakakilala at bumabati sakin. Panay naman ang kwento ni Maam Kikay.
Napunta kami dito malapit sa playground.
"Nako Becca! Naaalala mo pa ba yung si Nikko? Ayun oh! Napakagwapo na!"
BINABASA MO ANG
JaDine One Shot Stories
Teen FictionONE SHOT STORIES COMPILATION. It's all about LOVE, and JADINE.