CH 8 : RAFFY'S DEATH.

72 4 2
                                    


Raffy's POV

NATATAKOT AKO! TAKOT NA TAKOT! Ang sama kong kaibigan at kaklase dahil pinahamak ko sila!

Kaninang umaga nung namatay si Aldrin. Alam ko na agad na may kinalaman ang Omega Cards kaya dali dali akong pumunta sa school at pumasok sa library. Bukas kasi ito kahit sabado.

Nagtungo ako kung saan naroroon ang alpha book.

At Hindi ko nagustuhan ang nabasa ko.

Hindi ko naman kasi alam na ganun pala ang mangyayari kapag nilaro namin ang omega cards.

Nakalagay sa libro na iyon na bawat kahilingan na matupad ay buhay ng mismong humiling ang kukunin.

Ibig sabihin...

MAMAMATAY KAMING LAHAT NA NAGLARO AT WALANG MAKAKALIGTAS.!

Pag-aari na ngayon ng mga demonyo ang kaluluwa namin.

Kasalanan ko 'to! Anong gagawin ko? Naguguluhan ako! Ako na... AKO NA ANG SUSUNOD..!

Nakalagay pa sa libro na kapag nilaro ang omega cards ay makakawala ang mga demonyong nakakulong sa baraha.

Isang malaking kahangalan ang ginawa namin.

Sasabihin ko ba sa kanila ang nalalaman ko?

Pero pag sinabi ko, ako naman ang sisisihin nila at hinding hindi nila ako mapapatawad!

Pinunit ko ang tatlong pahina, balak ko kasing ibigay ito sa mga kaklase ko. Para pag namatay ako. Doon lang nila malalaman. MALALAMAN ANG KATOTOHANAN.

Pinuntahan ko si Kevin . Sinabi ko na ibigay bukas kina Vanessa ang tatlong pahinang pinunit ko.  Tinanong niya ako kung bakit. Pero hindi ko siya sinagot.

"Basta! ibigay mo na lang sa kanila bukas!" sigaw kong sabi kay kevin at tumakbo na ako paalis.

Ngayon narito ako sa park. Nakaduyan. Ewan ko naguguluhan ako kung anong gagawin ko. Magdidilim na. At umuunti na rin ang mga tao sa paligid.

Nakatungo lang ako at umiiyak.

Patawarin sana nila ko..

Patawad! Patawad kung napahamak ko kayo.!

Kung alam ko lang sana ay hindi ko na kayo niyayang maglaro.

Hanggang ngayon ay naaalala ko parin ang nabasa ko tungkol sa sampung demonyo na tinutukoy ng alpha book. At ang sampung demonyo na tinutukoy ay ang mga espiritu ng Lupa na nasa submultiple cards.


----------

[Author's POV]

Hanggang sa tuluyan ng magdilim ay naandun parin si Raffy nakaduyan sa park.

Balisang-balisa siya na para bang wala sa sarili. Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na siya pa ang naging dahilan para mapahamak ang kaniyang mga kaklase.

Napalingon siya sa paligid dahil may naramdaman siyang kakaiba. Bumilis ang tibok ng puso niya. Alam niya na ito na ang katapusan niya.

Kukunin na sya ni ATTO! Ang barahang nabunot niya at ang demonyong iyon ay kukunin na siya.

Napatayo siya para magmasid sa kanyang paligid.

Lalong lumakas ang kabog sa kanyang dibdib ng may narinig siyang parang nagpapatugtog ng tambol. Sa bawat palo at tunog ng tambol ay siya ring kabog ng kaniyang dibdib.

At dahil sa sobrang takot ay binalak nyang tumakbo. Ang kaso lang ay hindi niya maikilos ang kanyang mga paa. Para bang dumikit na ito sa lupa.

Pinilit niyang tanggalin ang kanyang paa sa lupa at hinatak niya ito pataas ngunit wala parin nangyari.

"TULLOONNGGGGGG!!" sigaw niya pero tila walang nakakarinig sa kanya.

Lumaki ang mata niya ng may nakita siyang dalawang kalansay na kamay at nagmula ito sa ilalim ng lupa. Hinawakan ng Kalansay na kamay ang kanyang paa at unti-unti siyang hinatak pailalim ng lupa.

Sumigaw siya ng sumigaw pero wala man lang nakarinig sa kanya.

Hanggang sa tuluyan na siyang kainin ng lupa.

---------

Vanessa's POV

Gabi na, naandito ako ngayon sa kwarto ni Charmaine. Kasama namin si Pamela. Balak kasi namin na dito na matulog ng magkakasama.

Habang naandito ako sa kwarto ay tulala naman ang dalawa. Hinayaan ko na lang sila dahil alam ko ang pinagdadaanan nila.

*Beep Beep Beep Beep!*

Tunog ng cellphone ko, may tumatawag kasi.

"Misis Alcantara bakit po?"

sabi ko. mommy kasi ni Raffy ang nasa kabilang linya.

"Wala ba diyan si Raffy? Kanina pa kasi siya hindi umuuwi."

"Wala po.."

"Wala ba siyang sinabi sa inyo kung saan siya nagpunta?"

"Sorry po pero wala po talaga kaming alam."

"Ah ganun ba? Naku! San naman kaya pumunta ang bata na iyon?! sige salamat ha?"

"Sige po."

At pinatay na nya ang tawag.

"Sino yung tumawag?" usisa ni Pamela.

"Si misis Alcantara, Hindi pa daw umuuwi yung anak niya na si Raffy." sagot ko.

"Naku, Ano kayang nangyari dun?" - Pamela.

Nagkibit balikat na lang ako sa tanong ni Pamela.

"Pansin nyo ba na nung nalaman nya na namatay na si Odeisha ay bigla siyang napaiyak? " -Charmaine.

"Oo nga ! Ang weird niya kaya." -Pamela.

"Bakit kaya?" tanong ko sa sarili ko.

"Alam nyo ba na kanina ko pa napapansin ito (Sabay tumabi ako sa kanilang dalawa) na parang may kakaibang nangyayari na hindi ko mapaliwanag."

"Anong ibig mong sabihin Vanessa?" -Charmaine .

"Na parang kung anong meron ang nakapaligid sa atin pero hindi ko masabi kong ano." Natatakot kong sabi.

"Ganun din ang nararamdaman ko Vanessa pero hindi ko na lang pinapansin . Baka kasi kaluluwa lang ni Aldrin iyon." -Pamela.

"Pero, Kakaiba talaga 'yung nararamdaman ko eh, natatakot tuloy ako." napapaiyak kong sabi. At niyakap naman nila akong dalawa.

"Kaya lang siguro natin nararamdaman ang mga 'yon dahil siguro ay may mga kaklase tayong namatay " - Charmaine .

"Nagtext sa akin 'yung mommy ni Aldrin, At ang sabi ay nakaburol na daw ngayon ang bangkay ni Aldrin." - Pamela.

"So, pupunta ka?" tanong ko.

tumungo siya bilang tugon.

"Sama na lang ako!" -Ako.

"Tara!" - Pamela.

"Ikaw Charmaine? Hindi ka sasama?" tanong ko sa kaniya.

"Sige, sasama na rin ako." - Charmaine.

"Don't worry, pagpapaalam ka namin sa mama mo." sabi ko.

At pinagpaalam na nga namin si Charmaine. Pumayag naman ang mommy niya at bilin sa amin na mag-ingat daw kami. At nagtungo na kami sa bahay ni Aldrin dahil nakaburol na nga ang labi niya doon.

OMEGA CARDS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon