CH 15 : THE NANO -5

74 4 0
                                    

Marky's POV

HINDI... HINDI TOTOO ITO!

Ako na ang susunod na mamamatay? Kalokohan yun diba?

Bumaba ako ng sasakyan pagkarinig ko nun.

Ako ang nakabunot ng Submultiple card na Nano negative five. Ibig sabihin ay ako na ang kasunod. At nalalabi na lang ang natitirang oras sa akin baka nga minuto na lang eh. Hindi ko alam kung kelan siya magpapakita para patayin ako. Dapat ay may gawin ako pero ano? Ano ba ang dapat kong gawin?

"Marky saan ka pupunta!?"

sigaw ni Vanessa sa akin.

"Aalis na ko." sabi ko.

"Wag kang umalis Marky dito ka lang!" -Vanessa.

"EH, ANONG GUSTO MONG GAWIN KO? HINTAYIN KO NA LANG ANG KAMATAYAN KO GANUN?!" sigaw na sabi ko sa kanya.

"Hindi naman sa ganun Marky! Mas mabuti na yung magkakasama tayong lima -Vanessa.

"Oo nga Marky, nang sa gayon ay maprotektahan natin ang isa't-isa." -Pamela.

Nainis ako sa sinabi ni pamela.

"Bakit? Kaya nyo ba kong protektahan kapag dumating na yung demonyong papatay sa akin?!" Naiinis kong sabi.

Hindi nakaimik si pamela sa sinabi ko.

"Huwag ka ngang ganyan Marky! " -Charmaine.

"Ewan ko sa inyo bahala kayo!" at sabay naglakad na ko paalis .

"MARKY!" Narinig kong tawag ni Vanessa sa akin pero hindi ko sya pinansin. Dire-diretso lang ako sa paglalakad.

Pero matigas ang ulo niya at hinabol parin ako. Bakit ba nya ginagawa ito? Mamamatay na ako at dapat hayaan na lang nila ako dahil wala naman silang magagawa. Mamamatay din kaming lahat at walang makakaligtas. Swerte lang sila dahil mababa yung numero ng Submultiple card na nabunot nila.

"Marky! Sandali lang hintayin mo naman ako!" pagrereklamo pa ng nasa likod ko . Tumigil ako sa paglalakad at nagsalita.

"Huwag ka ng sumunod Vanessa, hayaan mo na lang ako mag-isa " -Malungkot na sabi ko.

"Pero Marky! Alam kong may pag-asa pa! Wag ka munang umalis dahil mapanganib! Anu mang sandali ay pwedeng dumating ang demonyong si nano para patayin ka!" -Vanessa.

"Alam ko! Hindi muna pwede sa aking sabihin pa! Palibhasa kasi hindi mo alam ang nararamdaman ko eh!" -Ako.

"Alam ko Marky! Kaya nga sinasabi ko sayo na wag kang umalis sa tabi ko dahil kapag napatay kana ng Demonyong si nano ay ako naman ang susunod na papatayin ng Demonyong si Micro! At natatakot din ako na mangyari yun!" -Vanessa.

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Vanessa kaya nagsimula na lang ulit akong maglakad paalis pero hinawakan nya ko sa kamay para pigilan.

"Pabayaan mo na lang kasi ko Vanessa, uuwi na ko sa amin. Gusto ko manlang makasama ang mga magulang at kapatid ko bago manlang ako mamatay." nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Napapaiyak na nga ako pero pinipigilan ko lang.

"Sasamahan kita! Please Marky, Hayaan mo akong samahan ka."

Pagkarinig ko nun ay tumungo na lang ako at hinayaan siyang sumunod sa akin.

__________

Charmaine's POV

Naiwan kaming tatlo dito sa sasakyan ni Tristan samantalang si Vanessa ay sinundan si Marky.

Nag-text sa akin si Vanessa na sasamahan nya lang daw si Marky sa bahay nila pagkatapos ay pupuntahan kami. Ang reply ko naman sa kanya ay tumawag agad sya o magtext man lang kapag may masamang mangyari.

OMEGA CARDS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon