Nandito ako sa salas ngayon naglilinis.. syempre wala kasi sina maam nel ehh nag shopping kaya kaming mga katulong lang yung nandito sa bahay.. mabuti nga yun ehh di kami magkikita ni darren kase alam niyo na.. baka makita ulit kami ng bruha niyang girlfriend daw.. na magkasama kami.. tsss
Naglilinis ako ng mga picture frame na naka display dito sa side table nila at di ko maiwasang di tumingin dito lalo na sa picture ni darren noong baby pa siya.. uwwaaaa ang cute !!!
" ang gwapo noh"
" ay ikaw!! Ay tae.. ahh bakit po kayo nandito sir??" Tanong ko.. buset naman ginulat pa ako
" bakit?? Bahay namin to bawal ba??" Sagot niya
" ano pong kailangan niyo??" Tanong ko
Amputek minamalas nga naman oh bakit ba nandito siya ?? Akala ko ba sumama siya sa mommy niya
" ikaw.. "
" ahh ano.. gawan mo ako ng cookies.. chocolate chip ngayon na "
Wtf.. hindi ko alam pano magluto nun.. jusko.. pang sosyal yun eh
" ahh hindi ko po--"
" now.. nagugutom na ako seerah" utos niya tsaka umalis..
Buset ka.. halimaw ka talaga espanto..
Padabog akong pumunta sa kusina para magluto.. hayyss bahala na si batman dito..
Kumuha ako ng flour , eggs, tsaka chocolates.. at iba pa.. tapos bowl tsaka mixer..
Hayys goodluck to me..
Nagsimula na akong gumawa .. konti lang alam ko dito kase nakaluto kami neto sa eskwelahan namin once .. ehh matagal na yun ehh
" sigurado ka ba sa ginagawa mo??" Tanong niya
Nandito ulit siya putek paano ako makakapag concentrate dito ehh ang gulo niya
" hindi.." sagot ko habang patuloy sa pag mimix ng ingredients
" sir wag po kayong magulo ok??" Sabi ko tsaka tiningnan siya
Nakaupo siya sa counter table ng kitchen tsaka kumakain ng chocolate na para sana sa cookies
" why are you avoiding me seerah??" Tanong niya
" wala po" sagot ko
" is this about what happened to you a day ago??" Tanong niya
Nag shrug lang ako
" si aurielle yung gumawa nito sayo diba??" Sabi niya ulit
" im sorry seerah " pagpatuloy niya
" wala po to. Tsaka tama naman siya ehh dapat lumayo ako sa inyo kase sino ba naman ako ?? Maid lang naman diba.. sorry kung naging malapit ako sa yo pero ngayon lalayo na ako dahil baka magalit ulit yung girlfriend niyo sorry po" sabi ko sa kanya tsaka nilagay na yung cookies sa oven para maluto.. haha bahala na kung anong kalalabasan niya
Tumingin ako kay darren na nakatingin sa oven.. di siya naka sagot sa mga sinabi ko ehh
" no you dont have to do that seerah" sabi niya
" hindi ok lang po yan.. naintindihan ko naman ehh " sagot ko tsaka umupo din sa upuan ng counter table.. bali magkaharap na kami ni darren ngayon
" masakait pa ba yun sugat mo??! " tanong niya ulit
Ughhhhh bakit ba amg kulit niya?? Bakit ba pinapakita niya na may pake siya sa akin??
" wala naman po akong sugat wala to.. " sabi ko ulit.. tamang tama naman pagkatalikod ko sa kanya tumunog yung oven.. luto na yung cookies!!
" eto na po yung cookies niyo.. sana magustuhan niyo.. maiwan ko na po kayo sir. Marami pa akong gagawin ehh " paalam ko tsaka umalis na ng kusina..
Kailangan ko na talagang umiwas sa kanya kasi sa mga pinapakita niya na nagaalala siya sa akin yung pagiging mabait niya .. jusko baka hindi ko na mapigilang di mahulog sa kanya ng tuluyan.. ayoko na..
Kaya sana lang mag work to..
BINABASA MO ANG
His Maid // Darren Espanto //
Fiksi Penggemar( CURRENTLY EDITING ) (CURRENTLY EDITING) He's rich She's not He's the boss She's just his MAID BOOK 1 ☆★★☆ COMPLETED ©itsgraceyy