chapter 22

1.2K 84 8
                                    

Simula nung araw na sinabi sa akin ni darren na gusto niya ako, every after class nagkikita kami pero di pa siya nakakapunta ng bahay busy din kasi siya..

Ganito pala ang nararamdaman ng taong may minamahal no? Yung feeling na kumpleto ang araw mo kapag nakita o nakausap mo na siya

Yung sinasabihan ka niya ng i love you . Yung pinaparamdam niya sayo na safe ka.. yun yung nararamdaman ko ngayon..

Nandito ako sa may park ngayon.. gumagala lang.. tapos nanaman kasi klase ko tsaka nagpapahangin na rin kasi nakakastress yung araw ko ngayon ang daming ginawa.

Sayang nga lang di kami magkikita today kasi may pupuntahan daw siya..

" baby! Anong flavor gusto mo??"

Teka familiar yung boses na yun ahh.. hinanap ko yun at boom

DARREN!

Kasama si aurielle .. holding hands..

Di ko alam kung anong gagawin ko.. papanuorin ko nalang ba sila o tatakbo ako.. feeling ko kasi naka glue na yung mga paa ko at di nako makaalis sa kinatatayu an ko

At the same time nagsilabasan na rin yung mga luha ko.. sht lang. Bakit ba ang tanga ko?? Bakit ba naniwala agad ako sa sinabi niya.. ang tanga ko.. ang tanga tanga ko.. sobra..

Asa naman akong mamahalin niya talaga ako diba? Di hamak na maid lang ako.. anong laban ko kay aurielle eh maganda siya mayaman matalino.. samantalang ako?? Isang di hamak na maid lang..

Asa naman ako na mamahalin ako ng mga mayayaman na katulad ni darren diba??

Tumalikod na ako at akmang aalis nang may nabangga ako

" what the hell!!!" Sigaw niya

" ayy s-sorry po.. sorry po .. di ko po sinasadya" paumanhin ko sa nabunggo ko

" look what you've done to my clo---- seerah??" Patay!! Sumigaw pa siya

Teka kilala niya ako??

Tumingala ako para makita kung sino siya..

Angel??

" a-angel??" Tanong ko.. di ko na kasi makita ng klaro yung taong nasa harap ko kasi umiiyak na ako

" yea its me seerah! What happened??" Tanong niya.. kahit kelan talaga tong babaeng to di man lang marunong hinaan yung boses

" shh wag kang maingay please sasabihin ko sayo " sabi ko

" seerah??" Patay!!!

" ahh tara na angel " sabi ko tsaka hinatak si angel palayo

" wait seerah.. " sigaw ni darren

" seerah tawag ka ni darren " sabi naman ni angel

" bilisan mo nalang please" sabi ko

" seerah.. wait.. i'll explain" pigil ni darren sakin

" explain what?? Wala kanang dapat i explain kasi wala naman akong karapatang marinig yang explanation mo.. ano ba kita at pakikinggan ko sasabihin mo?? " sigaw ko

" seerah im sorry .. di ko sinasadya" sabi niya

..

" nahihibang ka ba?? Sorry?? Sorry saan?? Ano bang ginawa mo ha?? Pinaasa mo ako , ganoon diba!! Sorry?? Wag na.. mabuti nalang pala at nalaman ko agad.. hanggang kailan mo ba ako balak lokohin at paglaruan ha ,darren?? Kaya ba ginaganito moko dahil mahirap lang ako?? Dahil ba di ako kasing yaman tulad niyo?? Ang tanga ko din kasi.. umasa ako.. na mahal mo talaga ako.. bakit kasi di ako nag isip.. bakit di ko man lang narealize na hinding hindi talaga mangyayari na nmagkakagusto ka sakin.. di ko man lang naisip na paglalaruan mo lang feelings ko.. bakit pa kasi sa lahat ng tao ikaw pa minahal ko.. bakit ikaw pa na di kayang pantayan ang pagmamahal na nararamdaman ko.. " sabi ko sa kanya at umalis na

" anak bakit ang aga mo umuwi ngayon? Wala kayong lakad ni darren ngayon??" Tanong ni mama sa akin..

" wala po ma.. busy siya.. geh po punta lang po ako sa kwarto magpapahinga po muna ako" paalam ko

Busy siya .. busy siya sa iba..

Ughh buset na luha to.. kelan ka ba titigil.. nakakainis kana ah..

ano bang nagawa kong mali o masama darren at ginaganito moko??

Sana naman di mo nalang ako pinaasa o pinaglaruan kasi di kana nakakatuwa.. ang sakit sakit na darren.

" nak kain na tayo labas ka na diyan" sigaw ni mama mula sa labas..

Pinahiran ko muna luha ko bago lumabas kasi baka mapaghalataan

" kain na tayo" sabi ni mama

" parang may problema tayo nak ah.. problena sa puso kwento naman nak" sabi ni mama

Ngumiti nalang ako

" natural lang sa pagmamahal ang masaktan.. sinusubukan ka lang niyan kung gaano ka katatag at katapang harapin ang mga pagsubok na darating. " sabi ni mama kaya di ko na naiwasang di maiyak

" ang sakit sakit ma! Umasa ako ehh umasa akong mahal niya rin ako pero di pala.. ang sakit sakit ma .. akala ko kasi pareho kaming nararamdaman per o mali pala kasi all this time ako lang ang nagmamahal.. ang unfair ma.. " sabi ko tsaka humagulgol na sa iyak

So i guess 3 chapters to go nalang at matatapos na to!!

You think magkakatuluyan si seerah and darren??

Vote and comment!!

His Maid // Darren Espanto //Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon