Darrens POV
Nagising ako dahil nag tumunog na yung alarm clock ko..
Bumangon na agad ako tsaka naligo at nagbihis ng school uniform
Pagkababa ko nagulat ako dahil si mommy yung nag aayos ng almusal namin
" ma! Bakit ikaw yung nag aayos asan po ba si seerah?" Tanong ko sa kanya
Ngumiti siya " bakit bawal ba?? Wag ka nang maraming tanong kumain ka na " sabi ni mommy tsaka nilafyan na yung plato ko ng kanin
Pagkatapos kong kumain dumiretso na agad ako sa sasakyan ..nagulat naman ako dahil sumunod ulit si mommy sa akin
" nak sama ako sa school mo ha. Pupunta lang ako sa dean ninyo" paalam niya
Bakit? Anong meron??
" bakit po?" Nagtatakang tanong ko
" wala kakamustahin lang kita sa school " sabi ni mommy tsaka naupo na sa tabi ko
Nang makarating kami sa school syempre pumasok na agad ako sa classroom namin.. sabi nga lang ng classmate ko maleleate daw yung teacher namin kasi may meeting daw kaya nga ang iingay nila dito
" hey darren " bati saakin ni aurielle
" hi" sagot ko tsaka umupo sa tabi ko .. ayun habang wala pa yung teacher namin nagkwentuhan nalang rin kami..
Teka bakit wala si seerah! Absent ba siya?? Di ko siya nakita sa bahay. Hayys nakalimutan kong itanong kay mommy
Napatigil naman kami sa pag iingay nang biglang pumasok si maam
" good morning class" bati niya
" good morning maam "
" ok i would like to tell you na MS. Seerah Tiongson already transfered"
What?? Why??
"Hay good to hear" sabi ni aurielle..
Bakit seerah! Bakit ka umalis!!
Simula nang malaman kong umalis na si seerah nalungkot ako.. wala na tuloy tutulong sa akin. Wala nang susunod aunod sa akin kahit saan ako pumunta wala nang mangungulit sa akin, wala nang mambubwiset sa akin..
Natapos yung isang araw na wala akong naiintindihan.. pauwi na ako ngayon at kakausapin ko si mommy mamaya
Pagkadating ko sa bahay agad kong hinanap si mommy..
" ma!! Bakit po di niyo sinabi sa akin na umalis si seerah!" Tanong ko
" as much as i wanted to tell you anak, si seerah mismo ang nagsabing wag ko nalang daw muna sabihin sa inyo" paliwanag ni mommy
" pero bakit po!"
Naguguluhan na talaga ako
" pumunta yung mama niya last 2 days ago at kasama niya si seerah. I saw seerah crying tsaka namumula yung pisngi niya... kinausap ako ng mama niya kung pwede umalis na daw siya dito .. sinasaktan ng schoolmates mo si seerah not once .. sabi ng mama niya minsan daw pag pumupunta si seerah sa kanila meron siyang mga pasa.. pero never niya itong sinabi sa akin.. or wven sa mama niya kasi daw natatakot siya.. " sabi ni mom..
Alam kong sinasaktan nila si seerah pero once lang.. di ko alam na naulit pa pala yun..
" sino po yung gumawa sa kanya noon?" Tanong ko
Umiling si mommy " di ko pwedeng sabihin sayo anak.. i promised seerah"
" mom please!! Wal nanaman dito si seerah ehh just tell me kung sino" sabi ko
" aurielle, your girlfriend right??" Sabi ni mommy
What?? Bakit di ko alam na sinasaktan pala siya ni aurielle , ang tanga ko talaga
" anak , bakit di mo sinabi sa akin na may girlfriend ka na pala.. san pina kilala mo muna sa akin bago mo ligawan anak.. baka di yung pasado sa standards ko.. " hay mommy talaga nagawa pang magpatawa
" bakit ma?? Ano ba yung standards mo??" Tanong ko
Nag isip muna siya sandali bago sumagot" yung mabait, magalang , masipag , understanding, ahmm ano pa ba.. basta gusto ko kasi katulad ni seerah.. alam mo yun anak nagsisikap siya na magtrabaho para makatulong sa mama niya dahil wala na kasi yung papa niya.. ginagawa niya lahat para lang makatulong sa mama niya para magkaroon sila ng pera" sabi niya tsaka nag pout.. mommy talaga
" po? Wala na siyang papa??" Ehh di naman sinabi ni seerah sakin ehh
" pero ma! Saan po siya lumipat ng school??"
" yan ang di ko alam.. di niya kasi nabanggit eh..sige nak alis na ako mag go grocery pa kasi ako ehh " sabi niya tsaka umalis
Hay ang lungkot dito sa bahay..
Nagugutom nanaman ako makapunta nga sa kitchen
binuksan ko yung ref pero wala akong nagustuhang kainin.. kaya binuksan ko naman yung cabinet.. naay mga lamang gummy bears tsaka mga kendi pero nagulat ako nang makita ko yung jar na may lamang crinkles.. tsaka yung isa naman ay cookies..
May note pa na nakalagay sa labas.. awtomatiko ako napangiti..
Kaagad ko namang binuksan yung jar ng crinkles tsaka kinain yun..
Ansarap talaga magbake ni seerah..
Miss na miss ko na siya.
Gusto ko na siyang makita
Nakakalungkot na kasi
Vote and comment!!
BINABASA MO ANG
His Maid // Darren Espanto //
Fiksi Penggemar( CURRENTLY EDITING ) (CURRENTLY EDITING) He's rich She's not He's the boss She's just his MAID BOOK 1 ☆★★☆ COMPLETED ©itsgraceyy