Part 11
Umuwi ako kasama si Chels sa unit ko. Pinaliwanag ko sa kanya ang nangyaring misunderstanding bout kay Gab tsaka yung ginawa ni Kurt. I told her about us, di ako nag sisinungaling sa bestfriend ko. Isa pa, kilalang kilala na nya ako. At kahit sya,may hinalang may namamagitan saming dalwa ni Kurt. Pero di parin sya makapaniwala na lagi akong kinakama nung isang yun. Aisshh . . makatili pa nang husto wagas.
"so how is it? Siguradong masarap si Papa Kurt noh?! Ai, sana ako nalang ang swerteng babaeng nakakama nya. Ang swerte mo talaga!" Chels na kilig na kilig parin.
Ako naman O.o
Ako? Swerte? Kailan pa?! Ako kaya ang pinakamalas na tao sa buong mundo.
"dahil lang dun swerte na agad. Alam mong ang malas ko diba?" ako.
"sino ba kasi ang ignoranteng tao ang nagsabing malas ka?! Sa sobrang ganda mo, mabuting kaibigan at lalo na napakabait pano mo nasasabing malas ka? Ang swerte mo nga ei."
"Chels, ikaw lang ang nagsasabing mabait ako. Pero pano ang ibang tao? Alam mong nakatira tayo sa society na mas pinapahalagahan pa ang opinyon ng ibang tao, hindi ang ugali mo. Yung nakikita lang nila ay ang panglabas na appearance mo. They doesn't care kung mabuti kang tao." *smirk*
"alam mo, ang bitter mo talaga. Ah basta . . kung ako sayo, hinding hindi ko na hahayaang makawala pa si Papa Kurt noh."
Napaisip ako.
"bakit naman?! Di naman kami uh . . tsaka, yung nangyayari between samin, walang ibig sabihin yun."
"ei yung nangyari sa school kanina? Pano mo ipapaliwanag yun? Agh, wag ka ngang tanga . . akala ko ba matalino ka? It was too obvious, gusto ka rin nya."
"ewan . . ang lalaking yun. Di ko naman mabasa kong ano ba talaga ang gusto nya. Isa pa, sa palagay ko ginawa nya lang yun para wag isipin ni Gab na kami. Tsaka, para yung nangyayari samin di rin mabunyag sa iba."
"anong di ma bunyag?! Sinabi na nga nya kanina sa buong school di ba? Anong ibig sabihin ng ginagawa natin? Duh Kira, ang hina mo . . hanggang ngayon ba loading ka pa? Ibig sabihin lang ng sinabi nyang yun talagang may nangyari na sa inyo. At hindi na mga musmos na bata ang mga estudyante sa school noh, alam na nila ang ibig sabihin nun. That you two were already having sex!" diniinan pa nya ang pagkakasabi ng Sex.
Nanlumo ako. Shit! Wala na talaga akong mukha na maipapakita sa school. I'm totally screwed! Ano ba kasi tong pinasukan ko? Complicated na nga ang buhay ko, mas pinagulo pa ng isang to.
"at pano nalang kung makarating kay Gab ang issue na to? Iyon ang mas malaking problema." Chels *sigh*
Pati sya worried din.
"Yun nga ei, nahihiya ako sa kanya. Di ko na alam kong pano malulusutan ang gusot na to."
"pag sinabi mo rin sa kanya ang totoo, siguradong magagalit yun. Hindi lang yun, baka sugurin nya bigla si Kurt pag nalaman nyang sya yung nakauna sayo. Alam mo kung ganu ka ka gusto ng lalaking yun."
"naaawa ako kay Gab. I don't know how to face him . . natatakot at nahihiya ako. Sa ginawa ko, baka kamuhian nya ako."
"ei, anong magagawa mo. Di mo nga sya gusto di ba?"
"kahit na, he is still my bestfriend."
"pero di lang ganun ang tingin nya sayo."
*sigh*
.
.
Gabe na ng maisipang umuwi ni Chelsea. Inihatid ko sya hanggang sa labas.
YOU ARE READING
Ms. Virgin Bitch
RomancePano kung nakasanayan mong inaagaw ng kapatid mo ang lahat ng bagay na gusto mo? Matatakot ka na lang bang umibig dahil alam mong aagawin lang din naman ng kapatid mo ang lalaking gusto mo? Iiwas ka ba, o ipaglalaban mo sya?