Okay, WHAT THE HELL JUST HAPPENED?!!!!!
Initsapwera nya ang ganda ng isang Sophia Elle Villacruz?!!!!
Pangit na ba talaga ako? Doesn't he find me attractive?
WAAAAAAAH!!!!!
Mamatay na akong kakaisip. Juskooooo!
A BIG NO NO! -__________________-
-----
Naglalakad na ako pauwi. Pang huling klase ko na yung Re.Ed para sa araw na ito.
Hindi pa rin ako makapagmove-on sa ginawa nya. He left me with my jaw dropped.
I don't care..
I don't care..
I don't care..
Huwaaaaaaaa!! Nag-e-echo pa din sa utak ko yung sinabi nya. My gasss!
Aha!
Hindi ako papayag na ganun-ganunin nya lang ako!
Wala pang nakakatanggi sa charm ko. With my beautiful gray eyes, pointed cute nose and reddish kissable lips, hinding hindi ako papayag na hindi sya ma-fall sa akin!
Tama! That's the spirit Sophie! Kaya mo yan, AJA!
Ako si Sophia Elle Villacruz. Ang soulmate slash future wife mo Prime Dominic Salazar! Itaga mo yan sa kidney mo!
------
Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!! (Alarm clock po yan, pagtyagaan nyo na :D)
OMG! OMG! Late na ako, late na'kooooooo!
I hurriedly went to my bathroom and took a quick shower. Hindi na din ako kumain dahil talagang late na'ko. I just gave Madersu a quick peck on the cheeks and I already ran as fast as I can.
Kung tatanungin nyo ako kung bakit late akong nagising, gumawa lang naman ako ng isang "To-Do-List To Make Prime Dominic Salazar Fall Inlove With Me". Pero dahil complicated pa, paisa-isa ko lang silang ire-reveal sa inyo!
1st Step : Make him notice you.
At talaga naman, pansin nya talaga ang beauty ng lola nyo dahil talagang na late ako ng bonggang-bongga. Terror pa naman ang prof ko sa subject na ito. And what's quite embarassing is magkaklase kami sa subject na to. In short, nakita nya akong napahiya sa buong klase dahil sa bruhildang professor na yan. And worse, I arrived in class na parang ni-rape ng ilang sanggano sa kanto. Hindi halos nakapag-suklay, pawis na pawis at sigurado akong amoy araw na ako. A MAJOR TURN OFF SOPHIE!!!!
Dahil 2nd day of classes pa naman, wala pa kaming seating arrangement. At sabi nga nila, "when it rains, it pours" kaya eto ako ngayon, katabi si Dominic sa may likod dahil wala ng ibang upuang bakante. Anak ng meant-to-be, oo!
"May I have your name Miss? The one who's late?" tanong ng asdfghjkl kong professor.
"Sophie Miss. Sophia Elle Villacruz AB-Political Science," sagot ko. Syempre kasali kurso, maipagmamayabang ko yun, hanubaaa.
"So you're aspiring to be a lawyer someday?" tanong nya, nakataas pa rin ang kilay.
"Y-yes Miss, that has been my dream since I was a child," I answered politely kahit nangangatog ang tuhod ko.
"Lawyers should never be late Miss Villacruz," ay, petengene! Pigilan nyo ko! Sasapatusin ko tong lecheng to!
"And since you're late, you should answer this question in order for me to accept you in my class today," Juskooooo. Mamamatay na ba ako? History pa naman tong subject na to. Ang subject na pinakabobo ako.
I am so doomed! I thought to myself.
![](https://img.wattpad.com/cover/51152640-288-k912467.jpg)