"Okay, wala na bang mga tanong? Class dismissed," my ever boring Filipino professor left after that.
Nagmadali na akong lumabas ng room pagkatapos ng klase kong iyon. Wala rin naman akong dahil wala akong kakilala. Sa ibang school kasi nag-aaral ang mga baliw kong bestfriends.
Oh I almost forgot, by the way ako nga pala si Sophia Elle Villacruz. People call me Sophie and I'm 17 years young. A college freshman taking up Bachelor of Arts major in Political Science. Yes, you heard me right. I'm currently taking up that course because being a lawyer has always been my dream aside from the fact that Philippine constitution is also my forte.
Habang naglalakad patungong next class ko, I've seen so many group of students. Some are group of nerds busy flipping the pages of their thick books, some are also busy chit-chatting and some are those na walang pakialam sa mundo.
---------
Kakaliwa na sana ako ng may mapansin akong grupo ng mga lalaking malutong na nagtatawanan. Apat sila at mukhang nagtutuksuhan. Napapakamot pa sa ulo ang isa sa kanila which is I think ang napagtripang asarin ng grupo. If I'm not mistaken, mga criminology students sila dahil sa tabas ng mga buhok nila. Napailing nalang ako at lumiko na pakaliwa.
Narating ko na ang room ng klase kong Religious Education na nasa 3rd floor nga building. Sa isang private catholic school ako nag-aaral. Wala pang prof kaya umupo nalang ako at naghintay.
A loud roar of laughter from a group of people made my eyes shift to where the door is located. Nakita kong pumasok ang isang grupo ng estudyanteng kung hindi ako nagkakamali ay yung grupo ng criminology students na nakita kong nagtatawanan din kanina sa hallway.
Nasa 4th row ako kaya medyo malayo ako sa harapan. Ayoko ng masyadong malapit sa harapan. Madaldal ako kaya di ako pwede dun. Baka maging linya ng professor ang 'GET OUT!' pag nandun ako. Pumwesto naman yung mga lalaki sa likuran ko habang natatawa pa rin.
"Oh ano Salazar, baka may libag ka pa sa katawan ha? Ang bilis mong natapos maligo eh!" narinig kong sabi nung payat na lalaki na mukhang lider-lideran nila.
Hagalpakan na naman sila."Hindi ba sila matatapos katatawa? Kabagan sana tong mga panget na to," Sa isip-isip ko.
Lumingon ako sa kanila para sana sawayin sila pero napag-isip isip kong lalaki sila kaya natural maingay talaga.
Just when I was about to look away when the laughstock of the group turned to me. I looked down not because I'm shy but because the look he's giving me is really intimidating.
Upon looking down, I've seen his name on his ID.
Prime Dominic Salazar..
"He's got a nice name. And a cute face too," I mentally said then I looked away.