Chapter 31 - Fooled.

5.5K 97 1
                                    

The Fun starts now!

VOTES and COMMENTS please

Enjoy this Chapter.

A27

ALES WILHELM'S POV

Pagkalabas na pagkalabas ko ay si Wes ang bumungad saakin. Tsk. Ano nanaman ba ang kailangan ng lalaking to?

He was about to say something pero inunahan ko na siya. "Kung tungkol to kina Aika ay ito lang ang masasabi ko. Kasal na sila ni Lyseus." nagtuloy na ako sa paglalakad. Gusto kong mapag-isa. Pero ang kulit nang lahi ng lalaking to dahil ilang hakbang ko pa lang ay hinarangan nanaman niya ako.

"Pwede ba, wala ako sa mood kaya wag kang humarang sa dadaanan ko!!" I shouted this time. "Just give me what I want at titigilan na kita." sabi niya.

I shot him a deadly glare. "Fine. Open your share it." he did what I asked him to do. Nilabas ko naman yung cellphone ko at sinend sakanya yung mga pictures.

"There I hope you're happy." I said as I put my phone back on my purse.

"Don't worry, you'll get a benefit from this. Makakaganti ka sakanila indirectly." sagot niya. I just rolled my eyes at him.

This guy is crazy. Alam kong may pinaplano siya against the two but I refuse to join him. Bahala siyang magpakatanga jan. Tapos na ako sa kahibangan ko.

Mahal ko si Lyseus but I'm not that desperate na sirain ko yung marriage nila ni Aika, may pinagsamahan rin naman kami kahit papaano. Mabuti kung mag bf at gf lang sila, pero hindi eh. Huli na ako.

The only reason that I helped him is para tigilan na niya ako. That's it.

"Now move aside." he just smirked. "Thanks Ales." he said with joy.

Tsk.

Kahit kailan talaga nakakairita ang lalaking to.

"Whatever Wes."



AIKA'S POV

Nakabalik na kami sa bahay and by that I mean ay bahay ng papa ko.

Umalis si France dahil aasikasuhin na niya ang mga dokumento sa pag merge ng Aztech companies sa SGC, ang alam ko nga papalitan na nila to ng name, gagawing SE. Sanders Empire.

Since wala naman akong gagawin ay tinext ko sila Camille and Cass. Gusto ko silang kausapin tungkol sa mga nangyari nung wala ako dito, specially about Ales. I wanna know what went wrong.

We decided na mag kita sa sikat coffee shop sa isang mall.

Ako ang unang dumating and because of that ay kailangan ko rin maghintay.

Habang wala pa sila ay inalala ko yung mga nangyari kanina. F*ck. Gusto ko sana siyang lapitan kanina pero hindi ko alam kung anong gagawin ko.

It's clear that I am the source of her pain. Pero hindo ko naman alam na mahal niya si France. Kung alam ko, I would've backed off but now it's too late dahil mahal na mahal ko si France and I have no intention of giving him up.

Nawala ako sa pag-iisip nang may tumawag sa pangalan ko. I looked at the way kung saan nangaling yung boses and there I saw the two.

Naglakad sila papalapit saakin at nang makalapit ay niyakap nila ako nang sabay.

"God! We missed you Aika." sabi ni Cass. "Ang tagal mong nawala na babae ka." dagdag pa niya.

"Aika si Ales ---" hindi ko na pinatapos pa si Camille. Alam ko naman kung anong sasabihin niya eh.

Beautiful Mistake [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon