Bumalik na sya galing sa counter na may dalang serving tray at dalawang white chocolate dream. Habang lumilibot ung mata ko sa paligid, napansin ko lang na medyo mahal pala yung mga pagkain dito. Feeling ko, mayaman 'tong kasama ko, kasi hindi bababa sa 100pesos ung mga kape dito. Wow! May ginto kaya sa ingredients nung kape na tinitinda dito? XD
"Miss, ano bang pangalan mo? Nakakaumay na kasi kung palagi kitang tatawaging Miss."
Ayan na! Nagsmile na naman siya. Grabe. Pamatay talaga. Parang kanina lang, halos isumpa ko na lahat ng lalaki pero ngayon gustong gusto ko na nakikitang ngumingiti sya.
"Uhm~ Charlotte Marie Constantino, Ciara for short."
"Nice meeting you Cia. I'm Drew... Drew Autumn Soriano." He offered his hand. I should refuse but I can't resist his angelic smile. So gave him a hand.
After ng shaking of hands namin naging dead air. Walang gustong magsalita. Pero, in my mind andami kong gustong sabihin.
"Why are you running in the rain?" "Kaanu-ano mo si Lindon Soriano?"
AWKWARDDD~ After 5minutes na walang nagsasalita sa'min bigla pa kaming nagkasabay sa pagsisimula ng conversation.
"Ano yun?" I asked him.
"Hindi. Wala. Nevermind."
Nangangalahati na ako sa iniinom ko pero tahimik pa rin kami. Malapit na rin akong matuyo sa sobrang tagal ko na dito sa coffee shop.
"I'm wondering kung bakit ka tumatakbo sa ulan." He said.
"Uhm~ Wala. Siguro gusto ko lang mapag-isa."
"Really? E parang kanina lang nung nakabunggo kita, parang ang saya saya mo."
I sighed. Wala akong maisagot sa sinabi niya.
But words came out of my mouth. "Siguro, may mga bagay bagay talaga na madaling magbago sa isang kisapmata."
"Hahaha! Ang lalim nun ah? Hahahah!"
Grabe siya. I'm serious. Tapos bigla na lang siyang tatawa? Ang mean.
"Hindi ka naman pala interested. Thank you na lang sa drinks."
"Uy joke lang. Gusto ko lang kitang pangitiin. Ano bang nangyari?" Ayan na naman yung ngiti nyang makamandag.
Tinititigan ko lang white chocolate dream ko nang bigla ko na lang nasabi "Alam mo ba yung feeling na shinota ka lang dahil sa isang dare? Yung feeling na mahal na mahal mo siya pero sa kanya, it is just a game. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko. Bakit kaya hindi ko na-sense na isa lang palang lokohan yung pinasok ko?"
I cried. Nakakahiya ito. Sobrang nakakahiya na umiyak sa isang taong ngayon ko palang nakilala. At bukod sa pangalan niya, wala na akong ibang alam tungkol sa kanya.
"I'm sorry." He knows how to comfort someone. "Bakit ka naman kasi nagpakatanga? Alam mo kasi, kaming mga lalaki, likas samin maging manloloko. Sa susunod, wag agad agad maniniwala sa mga sinasabi namin ah?"
His words are striking. Tama siya. Hindi ako dapat agad naniwala sa mga flowering words ni Dexter.
"Thank you ah. Hindi kita kilala pero ang gaan gaan ng loob ko sa'yo. Nakakahiya nga kasi umiyak pa ako sa harap mo."
"Ano ka ba, okay lang yun. Friends?" He showed up his killer smile.
"Friends." I replied.
"Ngiti ka naman."
Sabi nya e, kaya ayun napangiti ako kahit medyo maluha pa yung mata ko.
"Huwag ka na ulit tatakbo sa ulan kapag may problema ka. Dagdag problema lang yun kapag nagkasakit ka. Tawagan mo na lang ako." Sabay sulat ng number niya sa palad ko.
"Pwedeng magtanong? Kaanu ano mo si Lindon Soriano?" I asked him.
"Ah~ yun ba? Kuya ko yun. Hehe. Kaya nung nakita kong wala pang pirma si kuya dito sa bola mo, pinapirmahan ko na sa kanya. Kaya nga kita hinanap e. Kasi feeling ko, importante yun sayo."
Hinanap niya ako? Talaga? Nakakatouch naman.
"Pano mo ako nakita?"
"Pauwi na ako tapos nakita kitang tumatakbo."
Natahimik na naman kami. Ano ba yan? Bakit kaya ang awkward ng feeling?
"Uhm~ medyo madilim na. Tsaka hindi ko pa alam umuwi ee. Siguro mauuna na ako." Then, tumayo ako. "Salamat for being a nice stranger, Autumn."
"Gusto mo hatid na kita?"
"Hindi. Hindi. Wag na. Siguro naman makakauwi pa ako. Salamat na lang."
"Hahatid lang kita palabas ng village."
"Village?!" Na-shock ako, nasa loob na pala ako ng isang village na hindi ko man lang alam kung saang lupalop ng Pilipinas.
"Oo kaya. Nasa loob ka ng village namin."
"Weh? Nasan ako?
"Nasa South Hill. Turning 7 na, hatid na kita palabas."
Grabe naman. Sa sobrang kakatakbo ko kanina, hindi ko na namalayan na nakapasok na pala ako sa village nila.
20 footsteps... 50 footsteps... 70 footsteps...
Tss. Antahimik talaga, naglalakad lang ako pero hindi ko alam kung saan papunta. Baka naman iligaw na ako ni kuya tapos ano? Tapos... KYAAAAAAA~ Bakit ko ba naiisip yung mga ganitong bagay? E ang sobrang bait nga niya ee. Haysttt.
Naririnig ko na yung maingay na highway. Siguro nga, palabas na kami ng village. Napag-isipan ko pa siya ng masama, mabait naman pala talaga siya.
"Thank you ulit."
"Hindi mo na ba talaga kukunin yung bola mo?"
"Ahh~ yun ba?"
"Ito na oh, kumpleto na yan ng signatures."
"Salamat." Tinanggap ko kahit galit na galit ako dun sa bolang yun. "Sige, uuwi na ako." Tapos, tumawid na ako.
Habang naghihintay ako ng jeep sa kabilang highway, narinig ko yung boses niya "Cia~ Balik ka next Saturday ah. Lilibre ulit kita."
Ano? Kahit maingay sa kalsada, malinaw ko pa ring narinig yung sinabi niya. Does he mean it?
At kahit maraming dumadaang vehicles, alam kong nakangiti sya nung sinabi niya yun.
Ahhhhhh~ basta, ayoko munang magtiwala. Sus, pare-pareho lang sila.
BINABASA MO ANG
My Autumn in the rain
Teen FictionA prince charming appears when you're a damsel in distress and disappears you when you're already a princess.