"Charlita, saan ka na naman ba galing? Alam mo bang kanina pa kami naghihintay sa'yo dito?"
Sobrang tragic na nga ng araw ko tapos ito pa bubungad sa'kin sa bahay. Haynaku~
"Ma, 8:30 pa lang. Diba 9PM ang curfew ko."
Gusto ko na talagang magpahinga. Sobrang dami na ng nangyari sa araw na ito. Namimiss ko na yung higaan ko.
"Bakit ka nakapaa? Nasan na yung sandals mo? Hoy, Charlita, kinakausap pa kita. Huwag ka munang umakyat sa kwarto mo."
"Ma~ bayaan niyo na po ako. Sobrang nahihilo na po ako..." Jusme, lalagnatin pa ata ako.
Blahblahblah... Talak pa rin nang talak si mama kaya lang hindi talaga maganda ang pakiramdam ko para makinig pa ako sa kanya.
Mag-isa na lang ako sa kwarto ko. I sit down on my bed. Tulala na naman ako. Sobrang naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Four hours ago, halos isumpa ko lahat ng lalaki then, after 2 hours pinagkatiwalaan ko ang isang lalaki na ngayon ko pa lang nakilala. Eff~ may mental disorder na kaya ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/5767107-288-k918536.jpg)
BINABASA MO ANG
My Autumn in the rain
Ficção AdolescenteA prince charming appears when you're a damsel in distress and disappears you when you're already a princess.