VHONG'S POV
Isang nakakabwisit na umaga sa inyong lahat. Umaga plng mainit na ang ulo ko. Sino ba namang hindi mag-iinit ang ulo kung ang mga taong nakapaligid sa iyo eh puro demonyo? Buhay nga naman, oh!
By the way, ako nga pla may-ari ng isa sa pinakamalaking company dito sa Pilipinas. Isa rin ako sa pinakamayamang tao dito. Kung tutuusin nasa akin na ang lahat. Lahat. Lahat. Pero syempre may kulang pa rin at hindi ko na kailanman hinangad na makuha ko pa yun, dahil simula nang iwanan kami ni papa, nawalan na ako ng pagasa pa na magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Kaya hindi ko hahayaan na mawala ang companya at ang trabaho ko dahil ito nalang ang meron sa akin, sa amin ng kapatid ko. Hindi ko hahayaan na makuha pa to ng iba. Dahil simula nang iwan kami, ako at ang kapatid kong si Jane lang ang magkasangga, magkasama, at siya lang ang babaeng mamahalin ko. Siya lang at wala ng iba. Kaming dalawa lang.
Oo alam ko, marami na akong nalokong babae. Lahat na ata ng babaeng sexy naloko ko na. Syempre mayaman ako at sino ba naman ang hindi maiinlove sa isang katulad ko? Isang mayaman, macho, at syempre gwapo kaya lahat na ata ng babae gusto ako. Pero syempre, I'm just playing with them. Malas lang nila kasi nauuto ko sila. And I'm enjoying it. Siguro sa isang daang babae na nahalikan ko at nakasama ko, wala dun ang seryoso noh. Isinusumpa ko sila, dahil ang mga babaeng yan, mga manloloko rin.
Pero, you know what. Hindi naman talaga ako ganito eh. Hindi naman ako marunong manloko ng babae, ang laki nga nang respeto ko sa kanila, pero nagbago ang lahat ng magandang pananaw ko sa isang babae, nang lokohin ako ng dati kong kasintahan, mahal na mahal ko siya, siya ang buhay ko noon, kulang na nga lang eh ikasal kami.
10 years ago. I met her in our school. Parehas kaming graduating noon. Parehas kami ng course. And we have the same dreams. Parehas kami ng pangarap. Parehas kami ng gustong tahakin. At parehas rin kaming iniwan ng magulang, kaya siguro malapit yung loob namin sa isa't isa. Naging maganda yung relationship namin. We both graduated magna cum laude. We dreamed high. At kasabay ng pagtupad ng mga pangarap namin ay ganon rin katindi ang pagmamahalan namin. Siya lang kaisa-isang babae na minahal ko nang todo. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.We loved each other! Yes, mahal namin ang isa't isa. Mahal na mahal. And then suddenly, I Lost Her. I LOST HER. Kasi INIWAN NIYA AKO.
Pero I moved on! Matagal na yun. It's been 4 years. Apat na taon na kaming hiwalay. Wala na akong balita tungkol sa kanya. At syempre hindi ko na hahayaan pa na maloko ako ng mga babaeng yan at sa madaling salita hindi ko hahayaan na makapasok sa buhay ko ang mga babaeng katulad niya. Sarado na ang puso ko. Saradong sarado.
Hmmmm, ang dami ko nang nakwento about sa past ko. Last na to promise.
Heto ako, nagbibihis. Pupunta na naman ako sa trabaho, nakakapagod nga. Kahit na ako yung President ng kumpanya, syempre napapagod rin ako noh. Ahmmm nga pla, may nahire na kaya si Maxine na bagong secretary ko? Wala kasing nagtatagal eh. Sige na, I need to go.(Pagbaba niya galing sa kwarto, nadatnan niyang nagaalmusal an kanyang kapatid na si Jane)
Jane: Oh hi kuya! Let's eat?
Vhong: GoodMorning! (Humalik sa noo ng kapatid) No, kakain nalang ako sa office. I'm in a rush! May naghihintay sa akin doon. Ah nga pala, I put 50 thousand on your atm.
Jane: Why? I still have money!
Vhong: Jane, I know you. Kapag nagshoshopping kayo ng bestfriend mo, hindi sapat ang 30 thousand. Kaya dinagdagan ko.(habang nagmamadaling humihigop ng kape)
Jane: Ikaw kuya ah, dinadaan mo ako sa pera mo. For 24 hours in a day, swerte ko kung makausap kita in 30 mins. Puro ka kasi trabaho. Why don't we go on a vacation?
Vhong: Ikaw ah, puro ka rin vacation. Alam mo naman yung trabaho ko diba?
Jane: Yun na nga kuya eh, alam ko ang trabaho mo at ikaw ang boss, and you have a lot of employees bakit hindi sila ang magtrabaho for you?
Vhong:(halik ulit sa noo ni Jane) O sige na, nagmumukha ka nang nanay ko. I have to go!(nagmamadaling umalis)
Jane: Kuyaaaaa! Hay naku, buti pa ang cellphone nakakusap ko. (Malungkot na kumakain)
Manang Melda: Buti pa nga yang Cellphone mo Jane, pagpasensyahan mo na kuya mo, busy lang yon.
Jane: Bakit po ganoon manang? Sabi niya, he'll never leave me, pero bakit pakiramdam ko magisa lang ako.?
Manang Melda: Mam Jane, intindihin nyo nlng yang kuya mo, ganoon nman talaga siya eh, importante ang trabaho sa kanya, kasi lahat nang yun para sayo.
Jane: Sige na po Manang, wala na po akong gana kumain eh.
Jane's POV
Heto ang buhay namin ng kuya ko. Yes, I can do and get whatever I want, pero isa lang ang hindi ko pa nakukuha ang atensyon ni kuya. Puro sya work, walang ibang alam gawin kundi magtrabaho, even at home nagtratrabaho siya. Nakakainis nga eh, magkasama nga kami sa iisang bahay pero never ko naman siyang naramdaman. Pero kahit ganon si kuya, mahal ko yun. Sige na, I'll better fix myself magshoshopping pa kami ng bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
A Yesterday's Dream
FanfictionPlease support! This is a Vhong Navarro and Anne Curtis story. NOTE: Fanfiction lang po ito. Pawang mga hindi katotohanan ang mga ganap dito. Mga guni-guni at kilig effect lang ito ni Author. Para sa mga VHONGANNE Babies.