Chapter 2: Ang Pagmamahal ng Isang Ama

311 8 0
                                    

Richard's POV
   Magandang Umaga Japan!!"Kon'nichiwa Sekai"! Isang masigabong palakpakan para sa bagong umaga, bagong pag-asa. Hay, napakaganda ng mundo lalo na't napapaligiran ka ng magagandang tanawin. Dito. Dito mismo sa lugar na to, dito ko naranasan kung paano  mabuhay. Dito ako lumaki, dito ako nagmahal, at dito ako nagkaroon ng isang makabuluhang buhay na kahit kailan hindi ko kayang limutin.  Buhay na ako lang ang bumuo, kasama ang mga tanawin na nagbibigay kulay sa mundo ko.
 
   Purong Pilipino ako ngunit sa Bansang Japan ako'y lumaki. Napadpad ako dito ng hindi ko pa nalalaman kung bakit. Nakakatuwa nga eh. Masayahin akong tao ngunit pagdating sa pamilya hindi ko alam kung kaya kong tumawa. 20 years akong naghirap at nagtiis. Hindi ko alam kung nasaan ang mga magulang ko. Mag-isa lang ako at hanggang ngayon nag-iisa parin.
 
    25 years old ako nang mahanap ko ang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Ang babaeng pumuno sa pagkukulang ng mga taong dapat ay responsibilidad ako. Ang babaeng pinakasalan ko at minahal ko ng buo. Nabiyayaan kami ng dalawang anak. Sina VHONG at si JANE. Naging maganda ang takbo ng buhay namin. Masayang-masaya, walang problema, walang away, walang gulo. Simple lang kami. Hindi mayaman, hindi rin naman mahirap. Sakto lang. Ngunit isang araw naglaho ang lahat. Isang araw lang, isang araw lang. Bigla na lang gumuho ang buhay na pinangarap ko, iniwan ako ng taong pinakamamahal ko. Iniwan ako ng asawa ko. Iniwan niya kaming mag-aama na malungkot at umiiyak. Iniwan niya kami. Sa isang iglap kinuha na siya sa amin, kinuha na siya ng Diyos. Wala na siya. Patay na. Pero alam ko naman na masaya na siya ngayon.

      Ilang buwan bago ako  nakamove-on. Akala ko magiging masaya pa rin ako sa piling ng mga anak ko, ngunit pati sila iiwan rin pala ako. Kinuha sila ng kanilang lola at lolo sa Pilipinas. Ang sabi nila, hindi ko sila makakayang buhayin pa, siguro dahil isa lang akong hamak na hardinero. Apat na taong gulang si Vhong noon at tatlong buwan palamang si Jane noon. Hindi ko na sila nakita simula ng araw na iyon. Kaya hanggang ngayon mag-isa ako, dito sa bansang Japan na kahit minsan hindi ko na mararanasan ang maiwan pa muli dahil simula ng iniwan ako, sinanay ko na ang sarili ko sa buhay na mag-isa lang talaga ako. Sinarado ko ang puso ko, dahil linaan ko lamang ang pag-ibig na natitira para sa mga anak ko na hindi ko alam kung makikita ko pa sila. Kung mayayakap ko pa ba sila. Kahit hulma ng kanilang mga  mukha hindi ko na ata matandaan pa. Isa na lang siguro ang pinanghahawakan ko ngayon ang pagmamahal ko para sa kanila. Gustong-gusto ko silang mahawakan at mayakap. Pero kahit papaano may balita pa rin naman ako sa kanila. Balita ko si Vhong, asensado na. May kompanya na daw siya, sa kanya na daw ang mga naglalakihang hotels at malls sa Pilipinas. Masaya daw silang magkapatid, naninirahan daw sila sa isa sa pinakamalaking Mansyon sa Pilipinas. 4th year college na rin daw si Jane ngayon. Masayang-masaya ako para sa kanila. Siguro okay na rin na kinuha sila n lolo't lola nila, kasi kung sakaling sa akin man sila lumaki, siguro ngayon naghihirap na kami at hindi ko maiibigay ang buhay na meron sila ngayon.
   
   Gusto ko silang makita. Gusto kong umuwi sa Pilipinas para makita sila. Yan lang gusto ko sa ngayon, ang makita talaga sila...Sana one day!!



#ABANGAN!
     

A Yesterday's Dream Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon