Dawn's POV
Good morning Japan!!!"Bagong umaga, bagong pag-asa." Yan daw ang mga katagang palaging sinasabi ng aking pinakamaganda, pinakamatalino, pinakamasipag at pinakamamahal kong anak na si ANNE.
Bata pa lang daw siya, pangarap na niyang magpatayo ng isang magarang kompanya ng mga naglalakihang hotels at Malls. Kaya nga todo kayod ako, na kahit mapalayo ako sa kanya gagawin ko basta't matupad ang mga pangarap niya. Mahigit isang taong gulang nang iwan ko siya para makipagsalaran sa ibang bansa. Walang araw na inisip ko siya, kung kumain na ba siya, kung naligo na ba siya, kung okay lang ba siya. Lumipad ako patungong Japan, Oo iniwan ko siyang malungkot at umiiyak. Kinailangan kong tiisin lahat ng sakit at lungkot. Kinailangan kong iwan si Anne para sa ikagaganda ng kinabukasan niya.Heto ako ngayon sa kwarto ko, mag-isa, mamayang gabi pa kasi ang trabaho ko. Oo, gabi ako nagtratrabaho, isa kasi akong entertainer dito sa Japan. Dancer, singer, at alam niyo na kung ano pa ang mga trabaho ko. Hindi ko na nga mabilang pa kung ilang lalakeng hapon ang nakatabi ko sa kama, siguro 100? 1,000? hindi ko na talaga alam. Manhid na ata ako simula noong linoko ako ng tatay ni Anne, hindi na nga ako nagmahal pa. Linaan ko nalang ang pagmamahal ko sa aking anak.
Oo, linoko ako ng walang hiyang ama ng anak ko, hindi ko alam kung nasaan na siya. Hindi ko nga rin alam kung anong buong pangalan niya. Basta ang natatandaan ko sa isang bar sa Pilipinas kami nagkita at dinala niya ako sa isang mamahaling hotel. Pinagsamantalahan niya ang pagkababae ko, ninakaw niya ang virginity ko. Kinuha niya ang pinanghahawakan ko. Lumipas ang ilang araw nagkita ulit kami. Sinabi ko sa kanya na buntis ako. Gusto ko siyang ipaglaban, gusto kung panagutan niya ang pinagbubuntis ko, pero hindi niya nagawa dahil sa kadahilanang mayroon siyang pamilya. At mahal niya ang mga ito. Hindi ko naipagtanggol ang sarili ko, ako ang nawasak, ako ang nawalan at ako nasira. Sa mga oras na yun nanirahan ako sa isang maliit na eskinita, hindi ako umuuwi sa bahay hangga't hindi ko naipapanganak si Anne, wala akong mukhang maipapakita sa mga magulang ko. Naging miserable ang buhay ko. Nag-iisa ako sa mga panahong kailangan na kailangan ko ng katuwang. Tiniis ko ang lahat ng iyon dahil sa anak ko. Pebrero taong 1985 ng ipinanganak ko siya, nag-iba ang mundo ko, ang dating madilim, puno ng kasiwian at kalungkutan ay naging maliwanag at puno ng kaligayahan. Pinalaki ko siya na puno ng pagmamahal. Ngunit dahil sa bagsik ng kahirapan naisipan kong iwan siya at ipamigay sa tiyahin ko. Mahigit isang taong gulang siya noon.Lumaki si Anne na walang inang umaagapay, nag-aalaga, at tumutulong sa kanya. Iniwan ko siya sa tiyahin ko. Hindi naman ako nakarinig ng kahit anong masasamang salita mula sa tiyahin, marahil siguro masaya siya sa mga pera at mga bagay-bagay na pinapadala ko. Lahat lahat ay binigay ko kay Anne, lahat ng gusto niya sinusunod ko at lahat ng mga pangarap niya tutuparin ko dahil anak at mahal ko siya. Lahat ng hinihiling niya binibigay ko, sa katunayan may sarili na siyang Condo ngayon, mag-isa siya sa unit niya. Ang sabi ng tiyahin ko matalino siya, kaya lang mahilig gumimik at kung saan-saan umuuwi kaya hiniling ng tiyahin ko na bilhan ko siya ng matitirahan dahil mahina na daw siya at hindi na niya pa kayang alagaan si Anne. May sarili na rin siyang kotse at buwan-buwan linalagyan ko ng pera ang bangko niya para mabili niya lahat ng gusto niya. Pero sa kabila ng lahat ng pagsasakripisyo ko ay kabaliktaran para sa kanya. Iniisip niya na iniwan ko siya, na hindi ko siya mahal. Na mag-isa lang siya. Simula nang iwan ko siya, hindi na niya ako nakita, sa skype at video chat lang kami nagkikita pero malayo pa rin ang loob niya sa akin. Hindi ko nga alam kung mababago pa ang pakikitungo niya sa akin. Next year nga uuwi na ako, pero hindi ko alam kung matatanggap pa niya ako. Bahala na. Ang mahalaga hindi ko na siya iiwan pa at mahal na mahal ko siya...
Sige na, marami pa akong gagawin. Ihahanda ko pa ang sarili ko sa isa na namang gabi na magbibigay ng kaligayan at kalangitan sa mga lalakeng Hapon na kahit kailan hindi ko ginustong gawin pero titiisin ko ang sakit, lungkot at dumi para sa pinakamamahal kong si ANNE. Ang aking Anak!!!❤❤
#Abangan!!!
BINABASA MO ANG
A Yesterday's Dream
FanficPlease support! This is a Vhong Navarro and Anne Curtis story. NOTE: Fanfiction lang po ito. Pawang mga hindi katotohanan ang mga ganap dito. Mga guni-guni at kilig effect lang ito ni Author. Para sa mga VHONGANNE Babies.