//Mag simula tayo sa mismong simula
June 27, 2015 3:04pm
Birthday ni Lay, invited lahat ng classmate at kaibigan niya. Invited din lahat ng ininvite ng mga classmate at kaibigan niya.
Dumating na lahat ng bisita, si Lay nag aasikaso ng gamit para sa mga bisita niya. Bumili si Lay ng pagkain dahil bitin yung handa na niluto.
Pagbalik ni Lay sa bahay may nakita siyang grupo ng mga babae na nakatayo lang at walang maupuan. Nagbuhat si Lay ng mga bangko para sa kanila. Sabay sabi ni;
Shana: Kuya, ano pangalan mo?
Kaibigan'1: Siya yung may birthday diba? ; Kaibigan'2: Oo siya nga yan.
Lay: Lay Angelo Cruz po.
Shana: Ah, Happy birthday kuya. Salamat sa pag inbita.
Lay: *tinuloy yung ginagawa
Habang inaasikaso ni Lay ang mga bisita niya na nasa 3rd floor (malaki pala bahay nila Lay), umakyat pa yung ibang bisita niya at wala nang mapupwestuhan dahil nasakop na ang buong gilid ng loob ng bahay.
Lay: Sa kwarto ko muna kayo tumambay.
Nang matapos na ang gawain ni Lay, tska siya kumain at nakisalo sa mga kaibigan at classmate niya.
Napadaan si Lay sa harap ni Shana;
Shana: Kuya? Picture naman tayo.
Lay: *Walang palag
Shana: Kuya, crush na kita!
Lay: *Ngumiti at umupo sa tabi ng kaibigan niya at tsaka kumain
Shana: Ilan taon ka na po kuya?
Lay: 18 na, pwede na ako makulong.
Shana: Haha, grabe ka naman kuya.
Kaibigan'1: Hoy Shana, hindi porket birthday ni kuya e, haharutin mo na.
Shana: Ang kapal mo naman, para harutin?
Kaibigan'2: Ikaw pa ba, Shana?
Lay: *Tumatawa dahil sa biruan nilang magkakaibigan.
Shana: Wait lang po kuya.
Habang kumakain si Lay, napapaisip siya. Bakit daw ganon nararamdaman niya para kay Shana. Nagkagusto siya kay Shana yung time na 'yon.
/* Sa totoo lang, tayong mga lalaki kapag may nagsabi saatin na gusto tayo ng isang tao feeling natin malakas dating natin sa kanila kaya pumapasok tayo sa punto na nagpapapansin o nagpapakyut tayo sa taong nagsabing may gusto saatin. */
Nang matapos kumain si Lay, sinamahan niya naman yung mga classmate niya at tinanong kung mag iinuman ba sila.
Lay: Ano mga bading? Mag iinuman ba kayo?
Classmate'2: Maya maya na pre, kapag madilim na para maganda.
Classmate'1: Bili na tayo Lay.
Umalis na sila Lay para bumili ng iinumin ng mga classmate niya.
Napatingin si Lay kay Shana at si Shana naman nakatingin na talaga kay Lay, nagkatitigan sila hanggang sa makadaan si Lay sa harap ni Shana. Napangiti si Lay at si Shana, walang choice si Lay kundi tumingin ulit kay Shana bago bumaba ng hagdan at si Shana nakatingin parin kay Lay.
Lay: Pre, kilala mo yung Shana?
Classmate'1: Oo, kaibigan ko yon. Bakit mo natanong?
Lay: Wala lang, natanong ko lang.
Classmate'1: Ah, may boyfriend yon.
Lay: Ay we? Hahahaha.
Classmate'1: Oo, bakit may sinabi ba sayo?
Lay: Wala naman, sinabi niya lang na crush niya ako.
Classmate'1: Baliw talaga yon, basta makakita lang ng gwapo yon crush na niya agad.
Lay: Hah, grabe.
Classmate'1: Diskartehan mo kung gusto mo, alam ko namang kaya mo maghintay kapag ganyang may mga karelasyon.
Lay: Hoy, wala akong gusto sa kanya. Tska unang kita palang namin ngayon may gusto na agad ako? Tska Aayusin ko grades ko, mahirap kapag ipagsasabay.
Classmate'1: Sus, narinig ko na sayo yan dati pero naghintay ka sa taong yon. Kaso wala, na Friendzoned ka. Hahahaha!
Lay: Ewan ko sayo, bumili ka na nga lang. Hampas ko sayo tong bote na 'to eh.
Classmate'1: Kalma ka lang;
Classmate'1: Pabili po! Ate ano pong alak meron kayo diyan? . . . . . . . . .
Pabalik na sila Lay at ang classmate niya.
Lay: Pasok muna ako sa kwarto pre.
Classmate'1: Sige lang.
Pag pasok ni Lay sa kwarto, nagulat siya bakit may naka sando na babae.
Nakalimutan ni Lay na pinapunta pala niya yung mga bisita sa kwarto.
Lay: Bakit ka nakasando?
Stranger'1: Ay, sorry po kuya. Ang init po kasi sa kwarto mo e.
Lay: Sige, lalabas nalang ako. I-lock mo tong pinto baka biglang may pumasok.
Stranger'1: Okay po.
Umakyat na si Lay para tignan kung ano sitwasyon ng mga bisita niya, nang makita niya na si Shana at ang mga kaibigan niya aalis na.Nagpaalam at binati ng "Happy Birthday" si Lay.
Shana: Happy Birthday po kuya! Hahahaha, next year ulit! Hihihihi *sabay apir
Lay: Salamat, Ingat kayo!
Nakaalis na si Shana at ang mga kaibigan niya. Si Lay naman, inasikaso na mga bisita niya. Hanggang sa matapos ang inuman at kasiyahan, umalis na ang mga bisita ni Lay mga lasing at hilo na.
/* Sabi sa'kin ni Lay, "Alam kong magkikita pa kami sa school, kaya gaganahan na ako pumasok araw araw". May mga bagay tayong hindi maiintindihan kapag tumagal na. */
Mukhang naiinlove na si Lay kay Shana kahit unang pagkikita palang nila. Bakit kaya bigla nalang nagkagusto si Lay kay Shana, ano ba nakita ni Lay sa kanya?
Maghihintay parin"Unang pagkikita♥"
BINABASA MO ANG
Maghihintay Lamang
RandomSa panahon ngayon hindi natin malalaman kung ang isang tao ay talagang tapat sa kanyang hinihintay. Ikukuwento ko ang buhay ng isang lalaki na naghihintay sa babaeng minahal niyang tunay. I hope you like my story. Vote please, thank you very much!