President: Guys! Yung mga gustong sumali ng sayaw lapit nalang dito!
Nag-announce na about sa sayaw.
Nagdadalawang isip si Lay kung sasali ba siya o hindi.
Naisip niya kapag sumali siya ng sayaw may magagawa siya sa buong semestre.
May sumigaw na "Isali si Lay sa sayaw."
Lay: Sige, sali niyo lang ako!
Tropa'1: Sure ka? Gusto mo sumali?
Lay: Sige lang!
Tropa'1: Sige. Lagay mo pangalan mo dito tapos pirma.
Sumali na si Lay sa sayaw na parang pilit pero gusto niya.
Hindi alam ni Lay na kasali si Shana sa sayaw na sinalihan niya. Magkagrupo sila sa sayaw, simula nang nalaman ni Lay na kasali si Shana sa grupo araw-araw hinahanap ni Lay si Shana sa bawat room ng school para makasilay o makita siya.
Sa tuwing nagkikita sina Lay at Shana sa school, lagi silang nagkakawayan. Kaway na "Hi" "Hello". Kahit si Shana hinahanap na rin si Lay sa bawat room.
Unti-unti silang nagpapapansin sa isa't isa, naghahanapan sa isa't isa at nagkakagusto sa isa't isa.
Isang linggo ang nakalipas
Mag pa-practice na, nagkakausap na silang dalawa sa personal. May unang picture na silang dalawa at may tawagan na agad sila //LOL.
Shana: Lay, picture tayo!
Unang picture nila is nasa bahay ng President.
Nagkukulitan na si Lay at Shana nung time na 'yon kasi nag-uusap na sila sa facebook chat kaya hindi na sila na-iilang sa isa't isa. Nakakahalata yung iba na ang sweet ni Lay kay Shana. May nagtanong nang pabulong kay Lay.
Inggitero'1: Pre, may gusto ka ba kay Shana?
Lay: Huh? Anong may gusto? Oo meron, secret lang ha ayokong malaman niya.
Inggitero'1: Hahahaha kaya pala, ang sweet mo kaya sa kanya.
Lay: Basta wag mong sasabihin sa kanya o kanino man.
Inggitero'1: Oo, sige.
Nagsimula na ang practice, nagpapakita ng galing si Lay sa pagsasayaw kahit practice palang. Napapansin naman ni Shana yung pagpapapansin ni Lay. Natutuwa si Lay sa sayaw dahil kailan lang ulit siya nakasayaw nang ganon. Matagal na din itinigil ni Lay ang pagsasayaw. Ngayon lang ulit siya ginanahan dahil kay Shana.
Choreographer: Pahinga muna guys! Practice ulit mamaya.
Nagpapahinga na ang lahat pero si Lay patuloy parin sa pag papractice.
Choreographer: Lay? Magpahinga ka na muna, magpapractice pa naman mamaya e.
Lay: Sige lang, magpahinga lang kayo. Hindi pa naman ako napapagod e.
Choreographer: Sige, ikaw bahala.
JE LEEST
Maghihintay Lamang
OverigSa panahon ngayon hindi natin malalaman kung ang isang tao ay talagang tapat sa kanyang hinihintay. Ikukuwento ko ang buhay ng isang lalaki na naghihintay sa babaeng minahal niyang tunay. I hope you like my story. Vote please, thank you very much!