Chapter Two

58 2 0
                                    

(Sasha's POV)

YAY. It's Monday again. Isa lang naman ang subject ko ngayon kaya keri lang. 3pm pa naman yun eh. Pero bumangon na agad ako. Hindi na ako makatulog eh. Pero biglang sumakit ang ulo ko. Parang may nagfa-flashback sa memory ko

flashback:

"Promise! Tayong dalawa ang magkakatuluyan sa huli!" sabi nung isang batang lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha niya.

"Promise yan ha?" tanong nung batang babae na feeling ko ay ako.

"PROMISE!" -batang lalaki.

Nagpinky promise silang dalawa.

Flashback ends.

"Aaaah!!!" sigaw ko.

Grabe. Ang sakit talaga ng ulo ko. Napapadalas nga yun eh. Siguro kasi may naaalala akong memories.

Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at uminom nun. Woah. Refreshing.

I wonder. Nasaan kaya si Adrian ngayon??

Hay. Boring talaga dito sa bahay. Matawagan nga si Ally.

"Hello?" -Ally

"Bess! Are you free?" tanong ko

"Nope. I have classes this morning eh."

"Awww. Aayain sana kitang mag-shopping."

"Sayang! Makakalibre pa sana ako sayo!" -Ally

"Loka!! Haha. Sige, bye!"

"Bye!"

I ended our call.

Hay. Ako na nga lang mag-isa ang pupunta sa mall.

(Adrian's POV)

Hi! Siguro naman kilala niyo na ako. I'm Jame Adrian Santos. 18 years old. 3rd Year college.

GWAPO.

MAYAMAN.

MATINO.

PLAYBOY.

MASUNGIT.

SUPLADO.

Ayan. Lahat na ng negative na saakin. Haha

Naging ganito lang naman ako kasi namatay ang brother ko. Grabe, close na close kami nun. Kaso nga lang nagkaroon siya ng heart problem at yun, namatay siya.

About dun sa pinag-uusapan namin nila Nate at Ross kanina. We're talking about Serene. My long lost childhood friend?sweetheart. Nabalitaan ko kasi dati na naaksidente siya. Pagkatapos nun, nawala na siya ng parang bula kasama nung isa pa naming kaibigan na si Maddison. Yan din ang isa pang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Pero nung nalaman kong nakabalik na pala siya ng Pilipinas, nawala ang sama ng loob ko. Yung feeling na gustong gusto ko siyang makita at yakapin. Aww. I miss her so much. Hindi ko na nga alam yung itsura niya ngayon eh. Naalala ko pa nga dati, lagi kaming magkasama na magkakaibigan. Ako, si Serene, si Nate, Si Ross at si Maddison. Awwww. Mas lalo ko siyang namimiss.

Nandito ako ngayon sa mall. Sa Starbucks to be exact. Tsk. Kainis! Dapat kasama ko sila Nate eh. Sa pagka-g*go ba naman nila. Hindi nila nasabing hindi sila makakarating. Aayain ko pa naman sana silang mag-bar mamaya. 3pm pa yung class ko hanggang 5pm. Siguro 7pm pa ako makakapunta sa bar.

(Sasha's POV)

Trolololololol (^0^)

Wah. Ang saya-saya!! Nakabili kasi ako ng ticket sa concert ni Taylor Swift. Weeeee!!! Ahahahaa. Napaka-childish ko noh?? Ahaha. Papunta na akong Starbucks. Nag-crave ako bigla sa coffee jelly eh. Papunta na akonh counter nung mahagip ng mata ko si Adrian. Woah! I'm lucky!! Nag-order na ako ng coffee jelly at kumuha ng seat. Pinili kong tumabi kay Adrian since mag-isa lang naman siya.

A Fixed MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon