Yey!! Fieldtrip namin ngayon!! Tanong niyo kung saan? BORACAY. Yipeee!!! Woohooo.. Hahaha. Childish much!
Its 3am. Haha. Excited much? Hindi ako makatulog eh. Pano ba naman. Seatmate ko si Adrian and buddies din namin ang isa't isa pagdating sa Boracay. It means kami lagi dapat ang magkasama doon at kami din ang magka-room mate. Yieeee kinikilig ako. Ahaha. Nag-pack na ako ng gamit ko.
Undies? Check.
Dresses/Blouses/T-shirts?? Check.
Pants/Shorts/Leggings??? Check.
Slippers/Sandals/Heels?? Check.
Iphone/Ipad3/Ipod?? Check.
2-piece swimsuit?? Check na check!
Lotion? Check.
Shades? Check.
Tortillos? Ridges? Mr. Chips? Crispy Creams? Tempura? Lays? Potato Fries? Coke-in-can? 1.5 liter C2?? CHECK!!
Haha. Hindi naman halatang first timer ako noh? Hahaha.
Tinawagan ko sa phone si Ally.
"Hello??" Halatang antok na antok ang boses niya.
"BEST!! EXCITED NA AKO!!" -Ako
"Ano ka ba! Look at the clock. 3am palang noh. Anong oras ang departure? 7am pa! Wahh. You destroyed my beauty sleep eh."
"Ah. Ganun na? Sige, bye!!" -Ako
Binaba ko na ang telepono.
Energetic ako ngayon eh.
Si Lance naman ang tinawagan ko.
-_-
Out of coverage area.
Nasan nanaman kaya yung asungot na yun?
Si Adrian na lang!
"Hello??" -Adrian
"GOOD MORNING, YANYAN!! GISING NA! Baka ma-late ka mamaya ha. 6am!"
"Ha?? 3am palang kaya! Ano ka ba! Inistorbo mo naman yung tulog ko eh!"
"Sorry, ha. Sige matulog ka na. Salamat sa pagsagot ng tawag ko. Bye-"
"Oo na nga! Gigising na! Psh."
Haha. Ganyan ang technic ko. Magpapaawa ako sa kanya.
"Wushu. Wushu!! Hahaa. Alam ko na kahinaan mo Jame Adrian Santos! Wait lang.. Ano nga palang nickname mo nung bata ka?? Jamie-"
Napatigil ako sa pagsasalita. Sumakit bigla ang ulo ko. Jamie?? Sounds familiar..
"Sash-"
"Aaaahhhh!! ahhhhhh!" Sigaw ko. Sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Balak ko ngang magpa-check up kaso nga lang natatakot ako sa magiging resulta. Dumadalas na kasi ang pananakit ng ulo ko.
"Sasha??! Oi! Anong nangyari sa yo??!" Tanong ni Adrian sa kabilang linya. Nagkataon naman na nahimasmasan na ako at nawala na rin ang sakit ng ulo ko.
"Ahh. Wala. Wala ito."
"Sus. Akala ko naman kung napano ka na. Sige una na ako ha. Maliligo na po! Haha." -Adrian
"Haha. Good boy!" -Ako
Dun na natapos ang usapan namin.
Bakit kaya laging sumasakit ang ulo ko. Hindi kaya may kinalaman ito sa pagkabagok ko nung bata pa ako??
Aisshhh!! Ayoko na mag-isip!
Uminom nalang ako ng pain reliever. Pumunta muna ako sa sala para magluto ng breakfast.
BINABASA MO ANG
A Fixed Marriage
Teen FictionPano kung may crush na crush ka sa school niyo? Lahat ay gagawin mo para mapansin ka niya. Pero kahit anong gawin mo ay di ka niya mapansin dahil may iba siyang mahal. Pano kung isang araw ay pinagkasundo kayo ng parents niyo para magpakasal? Sasaya...